PAKIRAMDAM ni Shania sa gabing iyon ay nakaupo siya sa isang numero at lahat ng kilos niya ay pinagmamasdan ng lahat ng tao sa lamesa lalong-lalo na ng lalaking katabi niya. Dama niya ang matiim na pagkakatig nito habang nakaupo siya at hindi naman niya magawang tignan ang lalake. Walang iba iyon kundi si Xander na hanggang ngayon ay asawa pa rin niya dahil hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila. May plano naman siyang muling makipag-usap kay Xander para pag-usapan ang annulment nila pero sa ngayon ay hindi pa niya naiisip ang planong iyon at ibang dahilan kung bakit niya naisipang magbakasyon at bumalik sa Pilipinas. Kaya lang ay mukhang may hindi nalalaman si Shania sa pagitan nang pagkakasundo ng pamilya niya at pamilya ng Fuentivilla at pati ang tunay na ama ni Xander, ay nandito

