Kanina pa ako nakarating sa address na sinend ni Ariessa pero hindi pa ako bumababa ng sasakyan. I was tapping my fingers on the steering wheel and observed the small apartment outside. Medyo madilim sa paligid nito at malayo ang pagitan ng bawat apartment sa isa’t-isa. “Nasa tamang lugar kaya ako?” bulong ko. I checked my phone to see if there’s another message from Riess but I found none. Ako: Nandito na ako sa labas, Riess. Naghintay pa ako nang ilang minuto para sa reply niya pero walang dumating. I sighed loudly and went out from my car. Lumingon pa ako sa likod ko at sa paligid para muling suyurin iyon. I dialed her number as I made my way towards the house. Nakabukas din ang gate no’n at bukas ang ilaw sa loob. Kumatok ako nang ilang beses pero walang nagbubukas ng pinto.

