TOTOO nga ang sinabi ni Xander. Dahil simula nang pagsabihan ni Xander ang ina nito ay hindi na si Shania simula noon ginulo ng ginang at kung magkakasabay sila sa pagkain o magkakasalubong saan mang bahagi ng mansion ay pinupukol na lang siya ng matalim ng tingin ni Jasmina. Wala nang anumang lumalabas na masamang salita mula sa bibig nito at hindi na rin kahit daliri nito dumampi sa balat niya kaya kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwang. Isang linggo na si Shania sa mansion kasama si Xander, na minsan ay umaalis dahil may mahalagang inaasikaso sa kompanya ng Lolo Alonzo niya at hindi natuloy ang pag-alis ng mga ito patungong US dahil may mas mahalaga pa raw gagawin sa kompanya nila rito sa Pilipinas. Kahit hindi niya pinapansin ang asawa ay mukhang balewala lang naman dito at h

