LUMABAS na muna si Shania sa kwarto ni Zanray at naghanap siya ng malayo-layong upuan sa hallway para doon umupo dahil tumawag sa kaniya si Xander. Araw-araw siyang tinatawagan ng asawa at talagang binibigyan siya nito ng oras para magka-usap sila. Miss na miss na ni Shania ang asawa pero hindi pa ito makakauwi at isang-linggo na siyang nasa ibang bansa habang siya naman ay pabalik-balik sa Ospital matapos ang leave niya sa trabaho. Umaayos na rin talaga ang lagay ni Zanray at nagiging masigla na rin ito. Hindi na rin siya nito masiyadong hinahanap lalo na kapag minsan ay hindi siya nakakapunta dahil sa pagod sa trabaho. Nag-umpisa na kasi ang ginagawang advertisement ng kompanya at tumutulong din siya lalo pa at executive assistant siya ni Xander at kaibigan din niya si Angelu. Nagpapad

