Lumipas ang mga araw na nanatili lang ako sa bahay. Nag-aakalang mauulit pa ang group study nina Kuya pero mukhang malabo. Tapos na raw kasi ang midterms nila according to Klaus and I’m guessing that they’ll visit here again for their finals.
Ang tagal pa.
Tumawag si Ariessa sa akin kanina para sabihing nai-send na niya sa email ko ang mga pointers para sa quiz. Pero syempre, hindi roon natatapos ang dahilan ng pagtawag niya. Nakita raw niya si Sir kanina sa mall, mag-isa. Inabot siya ng halos thirty minutes para ikwento ang nangyari.
Hindi man interesado ay hinayaan ko pa rin siya, hindi nga lang ako gaanong nakikinig. Malakas ang volume ng TV at kasalukuyang ipinapalabas ngayon ang Filipino adaptation ng isang korean drama.
“Anong oras daw po siya babalik?”
“Mamaya pang alas dos… pero sabi niya kanina’y baka pabalik na siya ng alas dose kung kaunti lang ang tao.” Aligagang inilapag ni Manang ang vase sa dati nitong kinalalagyan at sinundan si Kuya na ngayon ay paakyat na ng hagdan. “Gusto mo bang ako na lang ang maghatid?”
Umiling si Kuya at ngumiti. “Hindi na po. Baka po pauwi na siya ngayon.”
Tumango si Manang at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga naglalakihang jar sa gilid. Itinuon ko naman ang atensyon sa telebisyon pero halos wala ring maintindihan. Sinundan ko ng tingin si Manang nang lumabas siya at muling pumasok dala ang feather duster.
Bumuntong-hininga ako at pinanood lang siyang gawin ang lahat ng iyon. Damn, I’m so bored. Katatapos ko lang i-send sa email ni Sir Telles ang isang activity para sa subject niya. Na-check ko na rin iyong sinend ni Ariessa kanina. I just checked some of it. Bukas na lang o kaya sa susunod ako magre-review since next week pa naman daw iyong quiz.
Maya-maya ay bumaba ulit si Kuya habang may dalang dalawang makakapal na libro.
“Wala pa po ba?”
“Kate-text niya lang na maraming customer sa shop na pinuntahan niya… paniguradong matatagalan pa, hijo.” Napakamot si Manang at bumuntong-hininga.
He is probably waiting for Kuya Eddie. Nakita ko ang paglabas ng isang pick-up kanina. Sa pagkakaalam ko ay ipapa-renovate ang office room nina Daddy dahil gusto ni Mommy na padagdagan ng mga kung ano-ano bago mag-bagong taon. Sinabi rin niyang sa condo muna kami mananatili sa loob ng ilang buwan hanggang sa matapos ang renovation kung sakaling maingay.
“Ano bang problema?” hindi ko na napigilang hindi magtanong. Kanina pa kasi pabalik-balil si Kuya.
“May kailangan kasing ipahatid itong Kuya mo…” si Manang.
Sinulyapan ko naman ang dalawang libro hawak ni Kuya. “Para kanino?”
“Lucas,” he plainly answered.
“Ako na ang maghahatid!” mabilis pa sa alas quatrong presinta ko.
Parehong nakatingin sa akin si Kuya at Manang na parang hindi nila nagustuhan ang pagmamalasakit ko.
“Ite-text ko si Eddie kung tapos na ba siya—”
“Hindi na po kailangan,” putol ko kay Manang. “Ako na po ang maghahatid. Baka mamaya pa po babalik si Kuya Eddie.”
Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan at lumapit kay Kuya. Sinubukan kong kunin ang mga libro sa kaniya pero inilayo niya iyon. Nagtagal sa akin ang mga mapanuri niyang mga mata. “Hindi pwedeng ikaw,” matigas niyang sabi.
“Bakit hindi? Ako na nga ang nagvo-volunteer, e. At saka, wala naman akong gagawin maghapon...”
“You mean to say maghapon ka kay Lucas dahil wala ka namang gagawin?”
Natigil sa ere ang dapat na kasunod ng sasabihin ko. Halos magsalubong na naman ang mga kilay niya kaya natawa ako.
“Oh, come on. Syempre uuwi pa rin ako rito.”
Matatagalan nga lang.
“Naku, Yael. Hindi ‘yan agad babalik,” sabat ni Manang na parang nabasa agad niya ang nasa isip ko.
Pasimple ko siyang pinandilatan nang mag-iwas ng tingin si Kuya.
Sa huli ay wala rin siyang nagawa. Marami siyang case digest at may recitation pa raw gaya ng naikwento ni Klaus. We exchanged numbers days ago. Mabuti rin pala iyon at may access ako sa kung anong ganap ngayon kay Lucas.
“Wala na bang mas maayos diyan?”
“You are overacting again.”
“Lucas is a friend but I still don’t trust him…”
Natawa ako roon. “Are you serious?”
“I don’t trust him but I don’t trust you more.”
Nilingon ko siya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto ng walk-in closet ko habang nakahalukipkip.
“He’s your friend. How could you say that?”
Pinatungan ko ng pink na hoodie ang spaghetti strap top na hindi nagustuhan ni Kuya. He scanned my clothes once more. Nagtagal pa ang mariing titig niya bago tuluyang tumango. Halos pilit pa.
“Do not take that hoodie off!” Tumalikod siya para sana maglakad na palabas pero muling humarap sa akin. “And you even put on something on your cheeks and lips?” he said, sounding offended.
“I only slapped my cheeks softly! It’s natural… at kung naglagay nga ako… it’s fine ‘cause I’m at age,” pabulong ang huling mga salitang katuwiran ko.
“Why the need? Kay Lucas lang naman ang punta mo, ah?”
Iyon na nga, e. Kay Lucas ang punta ko.
“This is nothing, Kuya. Sinasaway mo ba ang mga kaibigan mo kapag naglalagay rin sila?”
“You are my sister, Yuki, kaya huwag mong ikukumpara ang trato ko sa ‘yo sa kanila. They’re mature enough to do those things.”
My brother seems so heated. Nilingon ko siya at nginitian. He looked pissed. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang magiging mood niya buong araw. Lalo pa sa idadagdag ko ngayon.
“He is your friend! Dapat nga ay matuwa ka kasi kaibigan mo ang susunod na magiging boyfriend ko,” I chuckled.
Halos pamulahan ng mukha si Kuya sa sinabi ko. Naglakad siya palapit sa akin kaya tumakbo na ako palabas ng kwarto.
“Subukan mo, Yuki!” aniya habang palayo ako sa kaniya.
Hanggang sa pag-alis ng Mazda ko ay nakahalukipkip niya iyong sinundan ng tingin. Kulang na lang ay ihatid niya ako at sunduin din agad pagkalipas ng isang oras para makasigurong sandali lang talaga ako roon.
And of course, he could not. Marami siyang gagawin. Kung kaya naman pala niyang ihatid iyong libro ay hindi niya talaga ako hahayaang makalabas. He even put the address on my navigation with a glare. Nakatikom ang labi ko para pigilan ang sariling matawa.
Hindi ito magkaka-jowa!
I was humming a song as I drove my car. Mabilis ang patakbo ko at atat na atat sa pagbisita.
Tumigil ang sasakyan ko sa tapat ng isang malaking bahay. Mukhang makaluma ngunit kita pa rin ang pagiging makabago nito. Halatang ilang beses nang naipa-renovate dahil sa katandaan.
Lumabas ako para makita ito nang mas maayos. May balkonahe sa ikalawang palapag at mukhang hardwood ang gamit sa mga dingding na parang nasa panahon pa ng Kastila ang disenyo.
Lumapit ako sa gate at agad na nakita ang isang matandang babaeng nagwawalis. Pagkakita niya sa akin ay binitawan niya ang hawak at halos naglakad palapit sa tarangkahan. Ilang beses kong tiningnan ang address na naka-flash sa screen ng navigation system kanina. Iniisip kung nasa tamang lugar ba ako.
“Ano ang maipaglilingkod ko sa ‘yo, hija?”
Malaki ang ngiti ng matanda. Halos kumikinang din ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nataranta naman ako nang buksan niya ang gate kahit na hindi pa ako nakakasagot.
Paano pala kapag mali ang napuntahan ko? Nakakahiya!
“Pasensya na po, La, pero dito po ba nakatira si Lucas?”
Namilog ang singkit niyang mga mata at mas nilakihan ang pagkakabukas ng gate.
“Nasa loob siya, hija. Ikaw ba ang kasintahan niya? Halika’t tumuloy ka…”
Hindi pa nakakamove-on sa sinabi niya ay naglakad na ako papasok. Napahawak siya sa kanang kamay ko at marahang hinila papasok ng malaking bahay.
“Mabuti naman at naisipan mong bumisita, hija. Iniisip ko kasi’y babad na babad si Lucas sa pag-aaral at walang kilig na nararamdaman sa katawan. Noong nasa ganiyang edad kami ni Tunying ay nabuo na namin ang pang-apat naming anak.” Hinarap niya ako habang itinutulak ang main door, medyo nahirapan pa siya dahil may kabigatan iyon kaya tinulungan ko na. “Hay… kaya sa edad na ito’y umabot kami ng labing-walo.”
Napaawang ang labi ko. Labing-walo? Eighteen? Naka-eighteen si Lola? The stamina…
Unti-unting uminit ang mukha ko at hilaw na napangiti. Napaka-agresibo naman pala ni Lola noong kabataan niya.
“Maupo ka muna rito at ipaghahanda kita ng meryenda.”
“Naku, hindi na po kailangan, La…”
“Nasa itaas si Lucas. Sa dulong kwarto, nag-aaral. Pwede mo siyang puntahan habang inihahanda ko ang pagkain.”
Umalis na siya at pumunta sa.. hula ko’y kusina. Naupo ako sa malawak na sofa na gawa sa rattan. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng sala. Hindi ito gaanong makaluma gaya ng exterior design. Ang labas ay halos purong Spanish style pero may halong moderno ang loob. May mga naglalakihang jar sa sulok na may mayayabong na mga halaman.
May mga paintings din sa mataas na dingding. Sa pinakagitna nito ay may napakalaking painting ng isang binata. Sa kulay at anyo pa lang ng painting ay masasabi kong inabot na iyong ng ilang taon. Matikas ang kaniyang katawan habang sakay ng isang kabayo. Diretso ang tingin niya sa pintor na parang may hindi nagugustuhan habang ipinipinta siya ng kung sino.
Nilingon ko ang hagdang nasa gitna. Umakyat ako roon at rinig na rinig ang bawat hakbang ko dahil gawa ito sa kahoy. Pinasadahan ko ng tingin ang ilan pang painting na nakasabit sa dingding.
Mahilig siguro ang may-ari ng bahay na ito sa mga antique na paintings. Ilan kaya ang halaga ng mga iyon kung ibebenta sa panahon ngayon? Paniguradong tatangkilin ang mga iyon lalo na kung ang mga painting ng makisig na lalaki ang ibebenta.
Muli kong sinulyapan ang painting ng makisig na lalaki. Mula rito sa ikalawang palapag ay kitang-kita ko ang mga maliliit pang mga painting na nakahilera sa magkabilaang gilid nito. May dalawa pang makisig na lalaki sa tabi ng malaking imahe. Kahawig niya ang mga ito at mistulang iritado rin dahil salubong ang kilay at diretso ang titig. Sa tabi ng mga ito ay may ilan pang mga imahe. Mas maliliit na iyon at hindi ko na halos makita ang hitsura, pero sigurado akong kahawig rin ng mga nauna.
Iisang tao ba ‘yon o ano?
Mga ninuno ba ito ni Lucas? Sa tingin ko nga.
Nilapitan ko ang isang cross stitch ng bulaklak na nakasabit sa pader sa hallway. Agaw-pansin iyon dahil sa makulay nitong burda. Mahilig din si Lola sa pagbuburda pero wala sa mga naging anak at apo niya ang nakamana ng hilig niyang iyon. I find cross stitches very simple yet elegant but I don’t really liked how to do it. Sinubukan ko iyon noong nasa elementarya pa ngunit hindi na iyon naulit. Ilang tusok mula sa karayom ang natamo ko habang ginagawa ang project na ‘yon. Sa huli, ay nagpagawa na lang ako.
I was about to touch the frame when someone suddenly spoke.
“Why are you here?” his low baritone voice almost echoed through the hallway.
Hinarap ko siya. Parang gusto kong pasalamatan bigla ang lahat ng nasa painting dahil naipamana nila ang kakisigan sa taong nasa harap ko. Nakakunot ang noo niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Palipat-lipat ang mga nagdududang mga mata sa aking mukha at sa bulaklak na nakaburda. Marahil ay nagtataka kung ano ang gagawin ko.
“I want to see you…” I said softly, not leaving his wary eyes.
Hindi siya nagsalita at nag-iwas lang ng tingin. He swallowed hard and from that angle, I saw how he clenched his jaw before looking at me again.
“What brought you here?” tanong niya.
“Hmmm…” Nag-isip ako ng idadahilan. Bukod sa libro ay wala na. “May… magagalit ba na nandito ako?”
I watched his reaction. I can’t read it. He’s too hard to read. Unpredictable.
Sinilip ko ang pinanggalingan niya. He shifted his weight, making me stare at him again. His brows shot up.
“Is that your room?” Hindi ulit siya sumagot. Ang lupit sa kaniyang mukha ay lalong nadepina. He’s too uptight. Ang hirap naman nito. “I wonder, how does your room looks like?”
Nakaawang nang kaunti ang labi niya pero nanatili namang seryoso. Kung medyo expressive lang siya, iisipin kong gulat siya pero dahil halos pare-pareho ang ekspresyon, hindi ko alam.
“It’s your first time here and you’re already curious about my room?”
Iritado sa kung ano, lalong kumunot ang noo niya. I pursed my lips and act cooly. What’s wrong about asking his room? Hindi ko naman siya papasukin, ah?
“I’m just… curious?” I smiled sweetly.
He clenched his jaw again. Naagaw no’n ang atensyon ko. Humakbang ako ng isang beses palapit sa kaniya at siya namang pag-atras niya. Tumaas ang kilay ko.
“You’re so distant,” I commented.
His lips parted and withdrew a deep breath. Tila nauubusan ng pasensya sa akin. Napapikit siya nang mariin at muling tumitig.
“It’s going to rain soon. Umalis ka na para hindi ka maabutan ng ulan.”
“Do you let your girlfriends sleep here?” Hindi ko pinansin ang sinabi niya at iginala ang paningin. May tatlong pinto sa kaliwa at may dalawa pa sa kanan. Hindi ko alam kung sino-sino ang natutulog o nakatira rito. Mukhang tahimik at wala namang ibang tao kaya baka siya lang? “Mag-isa kang natutulog dito?”
Pero hindi siya nagsalita. I closed my lips inwards as I wait for his answer but I heard none.
“What are you up to?” he asked after a long, deafening silence.
Kinabahan ako bigla. Sa bawat pagtitig niya sa akin, pakiramdam ko ay mabubuko ako sa sekretong maging ako ay hindi alam kung ano. I swallowed hard as Lucas looked at me closely.
“You’re doing this on purpose, aren’t you?”
Humakbang siya palapit. My instinct told me to step backwards. Ang maliit na hakbang na ginawa ko ay may katumbas na malalaking hakbang sa kaniya. My lips trembled.
Hindi ako sanay sa ganito. I don’t chase men, it’s the other way around. Noong makita ko siya ng gabing iyon, I thought it would be easy. After all, he seems easy because he’s in that place. I thought he’s searching for someone that will…
“I like you! I want to be your girlfriend!” I blurted out without thinking and immediately closed my eyes.