Chapter 75

3005 Words

HALOS isang oras ding nasa loob ng kwarto si Shania nang pasukin siya doon ni Xander. Hindi siya nagsalita sa pagdating nito at dumiretso naman sa cabinet ang asawa saka kumuha ng pambahay bago tumungo sa banyo at narinig niya ang paglagaslas ng tubig mula sa shower at kalahating oras din bago ito lumabas na basa ang buhok at suot na ang pangbahay na kinuha sa cabinet. Nakahiga lang siya ngayon sa kama at hindi kumikilos. “Maayos kaming nag-usap nina Mama at Papa at pinahatid ko na sila kay Mang Rommel para hindi na sila maghanap pa ng masasakyan sa labas,” basag ni Xander sa tahimik na kwartong kinaroroonan nila. “Thank you,” tipid niyang tugon. “Hindi ko akalaing aabot ka ng ganiyang kasama at pati ang mga magulang mo ay babastusin mo nang ganoon?” hindi makapaniwang tanong ni Xander

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD