ISANG-LINGGO nang walang malay si Shania. Muntikan na itong mapahamak dahil maraming dugong nawala sa katawan nito dahil sa pagkakunan at kinailangan pang masalinan ang asawa ng dugo para mailigtas ang buhay nito. Napabuntonghininga si Xander habang pinagmamasdan ang walang malay na asawang nakahiga sa kama. Ligtas na si Shania pero nag-aalala pa rin siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Ang sabi naman ng Doktor ay dala marahil ng panghihina ng katawan kaya hanggang ngayon ay hindi pa magkamalay at sinigurado naman na wala na ito sa bingit ng kamatayan. “Iho, ako na muna ang bahalang magbantay kay Shania. Mabuting lumabas ka na muna at kumain dahil kaninang umaga ka pa hindi kumakain. Baka ikaw naman ang mapahamak sa ginagawa mo,” sabi ng Mama ni Shania na kasama niya

