NOURISHED
#Pang-apat
Dayzy’s POV
It was rectangle. It was wrapped beautifully and somehow I know what the gift was.
It was a book.
Napangiti ako. Unang ginawa ko ay inamoy ito. The smell of new books really satisfy my soul. Adik na kung adik but I believe that not everyone who loves reading really appreciates books as much as I do.
If I were to be asked of my idea of peace I will not hesitate to answer that my idea of it is reading my books under a tree. Gan’on ko kamahal ang magbasa.
So the gift was more than appreciated. I loved it. I wonder though how he knew about my love in reading books.
'Maybe he asked Mandy?'
Then I read the title.
'Lady in waiting'
Hindi ko mapigilang ngumiti. Why does the title have an impact on me? Tapos ngayon naiiyak naman ako, a tear slipped my right eye. Bakit pakiramdam ko it was more than the title? Posible ba na gusto niya akong maghintay sa kanya?
'Becoming God's best while waiting for Mr Right?' Ang nakalagay sa ilalim ng title and I just couldn't shrug off the idea that he's my Mr. RIGHT. Deep within my depths, he already is.
Before I could formulate a lot of weird thoughts I grabbed my phone to text him Thank you.
--------------
To: YB Gomez-crush
Hey thanks for the ‘other’ gift.
--------------
But snob as he is, hindi na siya nag-reply. Matapos akong mag-toothbrush at maligo ay binuklat ko ang libro. There I saw a note. Written in a cursive way. Ewan ko but I find it hot. Men who write in cursive are hot.
‘Baby.’ Was all that was written, binaliktad ko pa ang note pero wala na talaga.
‘Baby lang?’ Letse ang haba ng note!
‘Walang-hiya ka Yuri!’ Gusto kong isigaw pero parang clogged ang lalamunan ko. One word but it hit me hard.
'Mag-aassume na ako. Crush ako nito!' I said at nagtatalon na ako sa kama ko na parang timang, bakit ba? Sa kinikilig ako eh.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para makita kung nag-text na siya pero wala pa rin. Para tuloy akong hinila ng kumunoy at nagising sa kilig na nararamdaman ko. He didn't even bother to reply. Wala siyang care! Hayssst.
Gan’on pa man, I slept well that night.
Morning came and I was happy. Wala pa rin siyang text pero baby naman daw niya ako so there is something to rejoice about ‘di ba?
"Yayaaaaaa!" bati ko kay yaya Rosa nang makita ko siyang naghahanda ng breakfast.
Ngumiti ito. "Halika na," she said placing a plate on the table.
"Masaya ka yata?" she asked.
"Lagi naman akong masaya 'ya," I said even hugging her. Katabi ko lang kasi siya.
"Mabuti," she smiled.
"Tawagin mo na po sina ate Lyn, Maricar at Ate Badeth," sabi ko sa kanya na tinutukoy ay ang aming mga katulong para sabay-sabay na kaming mag-breakfast.
"W-wala sila, pinagbakasyon ng daddy mo."
"Sabay-sabay? So ikaw na ang superwoman 'ya," sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Mag-isa ka lang naman dito at ‘di ka naman makalat," she said sitting in front of me.
"Kain na 'ya," I said.
"Tapos na 'nak." she said at ewan ko lang pero mukha siyang malungkot. Hindi ko na lang siya tinanong baka kasi pagod lang, mag-isa ba naman sa bahay minus the 3 katulong.
May pumitada na sa labas ng gate, alam kong sina Pepper na ‘yon. As usual sabay kami.
"Bye 'ya," sabi ko sabay takbo palabas. Iba ang kotse na nasa harap. Puti ang usually gamit ni P samantalang ito ay black.
I still went to open the door at the backseat. It was locked. I stepped back. ‘Gosh, mali pa yata ako ng hinala. Baka hindi nga sina Pepper 'to?’
I stepped another leg backwards sabay peace sign sa kung sino man ang driver.
Then the window of the shotgun seat rolled down.
"Hahahahaha! Epic fail ka bru," was Pepper's greeting.
Lumaki ang mga mata ko. "Ano’ng ginagawa mo?" I asked, alam kong wala siyang lisensiya para mag-drive.
She unbuckled her seatbelt at umibis palabas. “Huwag kang OA, ako lang naglabas ng sasakyan, parating na si ina." she said.
"Kaninong car ‘yan?" I asked now calmer.
"Sa office ni ama," she answered. So maliwanag pa sa buwan na sa kanila rin ‘yon. Sa kanila naman ‘yong office ni Tito James eh.
"Ready girls?" mamaya pa ay bungad na ni tita Carla, ang mommy ni P.
Tumango na lang kami at nagsipasukan sa kotse.
Nasa parking na kami ng school naghihintay kay Mandy at Ginny nang dumating si Mandy at jusko ibang kotse rin ang gamit.
‘Yong kotse ni Yuri. So malamang si Yuri ang driver?
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Si Caloy kasi ang naghahatid dito kaya bakit si Yuri ang naghatid ngayon?
"Hi freaks," was Theo's greeting. Ok nagkamali ako, I was expecting Yuri as the driver kasi car niya naman itong nasa harapan namin ngayon.
At maaring si Caloy din pala kasi ito naman ang naghahatid kay Mandy at baka hiniram lang ang car ni Yuri pero si Theo? Malabo. Mahal na mahal nito ang sasakyan niya, so what happened?
"Ano’ng nangyari kay Scarlet?" I asked na tinutukoy ang bininyagan niyang kotse. Hindi kasi siya sinagot ni P at Kaye kasi tinawag na naman kaming freaks.
"Pina-detail ko," he said. As if alam ko naman ang sinasabi niyang detail.
"Bye boyfie," Mandy said at saka humalik sa pisngi ng kuya niya mula sa bintana.
Nakalabas na kasi ito kaya umikot na lang para itaboy ang kuya niya.
"Bye freaks," sabi nito ang sped off.
"Si Ginny?" Mandy asked right away.
"Nandito na ako," sigaw ni Ginny na tumatakbo.
"Saan ka galing?" Kaye asked.
"Sa bahay," she said stupidly.
"Tanga, ang sabi ko bakit walang naghatid sa 'yo," Kaye gritted her teeth.
"Makatanga naman ito! Nag-jeep ako!" she said and we just nodded. Ginny even on her heels will not back down to public transport. Sa aming lima siya lang ang naka 2.5 inches heels sa shoes. We are still in highschool but she wears it like a pro. Hindi naman sa bawal sa school pero wala naman kasing nag hi-heels sa amin. Siya lang. She is the shortest among us kaya we thought it was her way to hide her height.
"Brusss, since malapit na ang finals, ayusin na ang mga requirements." I said. Panigurado kasing itong mga kasama ko saka lang gagawa ng projects a day before the set passing date.
"Opo Ma," they chorushed. Iniinis na naman nila ako. They call me Ma whenever I remind them of their student duties. Inirapan ko nga sila as I walked ahead.
"Hindi na ako magtataka kung hindi na naman tayo magkaka-classmates next year!" I stopped and threw them an annoyed look.
I am in the gold section with P. Dito tinatapon ang mga matataas ang average like us. The other lower sections however have no classifications. They were just divided into 3 sections. And too bad hindi pa nagsama-sama ang mga friends ko sa isang section. Magkasama sina Mandy at Ginny samantalang si Kaye ay mag-isa sa isa pang section.
"Alam niyo namang sa gold section lang ang chance nating magkaka-classmates lahat, hindi pa kayo nag-aral ng mabuti," sermon ko pa sa kanila.
As usual they just giggled. Kakainis talaga sarap nilang hambalusin ng takong ni Ginny.
"Mahirap naman kung lahat ng magaganda nasa gold section na," Mandy answered.
"Or mga sexy," Ginny supplemented.
"Or mga rich, feisty kids," ngisi ni Kaye.
"Conceited,," irap ko sa kanila at binalingan si P. "Tahimik mo?" I asked her.
"Masakit puson ko, ‘wag kayong magulo," she snapped at us and we understood her. Hindi na lang kami nag-ingay pa as we headed to the school grounds para sa flag ceremony.
Finals is over and everything was proceeding really well except that my parents stayed in Baguio. Si kuya Ren lang ang sumasaglit para ma-check ako.
"Sina Mommy? I asked him nang makapasok kami ni P sa sasakyan niya.Sa amin din sumasabay si P kapag ako ang may sundo.
Officially tapos na ang school year at bakasyon na bukas.
"Busy pa doon," he answered.
"Kuya Ren, pwedeng padaan ako sa office ni ama?" tanong ni P mula sa backseat.
Tumango lang si Kuya, mukhang malalim ang iniisip.
Walang imikan on the way home, naihatid na namin si P sa office ni tito James. Mukhang may iniisip si Kuya kaya ‘di ko na siya ginulo pa. Pagod din naman ako kasi katatapos ng last exam ko.
Bago kami makauwi sa bahay ay may tumawag kay kuya.
‘Yuri Gago-rin,’ ang nakasulat na tumatawag sa screen.
May cp holder kasi si Kuya na nakakabit sa dashboard niya kaya kita ko ang caller.
Inabot ni kuya ang tawag.
"Papunta na, hahatid ko lang ang prinsesa namin sa bahay, I know you wouldn't mind me being late because I am taking home our princess right?" I heard kuya say to whoever this Yuri Gago-rin was.
"I can tag along kuya, I don't mind," sabi ko kay kuya pero sinamaan ako ng tingin at pinatayan ng cellphone ang kausap. I raised my hands in surrender, pag kasi matalim na ang tingin ni kuya ibig sabihin masama ang mood nito so better back off.
"Eat dinner ahead, ‘di ako makakauwi agad to join you," he said.
Tumango na lang ako, hindi na bumaba pa si Kuya and drove off once we arrived at home.
Sinalubong ako ni Nanay Rosa. Nakakalungkot pero ‘di pa bumabalik ang ibang katulong. Kawawa tuloy ang yaya ko.
"Maghanda ka, aakyat daw tayo ng Baguio," sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Huh? Wala naman pong sinasabi si kuya."
"Bukas pa naman, bakit ‘di niya ba nabanggit sa 'yo?"
Umiling ako. Ang labo lang ni kuya, parang wala sa mundo ang utak.
The next day ay si Sage ang dumating na sundo namin. Si Kuya ay di umuwi kagabi.
"Princess D," bati nito sa akin.
Sage Tan Sarmiento is the 2nd of three brothers. Si Saffron ang eldest at si Aster ang bunso pero rarely na tinatawag ko silang Kuya, kapag naglalambing lang ako at may kailangan.
Gaya ngayon, "Kuya Sage," umpisa ko with matching smile.
He frowned at umiling-iling.
"What do you want princess?" he asked habang inaayos ang luggage namin ni Yaya Rosa sa trunk.
"May problema ba ang pamilya?" diretsong tanong ko.
Hindi ako mahilig magpaligoy-ligoy pa. My parents and my brother have been in Baguio all the time. It made me think may problema sa farm.
"Other than the handsome cousins of yours princess my iba pa ba?" he asked now grinning.
"Kuya alam ko namang gwapo kayo pero ‘di naman problema ‘yon! Ang tanong ko ay kung may problema ba sa farm?"
He, in a moment stared at me. Mukhang nag-iisip. "Nothing that the family can't take care of," he said at ginulo ang buhok ko.
Wala rin akong napala, nagtanong pa ako.
Nag-post na lang ako ng status sa sss na I am going up to the City of Pines. Mas may sense pang mag-f*******: na lang kaysa kulitin si kuya Sage.
Matapos akong mag-post ay isinilid ko na sa bag ang phone ko.
"Sage," balik atensyon ko sa pinsan ko. Katabi nito si Nanay Rosa sa harapan. Mag-isa ako sa likod para pwede ako humilata.
"Hmmmn?" he acknowledge.
"Drivethru," sabi ko kasi wala akong makutkot. Nag-breakfast naman ako sa bahay kanina pero gusto ko pa ring kumain.
"Alright," he said and went to the nearest drivethru.
Nang makarating kami ng Baguio ay sa bahay nila Sage kami tumuloy, agad na sumalubong si Auntie Abby.
Masaya ko naman siyang binati pabalik pero gusto ko na rin makita sina Mommy.
"Auntie alis na Rin kami agad ni Yaya Rosa, miss ko na sina Mommy." I said nang kumalas ako ng yakap sa kanya.
"Hay nakO Dayz, ‘di mo ba alam na under renovation ang farm house niyo? Hindi ka pwede pumunta roon at maalikabokan ka lang. Pinagpaalam na ng daddy mo na dito ka muna sa amin." mahabang litanya nito.
Gusto ko pa sanang magtanong pero sinarili ko na lang kasi itong si Nanay Rosa mukhang pagod din sa byahe.
"Gan’on po ba?" I just asked sadly.
"Get a rest, dito naman magdidiner ang mga magulang mo," she said smiling at me.
Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa pa ‘di ba?
"Si Aster po?" I asked. Siya kasi ang pinaka-close ko sa mga Sarmiento brothers.
"Nasa farm pa," auntie said and I already felt bored. Ano pa at nandito ako sa Baguio kung wala naman akong makausap maliban kay Auntie Abby?
"Sa kwarto lang ho ako," paalam ko and graced my way to the guestrooms.
Agad akong nahiga at kinalikot ang cellphone ko. I checked sss for notifs and also checked my messages. There were 4 messages.
--------------
MESSAGE 1
From: GINNY-Bff
Ang bilis naman ng luwas mo? Iyan ang wlang plano sa summer ha?
--------------
MESSAGE 2
From: MANDY-Bff
Bruuuuu, nagpunta din si Kuya the love of your life sa Baguio… hehe :)
--------------
Napakunot ako ng noo sa text ni Mandy pero as usual may halong kaba at excitement. Pero kinulang na yata ako ng hangin nang mabasa ang pangatong text.
--------------
MESSAGE 3
From: YB GOMEZ-Crush
I’ll see you when I get the chance Baby.
--------------
Hindi na muna ako nag-reply sa kanila at binasa ang huling text. It was from my brother.
-------------
MESSAGE 4
From: Kuya REN
Text me when you reached Baguio Princess.
--------------
Ngunit hindi pa naman ako nakaka-reply sa kanya ay tumatawag na ito.
"Hello Kuya?" I answered.
"Dayz," he said and heaved a sigh.
"Kuya?" patanong kong sagot.
"Diyan ka muna kina auntie ok?"
"Yeah, nasabi na sa akin kanina ni auntie at under renovation daw ang farm house."
"Oo, kita na lang tayo mamayang gabi, diyan kami magdi-dinner. Pauwi na si Aster, huwag ka nang ma-bored. Kulitin mo na lang siya mamaya."
"Nandito ka na rin sa Baguio Kuya? Bakit ‘di ka na lang pala sumabay sa amin kanina?" I asked.
"Kagabi pa ako nakabalik right after my meeting."
"Ok," sagot ko dahil wala na akong ibang maisagot pa.
"Sige magpahinga ka na," he said and cut the line.
Napatitig ako sa cellphone ko. I know something was wrong. Pero ano naman kaya ‘yon?
Ni-reply ko na lang si Mandy.
--------------
To: MANDY- Bff
Waaaaaaaaaaaaahhh, ano ang ginagawa niya dito? Sinusundan ba ako?
--------------
From: MANDY-Bff
Sige umasa ka, iyon na lang ang libre sa mundo ngayon bruuu. For all we know, nasa business trip siya as usual. At ‘di ka naman business kaya hindi ka niya trip.. LOL :)
--------------
To: MANDY- Bff
Isang malaking TSEEEEEH sa ‘yo!
--------------
Matapos kung ma-send iyong huling reply ko kay Mandy ay si Ginny naman ang ni-replyan ko.
--------------
To: GINNY-Bff
Biglaan nga Bru, pinag-empake nalang ako bigla!
--------------
From: GINNY-Bff
Ohhh, ok! ‘Yong peanut brittle ko ha? Strawberries na rin. Hahaha Love you Bru :)
---------------
To: GINNY-Bff
Mukha kang pagkain, sa dami nang nilalamon mo, hindi mo naman itinangkad!
--------------
From: GINNY-Bff
Pakyu!
-------------
To: GINNY-Bff
Pakyu too Bru! Bleeeh!
-------------
At syempre pa si Yuri ang ni-replyan ko panghuli.
--------------
To: YB GOMEZ-Crush
Nandito ako sa Baguio. Paano mo ako makikita?
--------------
From: YB GOMEZ-Crush
I know Mandy already told you that I am here in Baguio too so do not act like you do not know Baby..
--------------
To: YB GOMEZ-Crush
ABAAAAAAAAA’T
--------------
From: YB GOMEZ-Crush
And please realize that right now you are blushingly cute.
--------------
Sa inis ko ay ‘di na ako nag-reply. Akusahan ba akong nagba-blush? The nerve of that guy.
Pero kinikilig ako wahahahahahaha!
‘Kailan ko naman kaya siya makikita?’ Ito ang katanungan ko bago tuluyang kainin ng tulog.