HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 56 MASOSOLO SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “WOW! Ang ganda ng flowers na pinadala sayo, Sierra!” wika ni Charmaine habang may dala siyang isang malaking bouquet of flower sa dressing room ko. Hindi ko naman mapigilan namamangha at magtaka sa bulaklak na dala ni Charmaine. Ang laki kasi nito at mukhang mamahalin eh. Napatayo naman ako at kinuha ko ito sa kanya. May nakita akong letter sa loob kaya agad ko naman itong kinuha at binasa ko. I hope you have a great day, my love! Accept this flower as my support and love for you. Take care always, Celeste! I love you. From: A Nang mabasa ko ang letter ay hindi ko mapigilan na pamulahan ng aking pisngi at makaramdam ng konting kilig. “Hala! Sino ‘yung nagpadala?!” tanong ni Charmaine. Akmang makikibasa siya

