HINDI pa natatapos ang reunion party ay nag-aya na si Shania na umuwi. Gustong makasama ni Shania si Xander na sila lang dalawa at nang makauwi sa bahay ng magulang, ay nagpaalam na rin siyang uuwi na sila. Nabigla pa nga ang pamilya ni Shania at gusto na munang maglagi sila kahit isang gabi sa bahay kaso nagdahilan siyang may mahalaga silang aasikasuhin sa kompanya ni Xander kinabukasan, na inayunan na lang din ni Xander kahit alam niyang nagtataka na ito sa pag-alis nila kaagad. Ngayon ay nasa biyahe na sila at nasisigurado niyang gabing-gabi na silang makakauwi sa bahay nila. “Bakit ba nagmamadali kang umuwi? Akala ko magtataga tayo sa party dahil nakasama mo ang mga kaibigan mo, na matagal mo nang hindi nakikita?” usisa ni Xander sa kaniya. Kanina pa sila tahimik habang nagbabiyahe

