DAHIL iniwan na naman si Shania ni Xander sa penthouse nito at inabot na ng dalawang araw wala pa ang asawa ay si Salve ang laging nakakasama niya at para naman hindi makaramdam ng matinding lungkot ay namamasyal siya sa buong isla kasama si Salve na nagbibigay naman ng oras sa kaniya kapag hindi ito abala sa trabaho. Mabait din kasi ang General Manager ng hotel at walang iba iyon kundi ang kapatid ni Xander na si Ezequil at minsan na rin siyang dinalaw nito sa penthouse para kausapin at nag-utos kay Salve na samahan siyang mamasyal sa isla. Pero ngayon ay mag-isa lang si Shania na lumabas ng penthouse dahil ayaw naman niyang abalahin na si Salve kaya sinabihan na niya ito sa text na huwag na muna siyang samahan at gusto na muna niyang mag-isa na mamasyal at hindi naman ito namilit. Bag

