KUMAIN sa isang kilalang restaurant sina Angelu at Shania. Naisipan ni Shania na kumain sila sa labas bilang pagsasaya rin sa muli nilang pagsasama rito sa Pilipinas. Minsan na rin naman siyang dinalaw sa US ng kaibigan at naglagi ito ng dalawang linggo kasama siya pero una at huli na nilang pagsasama iyon at ngayon na lang ulit sila nagkasama at may malaking pinagdadaanan pa ang kaibigan. Tumunog ang cellphone ni Shania habang kumakain sila kaya sinagot na niya kaagad iyon dahil si Lee rin naman ang tumawag. “Bakit, Lee?” tanong niya kaagad sa tumawag. “Where are you? I get bored, and I want to have fun,” tugon ni Lee at halata sa boses na buryong-buryo na sa buhay. “I’m with Angelu. Kumakain kami sa restaurant.” “Sana sinama mo na lang ako para kahit paano ay hindi ako ma-bored nang

