HABANG naliligo sa malamig na tubig mula sa shower sina Shania at Xander ay patuloy ang maalab na paghahalikan nilang dalawa. Naramdaman ni Shania ang paghahaplos ng kamay ni Xander sa lahat ng bahagi ng katawan niya, maingat at walang halong panggigigil at dama niyang walang pagmamadali sa haplos na iyon kahit pa nararamdaman niyang unti-unting nabubuhay na ang nasa gitna ng bahagi ng hita ng asawa. Nang humiwalay ang labi nila sa isa’t-isa ay pinatalikod siya ni Xander at kinuha nito ang sabon saka maingat na sinabunan ang buong katawan niya. Lahat ng parte ng katawan niya ay nahaplos na ng asawa pero hindi pa rin siya nito inaangkin kahit dama niya ang pagn*nas* sa ng katawan nito. Kahit naman siya ay nararamdaman na iyon subalit hinahayaan niya na lang ang asawa sa nais gawin. Kumu

