Five years later… MAHIMBING ang tulog ni Shania nang maramdaman niya ang pag-alog ng kama at may mahigpit na yumakap sa katawan niya saka humalik sa pisngi, noo, ilong at sa huli ay sa labi na mas matagal pa sa inaasahan niya. Nagmulat ng mga mata si Shania at napatitig sa gwapong mukha ng asawa na nakangiti rin sa kaniya. “Good morning, misis ko,” bati ni Xander sa kaniya at muli ay hinalikan siya sa labi. Tinulak ni Shania nang marahan ang asawa at tinakpan ang bibig. “Kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapag-toothbrush kahit nga nakapaghilamos tapos halik ka na nang halik diyan,” reklamo niya sa asawa kahit sa totoo ay masaya siya sa pagiging malambing nito. Sa araw-araw naman na ginawa ng Diyos na magkasama sila bilang mag-asawa ay hindi nawala ang pagiging malambing nito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


