NOURISHED #Panlabing-isa Dayzy’s POV "And finally for our debutant's 18th rose―" the MC said and the spot light was focused at the entrance door. Lahat nagdilim. Hindi ako makahinga. "Let's welcome Mr. Dean Santos," he added and I forced a smile. Palakpakan ang mga tao. Bakit ba parang piniga ang puso ko? Hindi sa ayaw ko kay Dean pero iba ang gusto ng puso ko. A tear rolled down from my cheek. I tried to smile kahit na gusto kong ngumawa. "Dayz," bati nito sa akin. At kahit na nakangiti ito alam kong alam niya na ‘di siya ang ine-expect ko. "Gwapo naman ako, baka pwede nang ngumiti ka na lang dyan," he tried to tease while handing me the 18th rose. Tumango na lang ako kasi may bikig pa ang lalamunan ko. The 18th song was being played when Dean talked. "I will tell you a story D,"

