PAMPITO

2459 Words
NOURISHED #Pampito Dayzy's POV ‘Masarap ba Baby?’ ‘Masarap ba Baby?’ ‘Masarap ba Baby?’ Napabalikwas ako ng bangon. "Letsugas kang Yuri ka hanggang sa panaginip ko ikaw na ang bida!" sigaw ko. Tinatamad akong bumangon. Mula nang makabalik kami ng HongKong ay ‘di na siya nag-text. Tatlong linggo na. Gustuhin ko mang pumunta kina Mandy para makita sana siya pero sobra naman na akong die hard kung gan’on. Kahit na totoo pa. I just can't, ‘di naman ako brat gaya ni Mandy na ginagawa ang gusto o pasaway gaya ni Kaye na palihim na sinusuway ang daddy niya, o ni Pepper na malakas ang loob. Si Ginny? Isa pa ‘yon mas maparaan pa ‘yon. "Tcccchhh! Bahala nga siya! May pa-baby baby pang nalalaman," himutok ko habang kinukuskos ang sarili ko sa violet kong loofah. Pagkalabas ko ng banyo ay nagtext si P. --------------- From: Paminta Bruuuuu, halika dito sa bahay nagluto si Ina ng Caldereta at Bilo-bilo. :) -------------- Hindi na ako nag-reply pa, pupunta na lang ako doon, silence means yes naman ‘di ba? Gets na ni P ‘yon. Sabado ngayon at wala na naman ang mga magulang ko sa bahay. Pati si kuya tumira na yata sila ng Baguio. Naisipan ko na lang na ayain si P mamaya sa mall pagkatapos kumain. "Nanay Rosa! Mangangapit bahay lang po ako," paalam ko kay yaya. Nakabalik naman na ‘yong iba pa naming katulong so hindi na ako makokonsensyang iwanan siya. Hindi na siya mag-isa. Matapos kong akyatin ang mababang bakod nila P kasi ayokong mag-doorbell ay dumeretso na ako sa likod bahay. Diretso sa kusina kumbaga. Naabutan ko si Tita Carla na nagga-garden. Hobby niya kasi ito. Kaya dumadami ang taguan ng lamok eh, dahil sa mga halaman niyang malalago ang dahon. Pero infairness magaganda ang mga halaman niya. Kaya shut up na lang ako. "Tita," bati ko. "Oh Dayz," ngiti nito sa akin. "Makikikain po," sabi ko na ikinatawa niya. "Doon ka na sa loob! samahan mo si Pepper," mando nito sa akin. I nodded and made a half run towards the kitchen. Nandoon na nga si P at kumakain. "Tagal mo?" she asked. Kumuha na ako ng plato sa cupboard nila. Syempre alam ko na kung saan ang mga kagamitan nila. Wala naman kasi silang katulong na mautusan. Ang sabi ni P ayaw daw ni Tita ng kasama sa bahay. Kaya daw niya lahat gawin lahat mag-isa. Kaya siya na si wonderwoman! "Layas tayo mamya," aya ko kay P. Nabo-bored na kasi talaga ako. "Pupunta sina Dean dito mamaya kasama ang ibang groupmates namin kaya nagluto si ina ng bilobilo, ‘di pa namin tapos ‘yong groupwork sa biology. Kayo tapos niyo na?" she asked. "Oo naman," bored na sabi ko. "Eh di kayo na ang masipag," she said at sumubo ulit. "Ako na lang mag-isa mag-mall then," sabi ko. "Text mo si Yuri," ngisi nito. "Sus, ‘yon pa, 3 weeks nang ‘di nagte-text," ismid ko. "Wahhhhh! Hinihintay mo ang text niya?" "Hindi ‘no," I said blushing. "Eh bakit ka namumula?" she teased. Sinampal-sampal ko ang mukha ko. "Rosy cheeks lang," I said and she laughed of course. Kung may sing-laki ng NASA ang radar disk sa mga F5 ay siya ‘yon. "Text mo si Mandy," sabi pa nito. "Sumama daw kay Theo sa office," I answered. “Si Kaye naman nasa bahay daw si Tito kaya di makalabas. Si Ginny? Wala namang mangyayari sa amin kung siya ang isasama ko. Sa pagkain lang naman interesado 'yon.” She laughed, "sorry bru, busy mga bestfriends mo." "Right!" sabi ko and I stood up. "Eat and run ka ah?" she said. "Kaya mo nang maghugas," I said and gave her a peck. "Pabili ako ng statement shirt," habol nito sa akin, tumango na lang ako, ito kasi ang kinokolekta ni P ngayon. Matapos kong dungawin si Tita mula sa bintana at magpaalam ay umalis na ako. Palabas na ako ng pintuan nila nang dumating ang groupmates ni P na mga kaklase namin. "Oh Dayz, nandito ka?" Dean said when he saw me. "Lagi naman akong nandito," I smiled. "Doon na kayo sa loob bago antukin si P sa kakakain," sabi ko nang mabuksan ko ang gate. Nagtawanan sila at pumasok na. At naiwan na naman akong mag-isa. Bumalik ako sa bahay para kunin ang bag ko at makapagpahatid sa driver. 11:30 na nang makarating ako ng mall. Kahit almost lunch na ay ‘di ko na muna piniling kumain kasi kakakain ko lang kina P. Dumeretso ako sa bookstore. As the smell of books entered my nostrils, I smiled. Para akong mauubusan ng books kung makadiretso sa mga shelves. Bibili ako. It was a goal. Nakapili nga ako ng mga pito. Gusto ko pa sanang dagdagan pero medyo mabigat na, wala pa naman akong tagabitbit. Nang nasa counter na ako ay kulang ang pera kong 3000. Pero dala ko naman ang bagong credit card na bigay ni daddy. Actually gold siya katulad ng kay Mandy may nakasulat pa ngang GCard sa harap. GoldCard? Lol di pa kinumpleto ang pagkakasulat. Inabot ko ang credit card at ID pero binalik sa akin ang ID, di na daw kailangan. Eh di wow na lang. Pagkalabas ko ng bookshop ay alas-tres na. Kaya pala nakaramdam na ako ng gutom. Pag talaga nasa bookshop ako ay ‘di ko namamalayan ang oras. Pero before ako kumain I decided to enter a salon. Napangiti ako sa naiisip. Bahala na ang bakla mamya. I need to update my looks. "Sigurado ka Miss? Papakulot mo ang buhok mo?" The gay asked. Tumango ako. "Lagyan mo na rin ng kulay." I said. Mahaba at straight na black na black ang buhok ko. Hangang baywang ko ito. "Bagay mo kasi ang buhok na straight," the gay said. "Pero dahil magaling ako, keribels lang, maganda ka pa rin after." he said and laughed. Ma-kwela si bading kaya ang tatlong oras na make over at gutom, nakalimutan ko na. "Charrran," sabi ni bakla at inikot ang kinauupuan ko paharap ng salamin. Jusko, muntikan ko nang ‘di makilala ang mukha ko. Brown na ang buhok ko at ‘di na hangang baywang, dahil kulot na ito kaya umiksi nasa bra line na lang. And when I run my fingers in it, parang cottony soft. Layered ang bangs ko na kulot-kulot. Para siyang curtain, slightly hiding my face. I felt generous kaya binigyan ko ng malaking tip ang bading. Pagkalabas ko ng Salon ay isang damit sa mannequin ang nadaanan ko mula sa isang boutique. I stopped and looked at the price. 7000. I grinned, minsan lang naman ako mamili ng damit. ‘Di naman siguro ma-heart attack si daddy. I bought the dress and I was wearing it now. Hindi ko na hinubad. Kulay red ito. Off shoulder at hapit sa baywang making my breast looked fuller. Konti na lang ma-iinlove na ako sa sarili ko. Together with the dress ay suot ko ang bago ring shoes na si Ginny lang ang nakikitaan kong nagsusuot. 12cm red stilletto. Mas tumangkad tuloy ako. It was uncomfortable walking with them at first pero madali naman akong naka- adjust. And I was happy because I became a head turner. Ngayon alam ko na ang feeling kung titignan ka dahil sa ingay ng high heels mo. 'But no, maganda ako kaya ako pinagtitinginan.' I told myself. To celebrate my new look I decided to eat in an Italian Restaurant. Italiannis ang nakita ko kaya doon na lang ako. As I entered the restaurant agad nang may sumalubong sa akin na waiter. He was beaming at me. "Good evening Ma'am!" he said. "Hi, table for one please", sabi ko. "This way po," he said. As I walked, my shoes were creating the bitchy sound on the floor again making all the eyes of the people around to look at me. Lol, feeling ko runway model lang. I bitchily swayed my hips too. Panindigan ang outfit ganerrn. Sayang lang ‘di ako nakikita ni Ginny ngayon, matutuwa ‘yon malamang. But then I was caught offguard when I saw two people on a table. He looked at me as if looking at just a random lady and then he frowned when he realized it was me. Napalingon ako sa babaeng kasama niya. 'Pretty,' I thought and a pang of pain sliced my heart. I walked pass them. Hindi ko pinansin si Yuri. Kaya pala walang text. Busy naman pala. "What would you like to order Ma'am?" tanong ng waiter sa akin. "Just fettuccini Alfredo and wedge salad, I'll go with a bottle of water," sabi ko to dismiss him away, ni hindi ko na tinignan ang menu. I was gritting my teeth in absolute fury. Yuri turned to look at me and his date saw it too kaya tinaasan ako nito ng kilay. "Who is she?" narinig ko pang tanong ng babae. "My sister's bestfriend," sagot naman nito pero ikinalaki ng mata ko ang sunod na sinabi nito. "Do you mind if we invite her to join us? Mukha kasing mag-isa" The woman said she didn't mind pero alam ko namang annoyed siya. Agad na tumayo si Yuri at siryosong nakatingin sa akin nang papalapit na ito. "Join us," he said. Isa itong utos. Stubborn as I am of course I said, "No." "Baby, please." sabi nito ng pabulong. Na ikinangitngit ko lalo. Three weeks na walang ni-ha ni-ho tapos makikita ko siyang may date? Now back to ‘baby’ siya na parang walang nangyari? "I have a date," sabi ko. I do not know if he believed me. Pero he inflicted me pain, gaganti ako. Mabuti na rin pala at table for two ang pinagdalhan ng waiter sa akin kahit na table for one ang hiningi ko. Tumiim ang bagang ni Yuri, but I cared less. "Go and join your date, it's not nice making her wait," taboy ko sa kanya. "Baby, I am taking you home." sabi nito kaya nginitian ko siya ng nang-uuyam. "I have a date, shoo!" sabi ko. He looked at me one moment bago tumalikod. Dali-dali akong pumunta ng banyo. I needed to breath. Tapos wala naman akong date talaga. Sino naman ang pwedeng magpanggap? It's not like pwede akong manghila ng kung sinong lalake gaya ng nababasa ko sa pocketbooks. Duh? Pero I texted Dean just the same. I need him kahit na late pa siya. When I returned in my table ay wala na sila Yuri. Mabuti naman ‘di ko na kailangan mag-imbento ng dahilan kung bakit ‘di pa dumarating ang date ko. Busy na akong kumain nang may maupo sa harap ko. Sino pa ba? Matiim ang pagkakatitig nito sa akin. "Nag-ayos ka pa talaga para sa date mo?" he said with a hint of mockery. "Of course," sabi ko lang at sumubo na. "But I guessed he ditched you, didn't he?” He said now grinning. "Dayz," a voice said. Inangat ko ang mukha ko at si Dean na ito. Gwapo si Dean, hindi nga lang kasing gwapo ng kumag na nasa harapan ko. Dahil siguro sa bagong ayos ko kaya kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Dean, mabuti nandito ka na! Tapos na ang groupwork niyo?" I asked sweetly. "Y-yeah," he frowned. "Excuse yourself Yuri, you are occupying Dean's seat," sabi ko. "No it's ok, you can stay there." sabi ni Dean at humila ng isa pang upuan. Sarap sipain eh hindi marunong makiramdam? "No, I'll go ahead. Enjoy you two," Yuri said and stood up. He didn't throw me a look anymore. He just left. "Sino ‘yon?" Dean asked when Yuri was gone. "Kuya ni Mandy," I said casually. He nodded. "Ano naman ang drama mo at nagpalit anyo ka?" He said now giving me a thorough look. "Pangit ba?" I asked fixing my hair. "Maganda! Pero nag-mature ka masyado, you don't look our age anymore." "So tumanda ako gan’on? Gago," dagdag ko at tumawa lang ito. "Matured or not, you are pretty Dayz," sabi nito at saka inagaw ang kinakain ko. "Bakit ka pala nagtawag ng presence ko? Miss mo ako?" "Hindi rin, tapos na ‘yong purpose mo, umalis na ang kuya ni Mandy," ngisi ko. "Iyon? Pinapaselos mo? Type ka ba? Mukhang hindi naman. Iniwan ka nga diba?" sabi nito na abalang simutin ang pagkain ko. "Sinabi ko bang type ko?" inis na sabi ko. "Hay nako Dayz, kung type mo ok lang naman, single naman siguro siya?" "Hindi ko alam at wala akong pakialam," taray ko ulit. "Halika na ako na lang date mo, break naman na kami ni Pearl, ino-offer ko na ang sarili ko sa'yo." "Gago, ‘di kita type!" I said. "The feeling is mutual honey! But since maganda ka ngayon, tara sine tayo may treat." ngisi pa nito. "Basta ba ikaw bibili ng statement shirt ni Dalla Costa," sabi ko. He rolled his eyes pero OO ang ibig sabihin non. Pepper has a soft spot in his heart. ‘Di ko nga lang alam kung bakit ‘di niya nililigawan. Hindi ko na namalayan na alas-onse na ng makauwi ako ng bahay. Kumain pa kami ulit ni Dean matapos ang movie. Ginny male version pala ito. Bagay sila ni Ginny pareho pa silang mahilig sa calamari. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ A week after. Birthday ni Caloy at invited kaming magbe-bestfriend. Syempre pa aawayin siya ni Mandy kung hindi. Ayaw kong pumunta dahil nga makikita ko ang talipandas na si Yuri, mabuti na lang at saktong monthly period ko kaya may rason ako. Sinabi kong may dysmenorrhea ako which was true at masakit ang ulo ko para convincing ang alibi ko. Hindi naman na nila ako kinulit pa. Alam naman nila na lagi akong pinapahirapan ng monthly period. Mga 10 pm na ng gabi at naisip ko kung tama bang ‘di ako pumunta sa birthday ni Caloy. Mukhang galit pa, ‘di sinasagot ang text at tawag ko. Naisipan ko na lang na maglagay ng nail polish. Pinapatuyo ko na ang nasa paa ko nang may marinig akong kaluskos sa terrace ko. Inaasahan ko nang ang pusa iyon ni Nanay Rosa kasi mahilig siyang tumambay sa terrace ko, binibigyan ko kasi ng pagkain lagi kaya nawili. Bumangon ako at kumuha ng dried meat balls sa drawer ko, may isang pack ako doon para everytime na makita ko ang pusa ay may maipakain ako sa kanya. "Baby ikaw ba yan?" tawag ko pa. Baby kasi ang itinawag ni Yaya Rosa, palibhasa wala itong anak kaya ‘yong pusa na lang daw. "Baby," tawag ko pa. "Pasok ka na dali." Pero jusko, nagulat na lang ako nang ibang ‘baby’ ang bumungad mula sa terrace. At mukha itong galit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD