LUMABAS si Shania na hilam ang mukha sa luha at kahit anong pigil ay hindi niya iyon magawa. Panay lang ang pahid niya ng mga luha at tinatakpan na lang ng buhok ang mukha upang kahit paano ay hindi iyon makita ng ibang tao. Nagtawag si Shania ng taxi at ang address ng bahay nilang mag-asawa ang sinabi niya sa driver. Magulo ang utak niya ngayon at hindi niya alam kung anong gagawin sa lahat ng nalaman. Damang-dama niya ang sakit mula sa nabigo niyang puso at tanging ang pag-iyak lang ang tangi niyang kayang gawin. “Ma’am, ayos lang ba kayo?” nag-aalalang tanong ng driver ng taxi sa kaniya dahil hindi na niya mapigilan kahit ang paghikbi. “Hindi po, Manong,” umiiyak na tugon niya at tuluyan nang napahagulgol. “Sobrang sakit ng ginawa ng taong mahal na mahal ko. Akala ko totoo ang pagmam

