(Sky Greyson)
Sky's pov
"Hoy Sky, pag ikaw tlga nahuli ni Miss Gonzaga yari ka, malakas pa naman yan sa daddy ni Liam" bulong saakin ni Tan habang naka pangalumbaba ako dito at pipikit pikit.
Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya ang antok at napasubsob nalang ako sa desk ko.
------
"Az!" Sigaw ko sa batang babae na naghahakot ng maleta papasok sa sasakyan
"Tulungan na kita" sambit ko atska binuhat yung buhat buhat nyang gamit
"Greyson ako na dyan, baka di ka lumaki nyan sige ka" sambit ni tito Zack
"Tito babalik pa po ba kayo?" Malungkot na sabi ko habang naka tingala ako sa kaniya
"Oo naman anak" sambit ni tita Zaria
"Alam mo Grey, babalik kami kaya wag na ikaw sad, maglalaro pa tayo pagbalik namin ha" sambit ni Azy atska ngumiti ng malapad.
Si Azy ang kalaro ko simula ng bata ako hanggang sa nag graduate kami ng elementary kami ang magkasama, halos hindi na nga kami mapag hiwalay eh, hanggang dumating ang araw na kinatatakutan namin, aalis na sila kailangan nilang magpunta ng america para sa kompanya nila, at dahil dun kailangan na rin namin mag hiwalay ni Azy, actually siya Lang ang kaibigan ang meron ako, pero ngayon wala na siya, bigla na lang ako napangite ng mapait.
"See, ngumite ka rin" sambit ni Azy atska ako inakbayan
"Ganto nalang Grey para maalala ulit naten ang isa't isa kapag lumaki tayo, sayo nalang to para partner tayo" sambit nito atska ibinigay saakin ang isang kwintas na may pendant na star.
"Eto naman saakin" agad na sambit niya atska pinakita saakin ang kwintas na may pendant naman na moon
"Azy anak halika na" sambit ni tita Zaria, atska inakay ang anak papunta sa back seat
"Bye Zaria mag iingat kayo doon ah" sambit ni mommy, atska nakipag beso kay tita.
"Paano aalis na kami mag iingat den kayo ah" pagka sabi ni tita nun ay agad na siyang sumakay sa passenger seat, bago pa man umandar ang sasakyan nila ay bumukas ang pintuan sa back seat kung saan nakaupo si Azy
"Ba-bye Sky Greyson, mag iingat ka palage" sambit ni Azy atska sinara na ulit ang back seat at umalis na sila.
Agad akong napatulala sa kawalan, first time kong narinig na tinawag ako sa pangalan ni Azy, dahil ang tawag niya palagi saakin ay 'Grey'.
"Hanggang sa muli Azy Reyes" mahinang sambit ko atska mabagal na kumaway....
------
"Mister Greyson!" Agad akong napabalikwas ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Miss Gonzaga
"Sorry po" agad na sambit ko atska napakamot sa ulo
"Tss, class dismiss" sambit ni Miss Gonzaga atska lumabas ng classroom
"Woops, girls labas na lalapit pa kayo eh" sambit ni Liam atska pinalabas lahat ng babae, dibale kay William at sa newbie na babae
"Ano ba Liam tan? Problema mo at di mo kami palabasin?!" Sigaw ni girl newbie
"Easy miss faith" sambit ni Liam na itinaas pa ang dalawang kamay
Azy Reyes...
Parang bigla ko narinig ang boses ko na sumisigaw sa kababata kong si Azy.
Asan na kaya yun?
Nakakamiss siya.
Sabi niya babalik siya.
Pero bakit parang hindi na.
Diba nangako siya.
Nasa america parin ba siya?
Ilan yan sa mga tanong na nasa isip ko na siya lang ang makakasagot saakin.
"Sky!" Sigaw ni Tristan sa mismong tenga ko atsaka ako niyugyug
"Wtf!? Tan problema mo?!" Sambit ko dito atska to itinulak palayo
"Ikaw ano problema mo!? Kanina kapa namin tinatawag, nakatulala ka nanaman" sambit nito atska isinara ang mga pinto ng classroom nato
"What the?! Tristan palabasin nyo kaya ako no?!!" Malakas na sigaw ni newbie girl
"Tsk, may itatanong lang kami" sambit ni Lucas
"Ano? Bilis bilisan nyo at nagugutom na ako" sambit nito atska tinignan ng diretso si Lucas
"Anong relasyon mo kay Sky?" Halos lahat kami nagulat sa tanong ni Lucas.
"Wtf Lucas!? Ano nanaman ba nainom mong gamot at ganyan ka huh?!" Inis na tanong ko dito at akmang aalis na ng may bigla siyang banggitin na pangalan na nagpatigil saakin.
******
Liam's pov.
Kahit ako ay nagulat sa tanong ni hapon kay Ms. Faith, wtf?! Anong koneksyon nitong dalawa?
Napatingen ako kay Sky nang mapatayo siya para umalis, ngunit agad deng napahinto sa sunod na sinabi ni hapon.
"Sky, she's Azreel Reyes." Sambit ni hapon na tuluyang nakapag patigil kay Sky, atska siya dahan dahang humarap.
Kanina pa ako naguguluhan sa mga nangyare. no, lahat kami naguguluhan kahit si Miss Faith hindi alam kung anong pinagsasabi nitong si hapon
"Reyes?" Mahinang sambit ni Sky, habang nakatingen kay Ms. Faith.
"Alam niyo, kayo nalang mag gag*han dyan idadamay nyo pa ako, alis nga!" Sambit ni Ms. Faith at akmang bubuksan na ang pinto ng bigla itong napahinto.
"Miss Reyes, he's Sky Greyson" sambit nito atska ngumisi
Wtf?! Ano meron sa pangalan nila at bigla nalang sila napapatigil?
"A-ano naman?" Sagot ni Ms. Faith ng hindi parin lumilingon.
"Wala akong pakeelam, pake ko dyan sa kaibigan mo?!" sambit ni Ms. Faith, atska umalis ng may inis sa mukha, nakabuntot naman sa kaniya si William
"Azy Reyes" sambit ni Sky na halata ang gulat sa mukha