“You did not attend my party. Were you that upset?”
Mukha ni Aidan ang sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng SUV namin. I can’t use my car, my brother got my car key.
“Of course not,” irap ko.
“Then why were you not replying to my texts? You’re not even answering my calls! Are we cool?”
Napapalingon ang ilang estudyante sa amin. Nakasunod lang siya sa akin habang patuloy pa rin ako sa paglalakad.
I purposely ignored his texts and calls. He is freakin’ clingy. And I don’t like it.
“I’m cool. Ikaw ba?”
“Please, don’t be sarcastic. I am being serious here, Yuki.”
Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.
“And I am too. Didn’t you get it? We’re done, Aidan!” I almost laughed when I said the last line. It sounded the same.
Nawindang yata siya sa narinig kaya hindi agad nakasunod sa akin. I took that opportunity to walk faster and I’m glad na hindi na siya sumunod.
Namilog ang mga mata ko nang mamataan si Sir Rivera na palabas ng faculty room. He must be heading his way towards our class! I jogged a little to the staircase. May five minutes pa naman bago ang klase niya. Bakit ba kasi ang aga niyang pumasok sa klase namin?
“Uy, magkasunod…” tukso ni Ariessa nang makitang pumasok si Sir Rivera ilang segundo lang mula noong makaupo ako.
“Shut it, Riess.”
Nag-umpisa si Sir sa kaniyang klase at patuloy naman sa panunukso si Riess. Hindi ko siya pinapansin dahil baka lalo kaming makita ni Sir. Bawat sulyap ni Sir sa gawi namin ay binibigyan niya ng malisya. Sinita ko siya ng isang beses dahil napapalakas na ang boses at baka may makarinig pero hindi siya natitinag.
“Should we make a bet? Date Wesley kapag napatunayan kong may gusto sa ‘yo si Sir,” bulong pa niya.
I glared at her when Sir Rivera glanced at our side once more.
“Stop it, Riess. Baka palabasin tayo,” halos magmakaawa na ako sa kaniya.
“Hindi ‘yan, ano ka ba! Crush ka niyan, hindi ka niya kayang palabasin. Ayieeee..."
Mabuti na lang at natapos ang klase nang hindi kami nasisita. It seems like Sir Rivera is in a bad mood because he kept on glancing at our side and then will heave a sigh afterwards. Masyado siguro siyang bothered sa pino-problema niya at hindi na kami inintindi pa. Although we’re not only the ones that should be noticed. Kung tutuusin ay may mas dapat pang sitahin kaysa sa amin.
“Aidan texted me, nagtatanong kung bakit hindi ka nagre-reply sa mga texts niya.”
“I met him before class,” I said, shrugging.
“Really?” she paused and looked at me, “Break na kayo?”
“Yeah…”
“Why?”
And the man I saw on that bar immediately crossed my mind. Damn…
What are the chances for me to see him again?
“Just because…”
“What? Aidan’s hot, you know…” She sipped on her tea while looking at me.
Uminom din ako sa drink ko habang pinapanood ang isang couple na nasa kabilang mesa. They guy is brushing his thumb on his girl’s lips. Probably wiping some traces of the drinks.
“May bago ka na ulit?” pagdududa niya.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya pero hindi ko sinagot ang tanong. Kind of? I have never seen a man that hot. I’m not really a kind of someone that will immediately droll at a guy from the first glance. I mean, that’s lame. Madalas ay iyong mga lalaki ang lumalapit sa akin.
Pero ngayon ay mag-iiba yata ang ihip ng hangin. Honestly, he’s not my type of guy. I prefer the sporty ones. I don’t know, they look hot in my eyes.
Not after seeing that man, nagmistulang bata ang hitsura ng mga naging fling ko. They looked hot too but that man is different. He looked rugged and a bit… sensual? He’s too much for me, I don’t think I could handle a guy like him.
But still, pakiramdam ko kasi ay pagsisisihan ko kung hindi ko man lang aalamin ang pangalan niya. I also wanted — badly wanted — to meet him.
“Let’s go?” aya ko kay Ariessa.
We received a text from our beadle that our class was cancelled but we still need to watch the program held at the auditorium. Wala na kaming nagawa dahil, as usual, attendance is a must.
Pagdating doon ay may kinawayan si Ariessa sa kung saan at maya-maya ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko para hilain.
“Hi, Wesley!”
A guy with dimples smiled at us. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi iyon nagtagal dahil ramdam ko ang ilang titig ng mga babaeng kaklase niya.
“Tara na, Riess. Hindi rito ang—”
“May nakaupo ba riyan sa tabi mo, Wes? Wala na kasing maupuan si Yuki sa banda namin,” malambing na sabi niya.
Mabilis ang paglingon ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. Iiwan niya ako rito? Why?
“Sure, ayos lang naman.” He paused and then smiled at me, “I would love it.”
Para akong batang biglang iniwan ng Nanay sa pila sa counter dahil may kukunin lang daw saglit. Nang mapansing nanatili akong nakatayo ay napahawak iyong Wesley sa braso ko at marahan akong hinila paupo.
I had no choice but to sit down, pagtitinginan kami ng mga estudyante kung ipagpipilitan kong umalis dito.
“Do you have plans later?” tanong niya agad pagkaupo ko.
“Yes,” walang pag-aalinlangan kong sagot.
Sorry, but I have no time for this.
Nag-umpisa na ang program at tahimik lang akong nakikinig na parang interesadong-interesado kahit na wala naman talaga akong maintindihan. I just have to because this Wesley guy keeps on talking. He’s talking about basketball, football and anything with balls!
Sinasagot ko naman ang mangilan-ngilang tanong niya kanina pero mula noong mag-umpisa siyang magsalita ng dire-diretso ay hindi na ako nag-abala pang makinig. Hindi ‘to matatapos kung patuloy ko siyang sasagutin.
“So, when are you free?”
“I won’t be for the next five days. I’m still grounded.”
I mentioned earlier that I was being grounded, thinking that it would be a good excuse to not avoid him.
“Can we date after that?”
Oh, damn. He’s fast.
“No.”
“Why? You’re dating someone?”
“Yes.”
Natahimik siya sa sagot ko. Katatapos lang ng program at unti-unti nang nauubos ang mga estudyante sa auditorium pero wala yatang balak tumayo ang isang ‘to kaya inunahan ko na.
“Are you staying? I have class kaya mauna na ako sa ‘yo…”
“Ihahatid na kita.” Tumayo siya at inayos ang pagkakalukot ng pants niya.
“No need. May dadaanan pa kasi ako,” palusot ko pero nauna na siyang naglakad palabas. Tila walang narinig.
Gusto kong ipilit na hindi naman na kailangan dahil wala naman talaga akong dadaanan. Ang akala ko kasi ay hindi siya sasama kung idadahilan ko iyon pero iyon pa yata ang nagtulak sa kaniya para ihatid ako.
“Nag-text ‘yong kaibigan ko. Ihahatid na lang daw niya sa bahay mamaya,” palusot ko pa. Dinagdagan ko iyon ng matamis na ngiti para mas kapani-paniwala.
Natigil siya sa paglalakad at hinarap ako. I saw Ariessa watching us from afar. She’s crossing her arms like she’s disappointed that I declined Wesley. Halata naman kasing tinanggihan ko siya kung titingnan sa malayo.
“Next time then. Just text me whenever you’re free…” at tumalikod na siya paalis.
Literal na umawang ang labi ko sa inasal niya. And what? Text him? I will text him? Like I had his number, right? I’m sure Ariessa has his number. At bakit ko naman siya ite-text? And thinking about what he just said, I’ll text him whenever I’m free? It was as if he is saying that I should get his number to Ariessa.
Damn, parang ako pa ang may gustong mai-date siya, ha?
“So?” Lumapit si Ariessa sa akin at nilingon ang daang tinahak no’ng mayabang na Wesley.
“I don’t like him.”
“What? He is nice, Yuki!”
“He is. I’m just saying that I don’t like him, Riess.”
Nag-umpisa na akong maglakad. He is so annoying.
I suddenly wanted to have a drink right now. I’m feeling like I was being home quarantined kahit nakalalabas naman ako ng bahay.
Five days, Yuki. Just five more days and it’s done.
“Just give him a chance. Mahirap ba ‘yon?” nagtaas ang boses ni Ariessa habang nakasunod sa akin.
“I’m not interested. I already told him that I’m dating someone pero hindi siya natitinag. It’s annoying me!”
Napasinghal siya sa narinig sa akin, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at gulat siyang nilingon.
“You know who’s really annoying?" She crossed her arms and raised her brows while staring at me, “You.”
“What? Are we fighting because of that guy?” I laughed.
She’s so unbelievable. I find it funny and childish whenever I hear someone fighting just because of a guy. It’s too dramatic and shallow.
May mga pagkakataon namang nagkakasagutan kami ni Ariessa pero hindi sa mga ganitong bagay. We argue about love, second chances and anything shallow. Hindi ko alam na aabot pala kami sa puntong pati isang lalaki ay pagtatalunan namin.
Dalawang araw kaming hindi nag-usap ni Ariessa dahil sa maliit na pagtatalong iyon. I can’t believe it. She ignored me for two straight days just because of that? Am I less than that guy now? We’re friends for three years. At oo, hindi nasusukat sa tagal ng panahon kung gaano katibay ang pundasyon mayroon ang pagkakaibigan namin pero kahit na. If she really wanted me to date that guy? Then at least, he should be persistent, right? Pero nasaan na iyong lalaking ipinaglalaban niya? Wala.
Nakikisama siya sa mga babaeng kaklase namin and I know, from the way they look at me, that they’re curious.
I was alone for two days and it’s still fine. Girls don’t want to be friends with me. And I know that. I am well aware of that. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay may mga sumubok na magpapansin mula sa iba’t-ibang departamento. I’m not interested. Since that night, I haven’t entertained anyone.
Days passed by hanggang sa matapos ang dalawang linggong pagkabagot. Inakala siguro ni Kuya na magtitino na ako sa loob ng dalawang linggo. Pero hindi, dahil gabi ng Lunes ay umalis ulit ako.
Bumalik ako sa bar na iyon, umaasang mahahanap ko ulit siya pero hindi ko siya nakita. I purposely didn’t took a shot just so I could see the whole bar clearly pero wala pa rin akong napala. That man had my attention. I need to meet him.
“You’ve been here for three straight nights but I never saw you drink a shot,” sabi ng isang bartender.
Naupo ako sa bar stool at muling inilibot ang paningin sa dance floor. Still, he’s not here.
“I am looking for my boyfriend,” I said, smiling like an idiot.
Boyfriend, really?
“For three nights?”
Namilog ang mga mata ng bartender at saglit na natigil sa ginagawa. Tinawanan ko lang siya at napailing. I left after receiving a message from Manang Leticia that Kuya Yael is about to go home. Nagmadali ako palabas at hindi na sinagot pa ang sunod na tanong ng tsismosong bartender.
Manang Leticia:
Kanina pa raw nakaalis ang kuya mo! Malilintikan ka talaga, Yuki!
Upon reading that message, I immediately picked my things and ran towards the exit. Mahina akong napamura sa ideyang mauuna pang makauwi si Kuya kaysa sa akin.
I stepped on the gas and arrived before ten in the evening. Halos malagutan ako ng hininga nang makitang may papasok na sasakyan kasunod lang ng akin. Nagmadali akong lumabas pagkatapos mai-park ang sasakyan sa garahe.
“Oh, fuck...”
Nahulog iyong wallet ko at halos madapa nang marinig ang sasakyan papasok. Narinig ko ang boses ni Kuya na kausap si Kuya Eddie. Tumama iyong tuhod ko sa hamba ng pintuan dahil sa pagmamadali.
Manang Leticia is jumping from the kitchen and waved at me. Napahilamos siya sa mukha dahil nababagalan siya sa kilos ko kaya tinakbo ko na ang grand staircase kahit pa masakit ang tuhod ko.
Humiga agad ako sa kama at nagtalukbong para kung sakaling bisitahin ng Kuya ay iisipin niyang tulog na ako. I don’t really like sleeping without cleaning my body because it’s unhygienic. Lalo na’t galing ako sa isang bar kanina. Pero nang mga oras na iyon ay nakatulog ako at nagising lang dahil sa gutom.
Damn, I didn’t have my dinner yet since dumiretso ako sa bar pagkatapos na pagkatapos ng klase.
Bumaba ako papuntang kitchen at kumain. Kuya is probably sleeping or he must be inside the library right now, as always. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang mga nagamit bago sumilip sa labas.
I saw Kuya Eddie run towards the gate and talked to the guard. My forehead creased. Did something happen? Lumabas ako para mas makita ng maayos kung ano ang nangyayari sa labas. Kuya Eddie, our gardener and Manang Leticia’s husband, opened the gate.
And at that moment, a black Silverado came out from somewhere. Probably our garage. That wasn’t ours. May bisita si Kuya?
“What are you doing?”
Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Kuya sa aking likod.
“You almost killed me!”
Nasa likod ko lang kasi siya tapos bigla-biglang magsasalita. Kung may sakit lang siguro ako sa puso ay baka inatake na ako.
“Anong sinisilip mo riyan?” tanong niya, nakikisilip na rin.
Nakalabas na ang Silverado at nagmamadali nang bumalik si Kuya Eddie sa likod ng bahay. Doon kasi sila naglalagi nina Manang Leticia.
“You had a visitor?”
Nilingon ko sa Kuya. He’s wearing a black shorts and a white shirt. Magulo ang buhok niya at may suot ng salamin. Tumango siya sa akin at tumalikod para pumasok na. Sumunod naman ako.
“Girlfriend?”
“He is a guy, Yuki, and a friend,” sagot niya bago tuluyang umakyat ng grand staircase.
“Really? You have friends!” Natatawa kong sabi. He’s always busy that I didn’t know he actually had friends. “So, is he single?”
Napahinto siya sa kalagitnaan ng paglalakad sa hagdan at kunot-noo akong nilingon. I smiled sweetly.
“Don’t even try, Yuki. He is out of your league.”