Tristan pov.
-flashback-
Andito kami ngayon sa parking lot habang inaantay ang pinsan ni Hapon
"Let's go" agad na napatingen kami sa gate ng Hayashi family ng biglang magsalita si liam
"Where's Lucas (hapon)?" Tanong ni Sky kay Liam.
"He's coming" sambit nito atska pumasok sa kotse niya
"Let's go" sambit ni hapon.
Agad akong pumasok sa kotse ko at naunang umandar.
Pupunta kami sa tambayan namin dahil nandun sila Riego isa sa mga tauhan namin kung tatanungin niyo kung ano kami tao kami char, g**g ang tawag saaming apat, at kaya kami pupunta sa tambayan kung tawagin lang namin para naman hindi halata na may g**g kami diba, dahil kapag nalaman ng daddy ni liam tan to aba'y lagot kaming lahat lalo na si liam at lucas btw mag pinsan yung dalawang yun di lang halata and daldal ko no? Ganun talaga pag pogi di nauubusan ng sasabihin.
Yun na nga kaya kami pupunta sa tambayan dahil may balita na daw si Riego tungkol sa bagong g**g na gusto kaming patumbahin, agad akong nag park ng makarating na kami dto, at halos sabay sabay lang kaming bumabang apat sa sari-sarili naming kotse
"Boss" agad na sambit ni Riego kay Lucas (hapon) siya kase talaga ang bumuo ng g**g na to
"Let's go" agad na sambit ni Sky, atska kami sunod sunod na pumasok sa loob, pagkapasok namin ay nakita namin na nakaupo na agad sila Aaron, Noah, and James
Silang apat nila, Riego,Aaron,Noah and James ang aming pinagkakatiwalaan sa grupo na ito kapag Wala kami sila ang umaasikaso ng mga bagay na kahina hinala dito o sa ibang gang
"Anong balita?" Tanong ko pag kaupong pag kaupo namin
"Boss may bagong grupo ng g**g na balak tayong patumbahin" sambit ni Noah
"What's a name of their group?" Mahinahong sambit ni hapon habang nakasandal sa upuan
"Red night." Aaron
"Pangalan palang ang pangit na" rinig kong bulong ni Liam
"How many members?" Si Sky naman ang nagtanong
"5 sila boss pero ang pagkakarinig namin magdadagdag pa sila" James
"And wala silang boss or leader man lang, boss" Riego
"Nga pala boss may nadekwat kaming picture nung William ang first member nila" sambit ni Noah atsaka may inabot na litrato, agad naman yun tinignan ni hapon atska pinasa kay Sky hanggang makarating saamin ni Liam ang picture.
Simpleng lalaki lang ang sinasabing William nila Noah hindi mo mahahalata na may g**g siyang sinasalihan, yung para bang ang inosente ng mukha niya, may dimple sa kanang pisnge atska mukha yung Chinese? Singkit kase pero sabi naman ni Aaron na filipino daw yun.
"And boss nabalitaan namin na mag ttransfer siya sa school na pinapasukan nyo" sambit ni Noah atska tinago ang picture ni William
"Sky" Lucas(hapon)
"Hmm?" Sky
"Gusto kong dun ka sa likod ng school papasok mamaya, mag abang ka dun"
"Tristan"
"Yes hapon?" Tinignan muna ako ng masama nito atska nagsalita
"Gusto ko magbantay ka sa parking lot at tignan mo ng mabuti yung mga bumababa sa sasakyan nila"
"And Liam"
"Oh ano?"
"Ikaw ang magbantay kay tito, sure na hindi nya malalaman to, dahil parehas tayong malalagot."
"So anong gagawin mo huh?" Tanong ni Liam.
"Ako ang maglilibot sa campus"
"E kami boss?" Tanong ni James.
"Nothing, magbantay lang kayo dito" sambit ni Liam bago pa magsalita si Lucas.
"Let's go".
------
Nandito na ako sa parking lot habang tinatanaw ang mga magpaparada at papasok sa Xavier high, sa gitna ng pagbabantay ko may biglang pumarada ng sasakyan sa tabi ng kotse ko, inantay ko to lumabas hanggang sa mabilis tong lumabas habang nakatingala sa Xavier, newbie huh?
Agad kong nakita si Sky na kumakaway saakin sa likod ng mga kotse, senyas yun na nakita na nila si William, di ko na pinag aksayahan ng oras yung babaeng newbie at agad na tumakbo papunta kay Sky.
Pagkarating namin sa likod ng Xavier high ay nakita ko agad yung William na nakahiga sa sahig habang pinupunasan ang dugo sa labi
"So kayo pala yung sikat na g**g huh? Ganda naman ng pag welcome nyo saakin" sarcastic na sambit ni William
"Spy?" Agad na tanong ni Lucas, pero wala kaming nakuhang sagot dito
"Asan na ba kase si Liam?" Agad na tanong ni Sky, "tinanong ko na kay tito Levi eh pero kakaalis lang daw sa office nya".
"I'm here" hinihingal na sambit ni Liam
"Where did you go?" Tanong ni Lucas habang nakasandal sa puno at nakatingen parin kay William na nagpupunas ng dugo sa gilid ng labi
"May nakabunggo pa akong babae na maatitude kaya ako napatagal atska, mukhang newbie yun no? Hindi ko pa kase nakikita sa campus yun eh ngayon lang" mahabang pag dadaldal ni Liam
"Tsk, ligpitin mo na yan tutal ikaw naman nahuli" sambit ni Lucas atska nauna ng umalis
"Tagal mo kase tol" sambit ni Sky habang nakangise
"Pano ba yan sibat na ako?" Sambit ko dito atska lumapit kay William at yumuko
"Magtago ka na lang pre, dahil kapag nakita ka namin sa campus na to hindi kami magdadalawang isip na bangasan ka" sambit ko atska sinipa to ng mahina at nakangiseng naglakad palayo
NGAYON IKAW NAMAN MISS NEWBIE ANG AKING TATRABAHUHIN HAHA....
-end of flashback-