bc

NOURISHED

book_age16+
565
FOLLOW
2.1K
READ
contract marriage
family
second chance
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
coming of age
first love
like
intro-logo
Blurb

Desperate to have Dayzy for himself, Yuri Benjamin Gomez, the eldest of the Gomez siblings who practically owns an empire in Construction Business made a business deal with Dayzy’s Father and brother.

Without her knowing anything about the downfall of their business, Dayzy continued to live her luxurious life until the time she has to do her brother and father’s part of the business deal.

Yuri is the brother of her bestfriend and she knows him as a timelined man. She has known him to be always responsible and mature. Very strict and conservative. And she has got a crush on him despite their age difference.

However that feeling towards him later turned into wrath and resentment.

She only thought of the idea of how she has been played at and treated unfairly.

But was she treated really unfairly? How can years of planning and nourishment destroy the purest of intentions?

chap-preview
Free preview
UNA
Nourished #Una 2005 "Kumusta si Mandy?" humahangos na tanong ni Kaye sa mga kaibigan. Napatingin naman sina Pepper at Dayzy sa kanya na magkatabing nakaupo sa canteen. "Absent daw sabi ni Gin," Pepper said. Naupo na lang si Kaye sa bakanteng silya. "Si Gin?" mamya ay tanong nito. "Nandoon, nakapila na para sa pagkain," turan naman ni Dayzy. "Dalawin natin after school si Mandy?" Kaye asked after taking her seat. Tumango na lang sina Pepper at Dayzy. Mamya ay dumating na si Ginny hawak ang tray ng pagkain kasunod nito ay isang staff ng canteen na hawak din ang isa pang tray. Recess nila at dahil hindi sila magkaka-classmate this year ay tuwing breaktime lang sila nagsasama-sama. Classmates sina Pepper at Dayzy, sina Ginny at Mandy ay sa ibang section din at si Kaye ay mag-isa na napadpad sa iba ring section. One month na mula nang mamatay ang parents ni Mandy sa car accident at every now and then ay nag-aabsent ito dahil nade-depress. Bumili ng sandwiches si Ginny. May french fries pang kasama at puro iced tea na may lemon. Tuesday ngayon kaya siya ang taya na bumili ng pagkain nila. Kapag Monday ay si Dayzy, Tuesday si Ginny, Wednesday si Kaye, Thursday si Mandy at Friday si Pepper. At napagkasunduan din nila na kung sino ang taya siya ang magdedecide ng bibilhin at syempre pa ang iced tea nila lagi ay may lemon kasi favourite ito ni Ginny. Alas singko y medya nang makompleto sila sa parking ng school. At dahil hatid-sundo naman si Kaye ay sasakyan niya ang ginamit nila. General ang Daddy ni Kaye at mahigpit ang bodyguard niya, kaya mainam nang sa sasakyan niya sila sumakay para wala ng tanong-tanong ang bodyguard nito na si Daniel. "Manong Robert kina Mandy po tayo," utos ni Kaye sa driver niya. "Eh, Ma'am, nagpaalam ka na ba sa Daddy mo?" tanong naman nito. "Manong Robert, nagpaalam na ako," sabi ni Kaye sa driver nito at saka tumingin sa bodyguard niyang nakaupo sa harap din ng Van kahit na sa totoo lang ay hindi pa siya nag-tetext sa Daddy niya. Nagtinginan ang mga kaibigan niya at pigil matawa. Kahit kailan talaga pasaway itong si Kaye. Mamayang konti pa ay nakarating na sila sa bahay nila Mandy. Nag-text na sila kanina dito at sinabing dadalaw sila. Ang Kuya nitong panganay ang nagbukas ng gate. Nakakunot ang noo nito. "Puntahan niyo na lang siya sa kwarto niya," sabi nito at saka sila tinalikuran matapos pagbuksan ng gate. "Sungit," bulong ni Dayzy at lumaki ang mga mata nito nang huminto si Yuri para tignan siya. Hindi nito alam kung ibababa ang tingin sa mapagusig nitong sulyap. "Si Kaye ang masungit," dugtong ni Dayzy sa naunang nasabi. Napailing nalang si Yuri at tinungo ang kusina. "Nanay Mameng, pakihandaan ng meryenda ang mga pasaway," Yuri called out to their maid. Naghagikgikan sila at nagsitakbuhan para puntahan si Mandy sa kwarto nito. "Bruuuuu," they greeted her. Nagtanggal agad ng sapatos si Pepper at tumalon-talon sa kama nito. Naupo lang naman si Kaye sa upuan na malapit sa bintana. Para kasi itong militar gaya ng Daddy nito. Nahawa sa military posture. Samantalang si Dayzy naman ay tumabi sa kama sa nakahigang si Mandy at si Ginny naman ay umupo sa upuan patalikod sa vanity mirror para humarap sa kanila. Mandy's face was pale. Makikita mo ang stress at lungkot sa mukha nito. "Huy, ok ka lang ba?" Dayzy asked. Kung meron mang touchy sa kanilang lima ay si Dayzy yun. Kaya di na nakapagtatakang nasa tabi ito ni Mandy ngayon. "P! Maupo ka nga! Nakakahilo ka," sikmat ni Mandy kay Pepper. "Oo na," patalong naupo sa kabilang side ng kama si Pepper. "Gusto mo ba, absent narin kami bukas? Bakasyon tayo? 5 days?" Pepper said wickedly. Binato ni Dayzy ng unan si Pepper. Di kasi ito pala absent. "OO nga, tapos naman na ang exams! Absent na tayo," gatong ni Ginny. Tumingin si Pepper kay Kaye para sa sagot nito. "Saan ba?" Kaye asked with her eyes narrowing, ito kasi ang pinakamahirap ipaalam sa kanilang lima. "Sa Baguio? Diba nandoon ang flower farm nila Dayz?" tanong ni Pepper saka kinindatan si Kaye. "Solved! Papayagan ako ni Daddy basta sa resthouse namin tayo tumuloy," Kaye said at nag-thumbs up pa. May resthouse din kasi sina Kaye doon kaya walang alinlangan itong  sumangayon. Matapos non ay lumingon ang tatlo kay Dayzy na iiling-iling. "Fine!" she said. Hindi na nila tinanong si Mandy dahil kakaladkarin nalang nila ito. "Paalam na natin siya sa mga askal," Ginny said laughing. "Dayz! Ikaw na magpaalam kay Yuri," utos ni Pepper. Di nila tinatawag na kuya ang apat na kuya ni Mandy. Nakakatanda daw kasi, mga gwapo pa naman sayang daw. "Bakit ako?" she said defensively. "Crush mo naman siya eh, lambingin mo," ngisi ni Ginny. "Ayaw ko nga," Dayzy said. "Sige ka sasabihin naming crush mo," banta ni Kaye so Dayzy just rolled her eyes in defeat. "Tapos na kayong magplano? Alis na," taboy ni Mandy sa kanila saka nagtalukbong ng kumot. "Bangon na dyan, may meryenda na sa baba," Ginny said as she headed to the door. Ginny is the definition of gluttony kaya hinila na lang nila si Mandy papunta sa kitchen.  YURI'S POV I was busy working on the dining table, focused on my laptop, when I heard the girls walking towards the kitchen. Sa kabilang dulo ng mesa ay ang meryenda na pina-prepare ko kay Nanay Mameng. As usual si Ginny ang nangunguna. She's the smallest of the group but she eats a lot. Kaya di na nakakapagtaka kung lagi itong nasa unahan basta pagkain ang usapan. Dumulog sila sa mesa kaya napunta ang atensyon ko sa kanila. "Kayo lang pala ang makakapagpabangon dyan." I said looking at my sister who was already pouting at me. I was trying to understand her. Hindi naman kasi talaga madali ang mamatayan ng magulang. Lalo na at siya ang baby ng pamilya namin. I saw Pepper nudge Dayzy. Alam kong may balak na naman ang mga ito. So when Dayzy started to talk I was all ears. "Aakyat kami ng Baguio," she started. Si Kaye ay nasamid bigla sa iniinom nito. I was observing them and they were all frowning at Dayzy. "Happy trip," I just said. "Kasama si Mandy kaya payagan mo na siya." Ngayon naman ay pigil ang tawa ni Ginny kay Dayzy. Dayzy's way of asking permission is just phenomenal. "Nagpapaalam ka ba o nag uutos?" I asked her. Hindi ko alam pero sinasadya ba nilang si Dayzy lagi ang nagpapaalam para kay Mandy everytime na may balak silang puntahan? Ngumiti ito sabay peace sign sa akin. "Nagpapaalam," she said blushing. Dayzy is Mandy's age. Half Chinese pero hindi ito singkit. So it must be because she got her eyes from her mother. She's tall and beautiful. They all are. They have different beauty but Dayzy's beauty for me is a notch higher than the others. Hindi ko nga lang pwedeng sabihin siguradong aawayin ako ng mga ito. "No," I said at itinutok ulit ang mga mata ko sa laptop ko. I was waiting for a rebut. Lagi naman kasing may counter attacks si Dayzy. She's also smart. Too smart that sometimes I wanna cut her tongue. "Come on," mamya ay ungot nito. She was talking to me like I was her age. She always does. I find her mature whenever she talks like this. "She needs fresh air, ikaw na rin nagsabi na ayaw niyang lumabas sa kwarto niya, ngayon at dadalhin naman namin siya para makalimot, pinipigilan mo pa." Everybody was silent. I looked up to look at Mandy. Tahimik lang ito. Gone were the days na madada ito. I heaved a sigh. "Ok promise me you girls behave!" I said and they all squealed. "And no boys," I added, looking particularly at Dayzy and I do not know why. Everybody squealed again except her as she mouthed thankyou. I frowned at her not voicing out her thanks. Her eyes were locked to me and her gazes almost touched my soul. "Thanks boyfie," Mandy said already encircling her arms around my neck and kissing my cheek. That broke the spell.  "f**k," I silently cursed.  "Not Dayzy idiot, what are you? A cradle snatcher? A pedo?" pangaral ko pa sa sarili ko. "When are you planning to leave?" instead I asked them to divert my stupid thoughts. "Tomorrow," was Kaye's immediate answer. "Tomorrow is Wednesday and you girls have classes," I creased my forehead. "Oi oi oi, boyfie pumayag ka na, wala ng bawian," Mandy said smiling wickedly. Basta talaga lakwatsa wala itong inuurungan. Pinanganak yata itong anim ang paa dahil hindi mapirmi sa isang tabi. I looked at my sister. Her mood suddenly changed, as I looked at her pale face I could see her excitement. I just couldn't wipe away Mandy's excitement from her face, could I? "Sino ang kasama niyong Adult?" mamya ay tanong ko na lang. Of course I needed to ask. They are still 14 years old.   "Ooops, where to little freaks," I rolled my eyes when I heard my brother Theo speak from behind them as he emerged from the kitchen door. "Boyfie," Mandy immediately clung around his neck. Minsan nagseselos ako dito kay Theo eh, parang mas mahal siya ni Mandy. The other girls however snorted. "What's with the faces freaks," ulit nito. Again, the girls rolled their eyes in unison. Theo laughed. "Ok, fabulous then," he smirked and the girls just smiled. They call themselves the Fabulous 5, but Theo preferred calling them the freak 5 just to annoy them. "So saan ang lakad?" Theo said taking the seat next to Dayzy and even grabbing away Dayzy's sandwich. "Can't you get your own sandwich Theo? Your manners seemed to have evaporated," I said sternly. "Nahhh, Dayz' sandwich is better," sabi nito at kumagat ulit. "Akin na ‘yan, gumawa ka ng sa'yo," Dayzy said grabbing back her sandwich. Tumawa lang ang kapatid ko at inakbayan si Dayzy. "Hatid kita mamaya, may sasabihin daw si Ren sa akin," he said looking at Dayzy. Ren is Dayzy's older  brother. "Ako di mo ihahatid Theo?" pabirong sabi ni Ginny. "Of course baby freak, ihahatid din kita kung gusto mo," Theo said na umani ng bato ng tinapay mula kay Ginny. "Ako na lang ang maghahatid sa'yo Ginny babes," mula sa pinto ay bumungad si Adam. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay dumating na rin si Caloy. Kaya lalong kumunot ang noo ko. My brothers adore Mandy's friends. At close silang lahat and I wonder why. Ako lang ang may pader na nakaharang sa kanila. Am I too uptight? Nakinig na lang ako sa usapan nila. Tumayo si Kaye. "Ang dami niyong satsat. Ako ang maghahatid sa kanila, ako narin susundo sa kanila bukas. Isasama ko si Nanay Linda at kung pwede Mandy isama mo narin si Nanay Mameng para di maboring ang yaya ko.” I stared at Kaye. Naghahanda na itong umalis. "Uwi na tayo, salamat sa meryenda," sabi nito at tumalikod na. "Ba-bye na daw! Baka iwanan tayo nun," Pepper said at saka hinalikan si Mandy sa pisngi. Tumayo narin ang iba pa at si Theo maliban sa amin ni Adam. "Sabay ka na sa akin Dayz," Theo said and helped her carry her books. "Sandali papaalam lang ako sa kanila," she said and run after her friends. The moment Dayzy was gone I just said three words to my brother. "Not Dayzy, Theo." Adam who was eating looked at me confused and so was Theo. "She's special," I added and left my brothers with their mouths half open.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook