HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 55 I LOVE YOU SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “GUSTO KONG bumawi sayo, Celeste. I miss you so bad.” Bago ako makapagsalita ay muli nang pumasok sa loob ng recording studio si Mr. Black. Umiwas kaagad ako ng tingin kay Aiden na para bang wala akong naririnig. Nasulyapan ko naman na bumuntong-hininga si Aiden na para bang nanghina siya dahil hindi ko sinagot ang kanyang sinabi. Nag focus na lang ako ngayon sa pagtrabaho sa mga kanta sa album ko. Tinulungan nila ako ngayon sa lyrics ng kanta at sa beat. Hindi na rin ako ginulo ni Aiden at naging seryoso na rin siya ngayon sa pag-aayos sa mga kanta ko. Inabot kami ng 7PM ng gabi sa aming trabaho. Umuna nang umuwi si Mr. Black dahil may family dinner pa sila kasama ang family niya. Nagmamadali ako ngayon sa pag-

