HANGGANG matapos ang oras ng trabaho nina Shania at Xander ay hindi pa rin sila nagpapansinan mag-asawa at kung masama ang loob ni Shania, ay mukhang hindi rin papatalo ang asawa dahil ni tingin ay hindi nito ginawa kahit magkasabay na silang sumakay ng elevator pababa ng parking area. Inunahan pa siya nitong lumabas ng kotse na ikinainis niya. Nang makarating sila sa kotse ni Xander ay huminto siya at hindi na muna pumasok sa loob ng kotse, hindi katulad ng asawa na kaagad na pumasok at pinaandar ang makina ng sasakyan. Hindi siya pumasok kaya napatingin na sa kaniya ng asawa na nakasimangot pero nakipagtitigan lang din siya rito. Binuksan ni Xander ang bintana at sumilip lang doon. “Can you get in the car so we can go home and rest?” may inis na sabi nito sa kaniya pero tinaasan niya

