MAALAB at mapagparusa ang halik ni Xander kay Shania at nang pilit iniiwas ni Shania ang labi niya sa asawa ay hinawakan nito ang pisngi niya kaya nabitawan nito ang isa niyang kamay at ginamit iyon para itulak si Xander. “X-Xander, ano ba?” galit na sita ni Shania at napahiwalay ito sa kaniya ng ‘konti. Matalim ang mga titig ni Xander kaya napalunok siya ng laway at kinabahan sa pagkakatitig nito. “You left me suddenly, Shania. I assume that our relationship was fine the last night we met, and you will let me make it up to all my mistakes! But I'm wrong. You vanished without even saying goodbye to me and lost in two years!” galit na sumbat sa kaniya ni Xander. “Tapos ngayon, na nagpakita ka ay parang wala lang ako sa’yo? Na parang hindi mo ako asawa kung umasta ka at nagsama ka pa ng

