NAPAHIKBI si Shania matapos magkwento ni Xander sa asawa. Nakadama tuloy si Xander ng pag-aalala sa asawa lalo pa at buntis pa naman si Shania at hindi dapat maging emosyonal ito. Niyakap ni Xander ang asawa bilang pag-alo rito at hinalikan sa labi. Sa umpisa ay hindi gumanti si Shania sa mga halik niya pero mayamaya ay tumugon na ito at naging maalab na rin ang kanilang halikan. Sobrang nangulila siya sa asawa at paulit-ulit na muntikan na niyang lapitan ito sa araw-araw na binabantayan at pinagmamasdan si Shania. Iyon din ang dahilan kaya kahapon ng gabi ay nilapitan na niya ito at niyakap subalit nang makatulog si Shania ay pinuntahan kaagad siya ni Lee at hinila paalis sa kwarto. Muntikan pa silang magkabunuan pero pinaalala sa kaniya ni Lee, ang usapan nila ng Mama ni Shania kaya n

