Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa campus nang hindi nakakasagasa. My eyes were filled with unshed tears, making my vision blurry, as I drove really fast. Ni wala akong pakialam kung may mabangga man ako o wala. Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko. Countless calls and messages from Manang Leticia, my brother, Kristine and from those backstabbers who just wanted to know what was going on. Sigurado akong kalat na ang video na finorward ni Kristine sa akin. I don’t even know where that video came from. Agad akong bumaba ng sasakyan nang makarating sa mismong gate ng campus. Sa labas pa lang ay alam ko nang marami ang nagkukumpulan para pag-usapan ang naturang video. At tama nga ako, the moment I entered the gate, everyone turned their back and started to whisper at each oth

