NANGIKIG si Vera Mae nang dumampi sa basa pa niyang balat ang malamig na hangin. Kalalabas lang niyang banyo at kahit pa halos mabanlian siya sa init ng tubig na ipinampaligo niya ay mabilis siyang naapektuhan ng natural na lamig ng klima ng Sagada. “Akala ko’y nakatulog ka na sa bath tub,” nakangiting sabi sa kanya ni Yumi. Ipinatong nito sa tiyan ang librong binabasa habang nakahiga sa couch sa malaking kuwarto niya. Sa kusina ng mansyon ay labis na abala ang mga kawaksi. Higit na espesyal ang mga putaheng inihahanda ng chef na si Aklay bilang pagsunod na rin sa mga hiling ni Don Alfonso. Marami sila ngayon sa mansion ng kanilang abuelo. Nagdatingan na ang mga sinasabing anim pa nilang kapatid. “Napakaginaw, Yumi. Kahit pabalik-balik na ako dito sa Sagada, talagang iniinda ko ang la

