Kabanata 1

2291 Words
Patuloy si Aidan sa paghalik sa aking leeg pero wala na roon ang buong atensyon ko. Hindi ko magawang ialis ang paningin sa lalaking iyon. He is sitting on the couch with legs wide open. Nakapatong sa sandalan ang isang braso habang ang isa naman ay may hawak na baso ng whiskey. Aidan’s kisses made its way to my chest. Napahawak ako sa balikat niya para sana itulak siya palayo but the man, silently sitting on the couch, found my eyes gawking at him. My lips parted and gasped for air before looking away. “Don’t you like my kisses?” “Wh-What? No… I mean, that’s not it..” katuwiran ko. Napaayos ako ng upo at nginitian si Aidan na ngayon ay nakabusangot na ang mukha. I held his face and planted a kiss on his cheek. “Then why are you spacing out? Kanina ko pa napapansing tahimik ka. Nagseselos ka ba kay Ella?” Kumunot ang noo ko. I don’t even know who Ella is. Bakit naman ako magseselos? “O tungkol na naman ito kay Michelle? Look, Yuki, we’re just friends,” dagdag pa niya. Lumingon ulit ako sa couch na iyon bago tuluyang hinarap si Aidan. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi niya. At saka, bakit naman ako magseselos doon sa Ella at Michelle? Ni hindi ko sila kilala. At ano naman ngayon kung may Ella at Michelle siya, right? He’s free to date anyone. “And so are we,” giit ko sa kaniya. “What? What do you mean by that?” “We’re friends, just like how you’re friends with your Ella and Michelle,” I explained. “Nagseselos ka nga. I know you, Yuki.” Napaawang ang labi ko at palihim na natawa sa sinabi niya. He knows me? Kung totoong kilala niya ako ay dapat alam niya kung paano ako magselos! I have never been jealous in my entire life! Kaya paano niya nasasabing nagseselos nga ako? “Bakit mo ba ipinagpipilitang nagseselos ako? I am not. And is that a big deal? Sinabi ko na, noong umpisa pa lang, na ayaw ko ng gusto mong mangyari. Ito lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo and you agreed, right? You agreed that you would take what I could offer. Kaya bakit ka umaarteng nasa seryosong relasyon tayo?” paglilinaw ko. Napasuklay siya sa sariling buhok at iritadong tumayo. Pinulot niya ang cellphone na nakapatong sa mesa at naglakad na palabas. Umirap na lang ako at sumandal sa couch. He is the worst. Hindi ko alam na ganoon pala siya ka-clingy. Isa siya sa mga pinakamatagal na nanligaw sa akin dati, natigil lang dahil nilinaw ko na sa kaniya na hindi ako interesado. Naintindihan naman niya. He said that he really likes me so I replied that I can do flings. Tapos ngayon, hindi siya makuntento roon? Siya pa may ganang mag-walk out? Ayos lang naman sa akin kung ganoon, nakakasawa rin naman kasi siya. I do not need a guy like him. And with that thought, muli akong sumulyap sa kabilang couch para sana tingnan ulit ang lalaki pero wala na siya roon. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng club pero wala siya, maging sa dance floor. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang ngiti. I can’t picture him dance, ibang klaseng sayaw ang pumapasok sa isip ko. Tumayo na ako pagkatapos tunggain ang magkasunod na dalawang baso ng Black Label. Sinuyod ko ang bar counter at wala rin siya roon. Saan na nagpunta iyon? Balak ko sanang umuwi agad pagkatapos maiabot ang regalo kay Aidan pero nagbago na ang isip ko. “Hey, Yuki! You’re here…” bati ng isang kaibigan nang mamataan ako. “Oh, hi!” She kissed my cheek. “You’re alone?” Tumango ako bilang sagot at muling iginala ang paningin sa dance floor bago inangat papuntang second floor. Lalong lumakas ang tugtog mula sa stereo at mabilis na paggalaw ng ilaw kaya hirap akong hanapin siya. “Go, sit with us! Kasama namin si Nico…” She tried to pull my arm but I immediately waved my hand at her. “Sorry but I have to look for someone.” Tinalikuran ko na siya at hindi na pinansin ang pagtawag niya. Masyadong maingay kaya nagkunwari na lang akong hindi siya naririnig. I went to the second floor and my eyes scanned it. May mga kakilala akong nakakasalubong at patuloy lang ako sa pag-iling sa alok na sumama sa kanila. “Sino ba iyan, Yuki?” Maging ako ay hindi ko alam kung sino siya, Anne. “I’ll join you next time. I’m really sorry,” paalam ko sa kaniya. Ilan pa ang nakasalubong at nabangga ko hanggang sa tingin ko ay nasuyod ko na ang buong second floor. Umalis na kaya siya? Bumagsak ang balikat ko at buntong-hiningang naupo sa isang bakanteng couch. I never imagined that I will spend time looking for someone I’m interested with. That’s hard. And that was it. Pinili kong uminom na lang saglit at uuwi na lang pagkatapos. I joined Anne’s company for a bit and she asked me if I found who I’m looking for. Syempre hindi ko iyon sinagot. Bakit ko naman sasabihing may hinahanap akong lalaki na kanina ko lang din nakita? That I am curious to meet him? That I badly want to meet him just because he is smoking hot? No way. Pagkatapos maglinis ng katawan ay agad akong bumagsak sa kama. I feel so tired and sleepy. Kaonti lang naman ang nainom ko dahil masyadong magulo ang utak ko sa dami ng iniisip. How should I deal with Aidan, what kind of excuse will I give to my brother after this and… him. That guy. “Yuki! Kung hindi ka pa babangon diyan ay kukunin daw ng Kuya mo ang car key ng Sedan mo!” Hinampas ni Manang Leticia ang pintuan ng kwarto ko. Kahit na antok na antok pa ako ay nagawa ko ang agarang pagbangon. That was harsh, Manang! Iyon ang tanging naging inspirasyon ko para kumilos na at maligo. Bumaba agad ako para makapag-almusal na pero sandali akong natigilan at hinarap si Manang na aligagang nakasunod sa akin. “Mukha po ba siyang galit?” Hindi siya agad nakasagot. “Salubong ang kilay niya.. kagabi pa. Ikaw ang unang hinanap.” Lalo lang nadagdagan ang kaba ko. Hindi ko na sana tinanong. Umuwi naman ako agad kagabi pagkatapos ng apat na shot ng alak na inalok ni Anne. Late akong umalis ng bahay kaya malamang ay late na rin akong nakauwi. Sinigurado ko namang sarado na ang pinto ng kwarto ni Kuya bago lumabas kaya hindi ko alam kung paano niya nalamang umalis ako. Did he checked my room? What an idiot, Yuki. Humalik ako sa pisngi ni Kuya bago naupo sa upuang nasa tapat niya. “Where have you been last night?” malamig ang boses na tanong niya. Nilingon ko si Manang pero nag-iwas lang siya ng tingin. What? Hindi man lang siya gumawa ng kahit anong excuse para sa akin? “K-kay Ariessa…” “Tinawagan ko siya kagabi.” Natigilan ako at sinubukang mag-isip ng kahit ano pero halos walang pumapasok sa utak ko. “That was before I arrive at their house.” Napahinto si Kuya Yael at pailalim na tumingin sa akin. I remained a stoic expression to hide my nervousness. Uminom siya ng tubig. “Anong oras po siya lumabas, Manang?” Nagpatuloy siya sa pagkain habang ako ay napatingin kay Manang na tahimik lang na nakatayo sa gilid. “Bandang alas diyes na, Sir..” I parted my lips out of shock. I can’t believe this. Bago ako makaalis kagabi ay sinigurado pa ni Manang na tulog na si Kuya. And now, she’s here, confessing to my brother that I left in the middle of the night just to meet Aidan. “So, your alibi is you arrived at Ariessa’s place after I called her. And then here’s Manang Leticia, saying that you left the house at ten in the evening and arrived after an hour. I was in the mini library before the clock strikes at eleven and checked your room before going to mine,” he narrated, his stares were piercing through me. Hindi ako nagsalita at hinintay ang sunod na sasabihin niya. “Does that support your alibi?” “I.. think so,” mabagal ang pagkakasabi ko no’n na parang iniisip pa kung tama ba na iyon ang sagot sa tanong niya. “No,” he drawled. Natigilan ako. Maging si Manang Leticia na tahimik lang na nakikinig ay napaatras ng kaunti dahil sa paraan ng pagkakasabi no’n ni Kuya. “I called your friend right after I saw you entering your room at 11:14. Paanong kararating mo lang kina Ariessa pagkatapos ng tawag ko? Their subdivision is not too far from us, kaya kahit tama ang alibi mo at hindi kita nakitang dumating ng oras na iyon, hindi pa rin ako maniniwala.” Ang resulta? Hindi niya ako pinayagang lumabas. I am also grounded for two weeks. Gusto niyang dumiretso agad ako pauwi after my class. But he also said that if I really wanted to go shopping or what, I should leave with a body guard. Alam na alam niyang mas gugustuhin kong manatili sa bahay kaysa gumala pero may nakasunod namang body guard. I hate it! I was grounded way back high school and that was hell. Ayaw ko nang balikan pa iyon. Kuya Yael is really uptight when it comes to me. Our parents were always busy with our company and they barely go home since sa Davao iyon nakabase. Kaya parang si Kuya na ang in-charge sa disiplinang ginagawa sa akin madalas ni Mommy. Dad is her opposite though. He is very supportive in everything I do, as long as I am happy and wala raw tinatapakang tao. “Grabe namang ‘yang Kuya mo, Yuki! Ang higpit! Ang lala!” Medyo natawa ako. “He’s always like that.” May sumigaw mula sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. “Sunod ako! May kausap lang ako saglit!” sigaw pabalik ni Ariessa. “Sa dinami-dami ba naman ng pwede mong idahilan, ako pa? Sana sinabi mo na lang na galing ka talaga sa bar!” “E ‘di mas nagalit si Kuya?” Naulit ang pagsigaw ng kung sino kaya nagtaka na ako. Where is she? “Nasaan ka?” “I’m in La Union. My cousins wanted to check one of the beaches here, so I gave it a try…” Oh, how I wish. You’ll really get tempted easily when you are told not to do anything. Ariessa hung up on me after a while, leaving me alone with my jealous face. I want to take a dip! Inilapag ni Manang Leticia ang isang baso ng orange juice pati ang cinnamon rolls sa mesa. Nasa garden ako ngayon, nilalanghap ang lahat ng sariwang hangin. “I trusted you, Manang. How could you do that?” may halong tampo sa boses ko nang itanong iyon. Madalas niya akong pagtakpan kay Mommy, dati pa. She’s so good on making excuses. Though I am not really sure if Mom was really convinced or she was just too soft for Manang Leticia. Bata pa lang kasi si Mommy ay kasama na niya si Manang, siya na ang tumayong ina dahil maagang nawala si Lola. “Natakot kasi ako sa ekspresyon ng mukha ng Kuya mo, hija. Pasensya na…” I chuckled. Nakakatakot naman kasi talaga si Kuya. He’s too strict. Hindi naman siya madalas na strikto, pero once na bad mood siya ay talaga nga namang mananahimik lahat ng madaldal. “He’s still inside?” sabay lingon ko sa loob. “Tatakas ka na naman?” “I’m just asking…” Nilingon ni Manang ang loob bago tumango sa akin. “Nasa library, nagbabasa.” “As always…” Ganoon pa rin sa mga sumunod na araw. Literal na bahay at unibersidad lang ang set-up ko. Hindi ko nga alam kung nananadya ba ang pagkakataon dahil may party na namang pupuntahan sina Ariessa mamayang gabi. Kasama niya ang ilan sa mga kaklase namin. “Sama ka, Yuki? Tara!” Umiling ako nang ayain ng isang kaklase. Isang tanong pa ay baka hindi ko na kaya pang tanggihan. Pero dahil ayaw kong madagdagan ang hell week na ito, I’ll just endure and cherish the moment. Geez. Pinanood ko kung paano sila masayang naglakad patungo sa SUV nina Ariessa. Ngumuso ako at pumasok sa sasakyan namin at sinabi sa driver na agad nang umuwi. Hindi ako pwedeng sumama dahil alam ni Kuya ang schedule ko. It’s weird that Ariessa is busy partying these days. Well, she do parties. She even drinks better than me. Madalas nga lang ay tinatanggihan niya ang mga alok ko kapag inaaya ko siya. Or is it just me? Am I too lonely and bored that I see and feel weird things these days? But I really don’t know why. A thought that she might doesn’t want to go partying with me crossed my mind. Ipinilig ko ang ulo at kinalimutan na lang iyon. That’s nonsense. “Magbihis ka, may bisita ang Kuya mo,” salubong ni Manang sa akin. “I’m tired, Manang. Just tell him that I’m sick.” Napahawak pa ako kunwari sa ulo ko para suportahan ang acting. “Sabi niya—” “Please, Manang…” I’m tired at pakiramdam ko ay totoo ngang lalagnatin ako kung magpapatuloy pa ito ng ilang araw. Damn, I miss those old days. “O siya, sige na. Ako na bahala sa Kuya mo.” I smiled sweetly and went inside my room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD