ALAS-TRES na ng hapon nang magising si Shania. May pagkain na ring nakahanda sa katabing mesa ng kama ni Xander kaya nang makaramdam ng gutom ay kinuha niya ang tray ng pagkain saka kumain. Matapos kumain ay sa banyo na hinugasan ni Shania ang pinagkainan at naisipan na niyang lumabas upang ibaba ang pinagkainan saka hahanapin din niya si Salve para may makausap naman siya at nakakaramdam na rin siya ng pagka-buryo. Sa kusina ay naabutan niyang nakaupo si Manang Karing na binigyan na niya kaagad ng magiliw na ngiti. “Manang, nasaan po si Salve?” tanong niya sa matanda. “Ang alam ko ay lumabas siya. Isinama ni Xander at may bibilhin daw sa mall,” tugon naman ni Manang Karing. “Ah, sayang hindi ako nasabihan. Sumama sana ako dahil may ipapabili ako,” nanghihinayang na tugon niya. “May

