Kabanata 4

2843 Words
Bumalik si Klaus matapos ang ilang sandali. Nagtaka pa siya kung bakit pareho kaming nakatayo ni Lucas at nakatingin lang sa isa’t-isa. “Flag ceremony ba? Ba’t pareho kayong nakatayo?” biro niya. Lucas sat down and continued reading. Naupo naman ako sa tabi ni Klaus habang tinititigan pa rin siya. I can’t take my eyes off him. Ngumuso ako. Where the hell have I been all these years? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Matagal na kaya siyang kaibigan ni Kuya? Uminom ako sa juice ko. Nasa tapat ko lang siya kaya madali lang para sa akin ang titigan siya. His lips were on a grim line and eyes fixed on the book. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. May girlfriend na kaya siya? Alam kong mahirap maging law student. Maging si Kuya ay wala pa ring girlfriend hanggang ngayon dahil subsob sa pag-aaral. Ganoon din kaya si Lucas? He is handsome and hot. Imposibleng single ang isang ‘to. My breathing hitched when he glanced at me. I smiled at him sweetly and tried to act like I’m not really looking at him with goggly eyes. “May girlfriend ka na ba?” I asked, still staring at him intently. “Klaus?” “Ha?” Nagulat si Klaus at bumaling sa akin. Napahinto siya sa pagsusulat at nakaawang ang bibig na nakatingin sa gawi ko. “Tinatanong ko kung may girlfriend ka na…” Ibinalik ko ang tingin kay Lucas na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. I’m asking Klaus but that was meant for him. “W-Wala pa…” Wala pa? Nilingon ko si Klaus at nagtaka sa sagot niya. He is cute. He has a very refreshing smile that any girl would want. Maamo ang kaniyang mukha at parang malambing din. He even has dimples. Kaya bakit wala pa rin siyang girlfriend? “Bakit naman? You’re cute…” Ngayon ay nasa kaniya na ang atensyon ko. Napaubo naman siya nang marinig iyon sa akin. I handed him his juice and he accepted it. I laughed seeing his reaction. He is so cute. “Why? Totoo naman, ah?” Napaubo pa siya ng isang beses at inilayo ang mga papel na nasa harap niya. Sinulyapan niya si Lucas kaya napasulyap din ako. Patuloy pa rin siya sa pagbabasa kahit na medyo nagdadaldalan na kami ni Klaus. He’s so unbothered. “Ano ka ba, Yuki, ang vocal mo naman masyado,” sabay pabirong hampas niya sa balikat ko. Natawa ako lalo. “How about you, Lucas?” His name sounded so heavenly. His face looked godly. Tila naglaan ng mahabang oras ang Diyos habang hinuhulma ang kabuuan niya. I pursed my lips when I realized that I am praising him too much. It’s true though. I’ve seen a lot of masculine guys, especially the sporty ones, pero hindi kasing-ganda ng katawan niya. “May girlfriend na ‘yang si Lucas,” si Klaus na ang sumagot. Sa sandali ring iyon ay dumating si Kuya dala ang mga papel at binigay kay Klaus. “That’s due on Wednesday.” Kitang-kita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Klaus sa narinig. He looked so drained. Hindi naman halata pero kung titingnang mabuti at nang malapitan ay mapapansing nangingitim na ang eye bags niya. Nilingon ko si Lucas but his looks fine. Ngumuso ako habang mabilis na pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng mukha niya para hanapan ng ipipintas sa kaniya. And I found none. My mind was a bit bothered thinking that he already has a girlfriend. Ang swerte naman ng babaeng iyon kung ganoon. “Rachelle texted me and she said she wanted to join…” Kuya paused to get the book in front of Klaus and glanced at Lucas. “Nahihirapan daw siya sa CivPro at LIP.” Tahimik kong nilingon si Lucas. Hindi siya nagsalita o nag-react man lang sa sinabi ni Kuya, he just flipped the page of the book he’s reading. “Rachelle?” si Klaus. “Ang alam ko ay may sarili silang study group nina Jojo, ah?” Kuya shrugged and looked at me, wondering what I’m doing here. “I’m not sure, gusto raw magpaturo kay Lucas.” Rachelle? Kaklase ba nila? At bakit kay Lucas pa kailangang magpaturo? Umirap ako. Is she trying to flirt? Kasi alam ko ang galawan na iyon. I never really tried using that tactic dahil hindi naman talaga ako maaral but I know that too well. Magpapanggap na magpapaturo sa isang subject pero ang totoo ay magpapapansin lang at maghihintay ng chance na mahawakan ang braso at kung saan-saan. Tsh. I parted my lips to gasp for an air. But then, my jaw dropped when Lucas stood up. Maging ako ay napatayo na rin. Kuya and Klaus both stared at me, confused. “Sasama ako…” I announced. Nilingon ko si Lucas. He just sighed and stared at me. I wonder why he’s looking so intense. Ganiyan ba talaga ang mga mata niya? Ganiyan ba talaga siya tumingin? Kasi kung oo, alam kong mababaliw ang lahat ng babae sa paraan pa lang ng pagtitig niya. Nag-umpisa na siyang maglakad kaya muli kong nilingon si Kuya para magpaalam. Pero kahit hindi naman niya ako payagan ay sasama pa rin ako. He’s his friend naman! He looked away and nodded, parang napipilitan pa. Mabilis kong sinundan si Lucas. Nakita kong dumiretso siya sa garahe kaya roon ako pumunta. Namilog ang mga mata ko nang buksan niya ang pinto ng isang itim na Silverado. That was the car I saw last night! Sa kaniya pala iyon? Oh, damn. “This is yours?” “Yeah…” he lazily answered. “So you went home late? I mean, last night?” His broad and wide back is facing me. Nilingon niya ako at pumasok sa driver’s seat. Nagmadali naman akong umikot at pumasok sa sasakyan niya. I like his car’s scent. So manly. Being here, in an enclosed space with him, doesn’t really help. In a way that my mind does its work, it’s now doing wanders! An image of me straddling him on his seat flashed on my mind. Oh, s**t. What a wild imagination you has, Yuki! My cheeks heated and I immediately fanned myself. “Are you okay?” his low baritone even added some scenes. Napapikit ako sa boses niyang iyon at pinilit kalimutan ang eksenang naiisip. “Y-Yes. Can I adjust the aircon?” When he nodded, I immediately operated it. Kahit na wala namang kasalanan ang temperature ng aircon sa loob ng sasakyan ay binabaan ko pa rin iyon. “Matagal mo nang kilala si Kuya?” My eyes scanned his arms and hands that’s holding the steering wheel. His veins were protruding as he maneuver it. Pahirapan pang alisin ang paningin ko roon at ibinaling saglit ang atensyon sa daan. “Since college,” mababa ang boses na sagot niya. His side profile compliments his nose and jaw. I can’t help but scan his face while he’s busy driving and eyes on the road. College? Ang tagal na pala. “Nagagawi ka ba sa mansion? I haven’t seen you before.” Dahil matatandaan at matatandaan ko kung sakaling bumisita nga siya. Kahit isang beses lang. “It is because we never meet,” may panunuya sa boses niya. “So, nagagawi ka nga?” He heaved a deep sigh and glanced at me for a brief moment. “Yes.” “Sana pala nag-stay na lang ako sa bahay dati,” I murmured. Hindi na siya nagsalita ulit pagkatapos no’n at pakiramdam ko ay hindi talaga siya magsasalita pa kaya nagpatuloy lang ako. “Is law school hard? Halos buong magdamag si Kuya kung mag-aral. It’s exhausting, ako ang napapagod sa ginagawa niya.” I stared at him and got distracted because he licked his lips. “Ganoon ka rin ba?” I can’t believe this. Hindi ako ang madalas na nagtiya-tiyaga para manatiling buhay ang usapan. And this is new for me, my exes — Clyde, Aidan, Russel, Nathan and the list goes on, they were always the one who keeps the spice alive. Kahit mabilis akong mawalan ng interes sa usapan ay hinahayaan ko lang sila. And now, I can’t believe that it’s me who’s doing that. “It is. Hindi maaaring tumigil sa pagbabasa dahil maiiwan ka. Your Kuya is just doing his responsibility as a law student, and it’s not a news for us to hear that from someone.” “What do you do when you’re exhausted? Like routine or something to make you more… energized?” “Natutulog.” Oh, gosh. This is hard. Isang tanong, isang sagot. “That’s it? You don’t watch movies, go out of town, and have a date with your girlfriend?” I bit my lips. That was smooth. Hinintay ko ang sagot niya pero hindi siya nagsalita. Lumipas ang ilang segundo ay wala akong napalang sagot mula sa kaniya. His lips remained twitched. Hindi ko mapigilan ang paninitig doon. Kamuntikan nang mawaglit sa isipan ko ang tanong kung hindi lang nakita ang paglandas ng dila niya sa kaniyang labi. Lumiko ang sasakyan at nakihalo sa mahabang traffic. Tinitigan ko siya. Ang isang kamay niya’y nakahawak sa manibela habang nasa traffic kami. Gumagalaw lamang bawat sampung segundo. Ang kaliwang kamay naman ay nakatuko sa baba ng bintana. He is playing with his lips, looking at the cars in front like it is his passion. “You didn’t answer my question…” Nilingon niya ako. Something inside me boomed when he looked at me. His eyes lingered on the road earlier and seeing him looked at me makes my heart flutter, like it is a privilege that I got his eyes. It makes me feel like I’m one of his passions. “What question?” Saglit akong natigilan. Ano nga ulit ‘yong tanong ko? “I forgot…” “How can I help you, then?” “Forget about it.” Lumingon ako sa labas at bumulong, “You can just stay beside me.” Mabilis na ang pagpapatakbo niya kaya agad kaming nakarating malapit sa isang mall. My brows furrowed. Bakit dito? “Wait here…” Hindi na niya ako hinintay na sumagot at agad na siyang lumabas. Umirap ulit ako. That Rachelle girl is so pa-importante. Hindi ba pwedeng siya na lang ang pumunta rito? Talagang magpapasundo pa siya? Girlfriend ba niya ‘yon? Mainit sa labas kaya kahit gustuhin ko mang sundan ng tingin si Lucas ay hindi ko ginawa. Nanatili lang ako sa loob ng kaniyang sasakyan at naghintay ng ilang minuto, maya-maya lang din ay nakita ko na si Lucas na papalapit. He is tall so I spotted him immediately. Nauuna siya sa paglalakad habang sinusubukan naman ng babaeng medyo matangkad din na sabayan siya. He stopped for a while when he noticed that she can’t walk with him. Hinintay niya itong makalapit and she immediately put her arms on his. Inilingkis niya ito at may sinabing kung ano. She even laughed after. Nang makalapit ay umikot siya papuntang shotgun seat pero itinuro ni Lucas ang bandang likod kaya roon siya dumiretso. “Oh, hi!” bati niya pagkapasok. “Ikaw ba si Yuki?” Plastic akong ngumiti sa kaniya. Paano naman ako nakilala nito? “I’m Rachelle, it’s nice to meet you!” “Yuki,” pagpapakilala ko. Malawak ang ngiti niya kaya mas nairita ako. Bakit ba siya nakangiti? They talked about law stuff kaya nanahimik na ulit ako. This Rachelle kept on talking non-stop and tells everything that happened to her this day. Kulang na lang ay pati kulay ng underwear niya ay sabihin niya na rin. Lucas is silent kaya hindi ko alam kung nakikinig ba siya at nakatuon lang ang atensyon sa daan. Is there something wonderful in the concrete road to deserve that honor? “Ang hirap talaga ng CivPro! Ang baba ng score ko noong last exam…” She also talked about their upcoming midterms at kung gaano siya nahihirapan sa mga particular na subjects. Halos umirap lang ang ginawa ko buong byahe hanggang makabalik sa mansion. Pagkababa na pagkababa pa lang no’ng Rachelle ay isinabit na niya agad ang kaniyang kamay sa braso ni Lucas. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa at pinapanood kung gaano siya kasayang nagku-kwento. What a lovely couple, right? Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay na-dehydrate ako sa ginawang pagdadaldal ng babaeng iyon. Sa inis ay hindi ko napansin si Manang na naghahanda ng meryenda. Ayaw ko mang bumalik sa garden, sa ngayon, ay wala namang kasama si Manang sa paghahatid ng mga meryenda kaya tinulungan ko na. Babalik na lang ako sa kwarto pagkatapos nito kaysa pakinggan ang lahat ng kwento ni Rachelle. We just met and I already know that I’d hate her. “Kumusta ka na, Nay Leticia?” Nag-angat ng tingin si Klaus sa akin nang halos padabog kong inilapag ang isang plato ng brownies sa mesa. Tumayo si Rachelle at niyakap si Manang. I sneered. What a sight, right? I didn’t know that she’s close to Manang Leticia. Madalas din ba siya rito? Ba’t ngayon ko lang siya nakita? “Ayos lang naman ako, hija. Ngayon ka lang ulit nagawi rito?” She giggled. “Busy po kasi, Nay. Na-miss ko po kayo! Si Emily po?” I rolled my eyes once more. Pinapanood ako ni Klaus kaya napaayos siya ng upo nang magtama ang paningin namin. “Saan ka pupunta?” tanong niya. Maging si Kuya ay napalingon na rin sa akin. Lucas is watching Rachelle. I looked away to divert the annoyance that I’m feeling. “I want to take a nap,” sagot ko sa kaniya bago tuluyang umalis para pumunta ng kwarto ko. Ayokong magtagal sa garden kasama ng babaeng iyon. Ang totoo ay tinawagan ko si Ariessa. Siya ang nakipag-usap sa akin bago pa matapos ang dalawang linggong pagka-grounded ko. Hindi na niya yata nakayanan kaya siya na mismo ang lumapit. She said she was sorry. And I am too. It’s so shallow that we fought about a guy. Naintindihan naman daw niya ako at ganoon din ako sa kaniya. But I think I’m more responsible for that. Hindi maganda ang pagkakasabi ko sa kaniya tungkol kay Wesley and she was hurt, I know. Kaibigan niya ito kaya malamang ay nasaktan siya sa inasal ko. Humingi ulit ako ng pasensya sa kaniya dahil inabot pa ng ilang araw at siya pa mismo ang lumapit. I felt sorry even more. She’s my only friend. I can’t afford to lose her just because of a small argument. “Nakita mo ba ‘yong pinost ni Sir?” humagikgik siya sa kabilang linya. “Hindi, bakit?” Nakarinig ako ng ilang kalabog kaya kumunot ang noo ko. Nahulog yata siya sa kama. “Dali, tingnan mo!” Out of curiosity, I logged in to my account and searched for his name. Nakita ko naman agad iyon and clicked for his story. “So?” Tiningnan kong mabuti ang nasa larawan. Mga papel lang iyon na nagkalat sa mesa niya at ilang libro. Kumunot ang noo ko. What’s with these? It looks normal. “Check mong mabuti, ano ka ba!” sabay tili pa niya. Pinasadahan ko ulit iyon ng tingin pero wala talaga akong makitang kakaiba. “Your test paper is there! Sa bandang kaliwa! Maraming test paper diyan pero iyong pangalan mo lang ang kita! So, nakita mo na?” Nahirapan akong hanapin ang tinutukoy niya. But then, I immediately saw my name on one of those papers. Suarez, Yuki Celestine D. Tumaas ang dalawang kilay ko. “And? Ano naman ngayon? It’s normal, Riess.” Tumili ulit siya. “Ano ka ba, ‘wag ka ngang magmaang-maangan diyan. Halatang may gusto sa ‘yo si Sir, ‘no! Bale pangatlong beses ko nang napapansin na may kinalaman sa ‘yo ang mga pinopost niyang story.” “Like?” tanong ko. “It was just a pure coincidence, I think.” “Whatever helps you sleep at night, Yuki.” Natawa pa siya bago tumili. “One time, he posted something like a heart with three lines inside it. Tapos sa bandang gilid ay may letter Y. And then kagabi, he posted again, lyrics from a song! And then no’ng tiningnan ko ‘yong buong lyrics, your name was mentioned on it. Don’t tell me that it was just a coincidence!” Bumuntong-hininga lang ako at hinayaan siyang mag-isip ng kung ano-ano. Sir Darwin is handsome. Matangkad at medyo maputi. I saw him participated to our department’s basketball game last year and he is good. He’s sporty, I think. At kung hindi man siya nagtuturo o iba man ang career niya, baka nga naging fling ko na rin iyon, e. But of course, he is not. Instructor namin siya kaya malabong magkagusto siya sa akin at ako sa kaniya. I hate to admit it but there’s always someone that’s prettier than me. Baka nga hindi ako ang tipo ni Sir, e. It’s impossible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD