KINABUKASAN ay masama na naman ang pakiramdam ni Shania dahil kulang ulit siya sa tulog at umiyak pa kagabi. Pagkagising pa lang ay nadama na ni Shania na naduduwal siya at lahat ng kinain nang nagdaang-gabi ay naisuka niya lang at sa tingin niya ngayong umaga ay magkakasakit pa siya. Matapos magsuka ay lumabas si Shania ng banyo at sa ganoong eksena bumukas ang pinto at pumasok ang nakabihis nang si Xander na salubong ang kilay. Nagtaka naman siya na nabuksan nito ang pinto samantalang alam niyang nai-lock niya iyon kagabi. “What happened to you? Why do you look like that, and you haven't taken a bath yet?” seryosong tanong ni Xander sa kaniya. “Paano ka nakapasok sa kwarto ko?” balik na tanong din niya. Kumunot naman ang noo ni Xander at ipinakita nito ang susing hawak na marahil gi

