Liam tan pov.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Ms. Faith dahil sa nangyare kanina.
-flashback-
Kasama ko si sky atska si tristan para sunduin ang ate ni sky, ang maldita niyang ate
"Liam! Bilisan mo dyan tara na" sabi ni tristan habang nagmamadaling lumabas.
"Wag ka masyadong pahalata pre na may gusto ka sa malditang ate ni sky" bulong ko sa kaniya kaya bigla niya akong siniko atska siya nagmamadaling bumaba.
Pagkababa namin ay hindi na kami dumiretso sa waiting shed dahil nakita na agad namin si lori greyson, ang malditang ate ni sky.
"Sky!" Takbo ng ate ni sky atska sila nagyakapan.
Habang nag uusap yung dalawa ay nadapo ang tingen ko sa waiting shed, wait! Si Ms. Faith ba yun? Agad akong nagpaalam saglit kila sky atska umupo sa tabi ni Ms. Faith, napatingen ako dito nag maramdaman kong napahigpit ang kapit niya sa upuan niya.
"Hey miss are you okay?" Takang tanong ko sa kaniya pero imbis na sagutin niya ang tanong niya ay tumakbo lang siya dun sa mukhang kapatid niyang babae na, medyo matangkad, kulot ang buhok atska medyo kahawig niya, medyo lang naman.
Umalis nalang den ako duon dahil mukha namang okay na siya, pero pagkadating namin sa parking lot ay si tristan naman ang nakakita sa kaniya.
"Si Ms. Faith yun diba?" Sabi ni tristan atska tinuro si Ms. Faith na nakahawak sa ulo niya at mukhang may iniindang sakit.
"who Ms. Faith? is your girlfriend tristan?" Tanong ni lori, iling lang ang sinagot ni tristan sa kaniya dahil sabay sabay kaming napatingen kay Ms. Faith ng bigla nitong mabitawan ang hawak niyang bagahe at magsimula na siyang mamutla.
Agad na lumapit si tristan sa direksyon nila Ms. Faith kaya napasunod kaming lahat saktong pag tumba ni Ms. Faith ay siya deng pagsalo ni tristan, sanaol.
"omg unnie, please sir let's take unnie to the hospital" sambit ng kapatid niya ba to? Nakita ko den yung isa pa nilang kasama na mukhang tatawag na ng ambulance, pero agad siyang pinigilan ni sky
"no, just take her to your house, it looks like she just stretched, don't worry" sabi ni lori yung kapatid ni sky, na chine check ang pala pulsuhan niya.
"how did you know? Are you a doctor or nurse?" Tanong ulit ng kapatid niya.
"I'm Lori Greyson, I'm a nurse, don't worry." Nakangiteng pagpapakilala ni Lori sa kapatid ni Ms. Faith.
"Bago kayo mag kilalanan dyan, buksan niyo na tong sasakyan, nangangawit na ako psh" sambit ni tristan at mabilis naman siyang pinagbuksan ng pinto ng mukhang katulong nilang babae, maliit lang ito atska mataba ang cheek at medyo maputi rin.
"where is the key to her car? I will drive" pagprisinta ni sky.
"what? eh who will deliver me huh? sky let them liam and tristan there, it looks like they can do it" mataray na sabi ni lori. Bago pa man makasagot si sky ay naunahan na siya ng kapatid ni Ms. Faith
"ahh unnie lori if you don't mind can you go home? we just need a nurse or doctor, unnie Azreel didn't even get a personal doctor." Nahihiyang sambit ng kapatid ni Ms. Faith
"You will really make me a nurse pa talaga huh, but sige na nga, you are beautiful naman eh" sambit nito atska naunang pumasok sa sasakyan ni Ms. Faith sa harapan pa siya pumasok.
"ahh girls, if you don't feel bad, just get in my car and ride, it looks like we can't fit in there anymore, just put your things there." Sabi ni tristan, atska tinuro ang likod ng kotse kung saan nila ilalagay ang gamit nila, nagpasalamat naman yung katulong nila atska sumakay na rin sa back seat sa sasakyan ko.
"Galing mo mag English pre ah" natatawang sambit ko kay tristana atska siya tinignan saglit sa passenger seat.
"Uy pre wag ka maingay baka naririnig tayo nyan" bulong ni tristan saakin.
"Di yan, narinig mo ba silang nagtagalog?" Tanong ko dito at napaisip naman to.
"Oo nga no, sandali" sabi nito atska lumingon sa dalawang nasa back seat.
"ladies do you know tagalog? or do you understand tagalog?" Magalang na sabi ni tristan, aba mukhang may type tong si tristan sa dalawang to ah. Magsasalita na sana yung katulong nila ng unahan na to ng kapatid ni Ms. Faith.
"No" nakangiteng sambit nito nagkatitigan pa sila ng katulong niya atska muling tumingin na sa bintana.
"Sabi sayo eh" sabi ko dito atska siya umiling iling.
After ng ilang minuto nakarating kami sa isang village, tinuro naman nito kung saan ang bahay ni Ms. Faith.
"Wait liam diba ito den yung village ni hapon?" Tanong ni tristan, kung tatanungin niyo iba yung bahay ng Hayashi family atska ang bahay ni lucas. Pumupunta Lang siya sa hayashi house kapag kailangan or pinapatawag kami ni daddy.
"Oo nga no?" Takang tanong ko din, hindi kase namin gaanong alam ang bahay ni lucas dahil isang beses palang ako nakapunta sa bahay niya.
"We're here" rinig kong sabi ng kapatid ni Ms. Faith atska siya naunang bumaba kasabay ang katulong nila.
"Kira!" Napatingen ako sa matandang lumabas sa gate ng bahay ni Ms. Faith
"Nay" tumakbo yung katulong nila atska yumakap sa matandang tumawag sa kaniya.
"Andito ka den pala" atska nito niyakap ang kapatid ni Ms. Faith.
"Ay nako! Anong nangyare kay azreel, dito dito ipasok niyo" sambit ni manang atska nauna sa loob ng bahay.
Nakita ko namang pumasok sila sky sa loob.
"Tristan bat andyan ka pa tara na" sabi ko dito ng mapansin kong nakatingen siya sa katapat ng bahay ni Ms. Faith.
"Diba eto yung bahay ni hapon?" Tanong ni tristan habang nakaturo sa katapat na bahay ni Ms. Faith.
Pero bago pa ako makasagot kay tristan ay nasagot na ang tanong niya dahil nakita naming lumabas si Lucas at nagtapon ng basura niya, papasok na sana siya sa bahay niya ng mapansin niya kami dahil nasa labas lang kami ng gate nila Ms. Faith. Tumingin pa siya sa kalsada bago siya lumapit saamin.
"what are you doing here" taas kilay niyang tanong saamin.
"Wala may binibisita lang" nakangising sambit ni Tristan.
"Liam, tan. Kanina pa kayo hinahanap ni Zyr---" hindi na natuloy ni sky ang sasabihin niya ng makita niya si lucas.
"Oh hapon, bat andito ka?" Nakangising sambit den ni sky.
"because my house is here" bored na sabi ni lucas.
"Talaga? Edi magkapitbahay lang pala kayo ni Ms. Faith?" Pagkasabi nun ni sky ay mukhang inaasahan nilang magugulat si lucas, pero tinignan lang sila nito atska tinaasan ng kilay.
"Hindi ka man lang nagulat?" Tanong ni tristan.
"Why would i?" Takang tanong ni lucas.
"Dahil neighbor pala kayo ni miss newbie, o baka naman alam mo na talagang mag neighbor kayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Yes i know" kibit balikat niyang sabi.
"Eh bakit di mo sinabi?" Sabay sabay na sabi naming tatlo.
"Tss, bakit nagtanong ba kayo saakin?" Pilosopo niyang sagot.
"g**o mo kausap, tara nalang" aangal pa sana siya kaso inakbay na siya ni tristan kaya di na rin siya nakapalag.
Pagpasok namin sa loob nakita naming gising na si Ms. Faith at nakaupo ito sa sofa, chineck naman siya ni lori atska sinabing okay na siya konting pahinga lang daw.
"Bakit kayo andito?!" Gulat na tanong ni Ms. Faith ng maupo kami sa harapan niya.
"Dahil nakita ka naming nahimatay sa airport" simpleng sagot ko. Pasimpleng taray lang ang ginawa nito saakin.
"I told you unnie, you should just rest, so we can take a taxi" sermon sa kaniya ng kapatid niya.
"Tss, kumain na ba kayo?" Tanong nito saamin.
"Not yet" sagot ni lori
"Manang paki handaan naman po sila ng pagkain" sabi ni Ms. Faith na mukhang katulong niya ren. Tumango lang si manang atska pumunta sa kusina.
After 5 minutes ay nakahain na ang sopas sa harapan namin.
"Kumain na kayo nahiya pa" sabi ni Ms. Faith atska binigay saamin isa isa ang pagkain.
"No, I'm done eating" tanggi ni lucas.
"Are you sure?" Tanong ng kapatid ni Ms. Faith, nakita ko namang tinignan ito ni lucas atsaka niya dinampot ang pagkain na nilapag ni Ms. Faith sa harapan niya. s**t i smell something fishy, did lucas like her?