Kabanata 5

2185 Words
I never really stayed in our mansion this long. I mean, pagkagaling sa school ay madalas na lumalabas ulit ako. Minsan sa coffee shop, minsan naman ay sa mga mall at madalas ay sa mga bar at nightclubs. I’m always seen with Ariessa kapag nagagawi sa mga coffee shop and malls at tinatanggihan naman niya ako madalas kapag usapang bar na. At ngayong siya naman ang nag-aaya, ako naman ngayon ang tumatanggi. Hindi ko alam. Siguro ay dahil tinatamad ako? I do love parties, nightclubs and the likes but I just want to stay for the mean time. Partying is my night habit after school but now, I want to stay at home and wait for another group study from Kuya’s friends. “Manang…” Nagluluto siya ng hapunan kaya nanonood lang ako sa kaniya. Sinulyapan niya lang ako ng isang beses at nagpatuloy na ulit sa paghalo. “May tanong po ako…” Nilingon niya ulit ako. “Ano ba ‘yon at kanina ka pa hindi mapirmi?” Nilingon ko ang labas bago lumapit. Gabi na natatapos ang klase ni Kuya at madalas ay pauwi na siya ng ganitong oras. His class starts at noon and ends at evening. “Madalas po ba ‘yong mga kaibigan ni Kuya rito?” I anticipated for a detailed answer but she just glanced at me and resumed what she’s doing. Ngumuso ako. “Ngayon ko lang po kasi napansin na may..gwapong,” I paused, thinking about what adjective should I say instead of just gwapo, “kaibigan si Kuya.” I smiled at that. Gwapo is really an understatement. “Alin ba sa dalawa ang tinutukoy mo?” I uncrossed my arms and leaned towards her. I am all ears and my full attention is on her. Napahawak ako sa sandalan ng isang upuan habang hinihintay ang susunod na sasabihin niya. “Kung iyong si Klaus, madalas dito ang isang ‘yon. Laging nagpapaturo kay Yael. Matalino ang batang ‘yon pero sa pagkakaalam ko’y hirap sa pagme-memorya.” Tumatango lang ako. Halata nga na hirap siya. I can’t blame him though. Sino ba naman ang hindi mahihirapan sa pagme-memorize ng mga articles and provisions whatsoever? Seeing Kuya read and write almost every day and night makes me feel drained. Paano pa kayang sila mismong nakararanas? “Kung si Lucas naman…” Saglit siyang natigilan at muling hinalo ang nilulutong kare-kare. I tapped my fingers on the chair as I wait for her to continue what she’s saying. I closed my lips tightly, feeling impatient. “ay nito lang bumisita ulit ang batang ‘yon. Nagpupunta naman na siya rito dati pa pero hindi sing-dalas ng pagbisita ni Klaus. Ayon kay Klaus ay mas gusto niyang mag-aral mag-isa.” I see. Mabuti na lang pala at naabutan ko ang isa sa mga araw ng pagbisita niya. Kuya Yael prefers studying alone too. “May…” I twitched my lips. Sinusubukang hindi maipahalata ang nararamdaman pero ang sunod kong tanong ay nagsusumigaw ng interes sa kaniya. I felt like I needed to pause for a bit to catch everything before I say it. “May… girlfriend na po ba siya?” Masama ang tingin sa akin ni Manang dahil sa tanong na iyon. Tinuro niya ako at napapailing na tumalikod para ihanda ang hapag-kainan. “Why? I’m just asking…” natatawa kong depensa. “Hindi ko alam. Pero mukhang mayro’n na,” may halong pagdududang sabi niya. Hindi pa rin maalis ang tingin niya sa akin na parang may hinahanap na kung ano sa mukha ko. “Kung ano man ‘yang iniisip mo, ‘wag mo nang ituloy. Naku, Yuki, hindi magugustuhan ng Mommy mo ‘yan.” Napaawang ang labi ko. Ni wala pa akong ginagawa! I burst out laughing. Manang really knows what I’m thinking! “She’s not even here, Manang! Don’t worry, tayo lang ang makakaalam no’n.” Napalingon si Manang sa likod ko bago dumiretso sa fridge. “At kung si Kuya naman ang iniisip niyo ay walang problema dahil—” “Walang problema dahil?” Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita. Nakapamaywang si Kuya at tinatanaw ako. I smiled at him like an innocent cat. Kanina pa kaya siya sa likod ko? Narinig niya ba lahat? Oh, f**k. Naka-pambahay na rin siya at mukhang katatapos lang maligo. Hindi ko namalayan ang pagdating niya dahil sa kwentuhan namin ni Manang Leticia. Sinilip ni Kuya ang nilulutong ulam at muling lumingon sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay na parang naghihintay pa rin siya ng sagot. “Ipagtitimpla ba kita ng kape o mas gusto mo ng tsaa?” Naibaling ang atensyon niya kay Manang at sinagot iyon. Agad akong naupo sa hapag para hindi na niya ako usisain ulit. Ilang sandali lang ay naupo na rin siya sa tapat ko. “Kailan ang sem break niyo?” he asked and sipped on his tea. “In two months. Why?” “Mommy wants us to pay a visit. They’re too busy to go home.” Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay umiiling na ako. That’s not a good idea. He sighed, alam niyang tatanggi ako. Davao is a beautiful place. Marami ang pwedeng puntahan at hindi sapat ang dalawang linggong sem break para sa isang pagbisita lang. Ngunit ayaw kong pumunta just because Mommy wanted me to, it’s not going to be just a visit, she’s going to train me for our company. Yes, I took BSBA but I’m not really going to pursue this path. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang daang tatahakin at hindi naman ako nagmamadali. I’m still trying to figure out what I really like and love to do. “Mag-isa ka rito ng dalawang linggo,” pangungumbinsi pa ni Kuya. “I can manage, Kuya, don’t worry.” Pero mukhang mas nabahala pa siya sa sinabi kong iyon. I just laughed, he’s too paranoid. “Should I get you a bodyguard?” Namilog ang mga mata ko. What? There’s no need! “What? I’ll behave. Promise…” “Umayos ka, Yuki.” “Can’t you trust me, Kuya? Nandiyan naman sina Manang para bantayan ako. You can ask them to check on me every now and then for two weeks na wala ka. At saka, wala naman akong ibang pupuntahan.” Unless alam ko kung saan nakatira si Lucas, right? I giggled at that thought. Napalingon sa akin si Kuya. “What’s funny?” Of course, hindi ko sinabi kung bakit. Baka ma-high blood ‘to pag nalaman niya iyon. “Fine. If something happens, I’m telling you, hindi ka na makakagala ulit.” I just nodded. My brother is just too strict. Nadala na siguro siya sa nangyari noon. I was once harassed inside a bar, it was a congratulatory party for my brother. Kakilala niya yata iyong lalaki but it’s not really a close friend. He was very mad that he punched that manyak and was kicked out of the bar. Galit na galit si Kuya na kinailangan pa niyang pasundan ng mga pulis iyong lalaki para makasiguro siyang nakalayo na ito. Iyon ang dahilan kung bakit sobrang istrikto niya sa akin ngayon. Kaya rin ayaw niyang pumupunta ako sa mga nightclubs mag-isa. “Kuya…” He eyed me. “What?” “May girlfriend na ba si… Lucas?” dahan-dahang sabi ko. Tinatantsya kung ano ang magiging reaksyon niya. “Bakit mo naman naitanong?” tumigil siya at uminom ng tsaa. His forehead creased. “Do you like him?” “H-Ha? I’m just… curious. So, may girlfriend na ba siya?” “Why are you curious?” tanong niya ulit. Bakit ba ang dami niyang tanong? “Come on, just answer it. May girlfriend na ba siya?” Klaus said he has one. Ganoon din ang sinabi ni Manang pero hindi ako naniniwala. Sa paraan pa lang ng pagkakasabi nila ay halatang hindi sila sigurado. Klaus might be bluffing. Kaya malamang ay si Kuya lang ang makapagbibigay sa akin ng matinong sagot. “He’s single.” May kung anong sumabog sa dibdib ko sa sinabi niya. Malaki ang ngiti ko kaya uminom ako ng tubig para hindi naman masyadong halata. I knew it! Hindi sigurado si Manang at nagbibiro lang si Klaus! “You look happy. Why?” Kuya and his monotonous tone. His eyes were inspecting me, parang alam na niya ang sagot pero gusto niyang manggaling sa akin ang hinahanap niya. I just shrugged, unable to find an exact word to express what I’m feeling. Nagpatuloy ako sa pagkain pero ilang sandali lang ay nagsalita ulit siya. “Wala kang pag-asa ro’n. Hindi ka niya type.” I rolled my eyes. Panira talaga ang isang ‘to. Sobrang bored na ba siya kaya hindi na niya pinatagal ang munting kasiyahang naramdaman ko kani-kanina lang? Hindi niya ako type? Tsh. We’ll see. “We’re not sure…” “Seriously, hindi ka niya type. Don’t even bother, masasayang lang ang oras mo.” “Ang sama talaga ng ugali mo!” sigaw ko kay Ariessa. Tinawanan niya lang ako bago pumasok sa bar. Ang sabi niya kasi ay sa bahay ng kaklase namin gaganapin ang party at hindi sa bar! I’m trying to avoid bars and nightclubs because my brother will be mad. Hindi man sigurado ay pumasok na rin ako. I texted Manang na matatagalan akong umuwi. Sinabi ni Kuya kaninang umaga na baka hating-gabi na siya makauwi dahil marami pa raw silang tatapusin. Hindi iyon sigurado kaya baka madatnan pa rin niyang wala ako sa mansion ng bandang ten. Kristine, our classmate and Ariessa’s new found friend, held her party at the bar. She’s kind and friendly kaya kahit hindi ako masyadong close sa kaniya ay naging madali naman sa akin ang pakisamahan siya. “Happy Birthday!” Sigawan at hiyawan ang namutawi sa loob. Malakas ang tugtog mula sa stereo at mabilis ang pag-ikot ng mga ilaw sa dance floor. My body swayed as I moved and danced the night away being drunk and dazed. Bahala na. Ariessa pulled me towards the center and danced crazily. My eyes widened seeing her. I never knew she parties wildly too. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at nagpatuloy sa pagsayaw. Kristine is dancing too and she’s having fun with a guy. Habang sumasayaw ay naramdaman ko ang init ng katawan ng nasa likod ko. His front is brushing against my back. Hinarap ko iyon at hinawakan siya sa balikat para hindi masyadong magdikit ang aming katawan. He said something but the music is too loud for me to catch what he just said. “Come again?” I almost shouted. Kung hindi ko lalakasan ang boses ay malulunod lang iyon sa tugtog at hiyawan. “I asked if you’re alone!” “No, I’m with my friends!” “Would you want to go have fun with me? Alone? Let’s go somewhere else!” I just smiled and tapped his shoulders before leaving the dance floor. Akala niya siguro ay pumayag ako kaya sinubukan niyang sumunod pero nahirapan siya dahil maraming tao. I bumped into someone and she just waved at me. I waved too. She looked cute, anyways. I was about to go straight to the bar counter when my eyes found Klaus! Namilog ang mga mata ko at sumabog ang kasiyahang inilibot ang paningin para hanapin si Lucas. Nandito si Klaus kaya baka nandito rin siya! Mag-isa siya sa couch dahil kaaalis lang ng isang babae sa tabi niya. Malayo pa lang ay natanaw na niya ako. His eyes widened seeing me but later on, he waved his hands. “You’re here!” he greeted. “Ikaw lang?” tanong ko. Mabilig na nawala ang ngiti niya at pabirong umirap. “Huhulaan ko. Halata naman pero huhulaan ko pa rin…” Nagsalin siya ng alak sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa. Tinanggap ko naman iyon. “May gusto ka kay Lucas, ‘no?” I nodded sweetly. Like who would not, right? The first time I laid my eyes on him, he already got my attention. “Nandito ba siya?” He sneered. Tiningnan niya ang paligid kaya napatingin na rin ako. Kanina pa ako narito at halos nakita ko na yata lahat ng tao pero hindi man lang siya nahagip ng paningin ko. “Nandito siya kanina. Ewan ko kung sa’n pumunta.” “Really?” Nakaharap na ang buong katawan ko sa kaniya. “He’s here?!” He flashed a poker face. “Kasasabi ko lang, ‘di ba?” “Why do you look so grumpy?” I laughed. “Umalis siya. Baka pumunta sa girlfriend niya.” “Oh, come on! Kuya Yael said he’s single! Don’t fool me.” “He’s currently in a relationship with his books and codal, Yuki. Maniwala ka sa akin.” So, iyon ang tinutukoy niyang girlfriend ni Lucas? His books? Damn him, sana naman ay nilinaw niya! “So, where is he?” “He left. Baka umuwi na. He looked annoyed, parang manununtok na siya kanina, e.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD