chapter 2

5000 Words
"hon alam mo ba na isa ako sa mga judge mamayang gabi?"nanlalaki ang matang napatingin siya sa kanyang tito dahil sa turan nito at talagang nagulat siya kahit si tita Jane ay gulat na gulat"hon why you didn't tell me about this ha"napapangiting nahampas nito sa balikat ang asawa"hon mayor fausto invited me and he tell me that Ericka is one of they're contestant"kindat nito sa asawa"ang daya mo naman tito alam mo naman pala na kasali ako doon"nakanguso niyang kunwari na reklamo"yes sweety I know na kasali ka kaya hindi ko sinabi sa inyo dahil baka umatras kapa and beside hindi rin ako sure kung makaka habol ba ako sa pag jujudge susunduin ko pa ang kuya Gavin mo remember?pero sure akong manonood ako sa performance mo sabi ni mayor kayo daw ni dominic ang huling mag peperform okay ba yun anak?"saad na tanong nito sa kanya"opo Tito wala pong problema at tsaka excited na rin po akong makita si kuya Gavin. si kuya Gavin niya na kahit kailan ay hindi niya pa nakikita simula ng amponin siya ng mag asawang miller nng mga butihing magulang ni Gavin at william si tito Bernard at si daddy Gilbert ay magkapatid tatlo silang lahat si tita wilma ay sa america na nakatira umuuwi rin dito minsan sa pilipinas si tita. lalo na pag may okasyon ang pamilya nine years na si kuya sa state at ni minsan ay hindi man lang niya nasilayan Ito at nong minsan na umuwi Ito dito sa mansyon ay nasa school siya at doon naman Ito sa condo niya nag stay ng tatlong araw. nahihiya naman siyang mag Sabi sa tito at tita niya na gusto niyang makita si Gavin kaya nag tiyaga na lang siyang maghintay kung kailan ulit Ito bibisita sa mansyon pero nakabalik na lang Ito sa America ng hindi niya man pang Ito nakita. hindi niya tuloy maiwasang manlumo sa nangyari. pero okay lang dahil ngayong araw ay uuwi na daw Ito at two weeks daw itong mananatili sa mansyon dahil sa pakiusap na rin ni tita Jane at gusto rin nitong makasama ang pamangkin si tita ay isang doctor sa sarili nitong hospital dito sa general santos city habang si tito Bernard naman ang siyang namamahala sa lahat ng negosyo nila pati na rin negosyo ng namayapang magulang ni Gavin at william dahil ayaw pang umuwi ni kuya Gavin kaya si tito muna ang namahala sa lahat ng naiwan ng namayapang kapatid kahit may sarili rin itong mga negosyo hindi lang dito sa pilipinas at kahit sa america ay may kompanya rin ang mga Ito si tita wilma ang namamahala doon kasama ang dalawang anak nito dahil ang asawa naman ni tita wilma ay may sariling negosyo na dapat asikasohin pero kung handa na daw pamahalaan ni kuya Gavin ang lahat ng ari arian ng pamilya nito ay agad daw ibabalik dito dahil si kuya Gavin na lang Ang nag iisang tagapagmana ng pamilya niya. ilang beses na rin kinokumbinsi ni tito Bernard si kuya na i take over na ang pamamahala dahil gusto na rin ni tito mag pahinga pero si kuya ay hindi pa raw handa mag stay ng matagal dito sa pilipinas dahil sa mga pangyayari ng nakaraang mga trahedya sa pamilya nito. mas ginusto nito Ang mag silbi sa bansang America isang U.S army si kuya at nag training din ito bilang isang navy seal lahat ng panahon nito ay ibinuhos nito sa pag susundalo. ayun kay kuya William ay may nagawa raw Itong hindi maganda nine years ago kaya mas gusto nito ang lumayo at pasukin ang pagiging sundalo. noong nabubuhay pa si William ay Ito ang sumalo sa lahat ng responsibilidad na dapat ay kay kuya Gavin nakaatang dahil Ito ang panganay. pero naiintindihan naman daw ni kuya william niya kung bakit Hindi pa Ito handang bumalik ng pilipinas at sa tulong na rin ni Tito Bernard na handang alalayan Ang pamangkin para lang hindi bumagsak ang kompanya at nagawa naman ni kuya William iyon ng maayos hanggang sa Ito naman ang nawala kaya si Tito Bernard muna ngayun Ang presidente ng miller construction company at miller jewellery white and gold shop.na may sangay sa ibat ibang parte ng pilipinas na pag mamay ari naman ni mommy diane. "o siya sige mauuna na kame ng tita mo iha ihahatid ko pa Siya sa hospital at may kailangan pa akong dapat tapusin sa opisina at mamayang alas singko Ng hapon ay dediretso na ako sa airport"saad ni tito agad na rin silang tumayo pag katapos kumain lumapit sila sakin at hinalikan ako sa pisngi "mag iingat po kayo tito tita"nakangiti kong saad sabay yakap sa kanila"I love you sweety"saad ni tito "I love you anak"saad naman ni tita "love you rin po"nakangiti kong sagod sa kanila. nakaabang na si mang Mando sa labas at naka start na ang kotse Ng flying kiss pa ako sabay wave habang umaandar na palabas ang sasakyan masigla akong pumasok sa loob at nakasalubong ko si ate Lanie Ang personal yaya ko ayaw ko na sana mag karoon Ng personal na yaya dahil hindi na kailangan at malaki na ako pero si tito at tita ang mapilit seven years ko na itong yaya kaya masyadong malapit Ang loob ko dito may mga anak itong nasa probinsya nila at may kanya kanya na ring pamilya hipag Ito ni manang soledad ang mayordoma rito sa mansyon "ate Lanie kumain ka naba?"tanong niya dito "ay nako ganda mamaya na at tataposin ko muna Itong labahan ko"Sabi nito "pero ate Hindi pa po ako tapos kumain gusto ko po samahan niyo ako ni manang soledad pati na rin ni ate Minda at ate loren"tukoy niya sa dalawa pang kasambahay ate Lang Ang tawag niya kay Lanie dahil Hindi pa Naman Ito masyadong matanda mag kakwarenta pa lang Ito at ayaw niyang tawagin itong yaya dahil ako ang naiilang "sige na nga naku ikaw talagang bata Ka sige mauna Ka na sa hapag at tatawagin ko si Loren at Minda si ate soledad Naman ay nasa kusina nag kakape"mahabang turan nito"yehey salamat ate Lanie"nakalabi niyang saad dito. "ipagtitimpla na kita ng gatas anak"Sabi ni nanay soledad ng bumungad ako dito sa kusina"sige po"dumating na rin ang iba pang kasambahay kasama si ate Lanie napangiti Siya sa mga Ito"good morning po ate Minda ate loren"matamis siyang ngumiti. "good morning din ganda"sabay na bati ni Loren at Minda. nang matapos siyang mag almusal ay agad siyang nagpalaam sa mga Ito na papanhik na dahil kailangan pa niyang pumunta ng school para sa huling practice nila ni Dominic nandoon din si grace dahil suportado sila nito at Ito rin Ang nagtatama Kung nagkakamali sila ni Dom. nang makontento na Siya sa itsura niya sa salamin ay napangiti siya naka suot Siya Ng simpleng leggings na kulay itim at pinaresan niya Ng simpleng t-shirt na kulay puti Naman na small ang size dahil gusto niyang komportable siyang gumalaw sa pag sasayaw itinali niya ang buhok Ng simpleng ponytail dahil ayaw niya ng nakalugay pag sasayaw na siya nagpahid lang Siya Ng magic liptint para mas tumingkad ang pagkaka pink Ng labi niya hindi na niya kailangan mag lagay Ng foundation o ng kung ano ano pa man sa muka niya dahil natural na maputi at makinis ang balat niya katamtamang tangos Ng ilong na bagay na bagay sa hugis ng mukha niya mahahaba Ang pilik niya. medyo singkit din ang mata niya na Kung titignan para siyang artista.chinita siya kung tawagin sa school niya kaya hinayaan na Lang niya. Ang daming nagagandahan sa kanya Kahit Ang tita niya ay gusto siyang pag artistahin o di kaya ay model Ng make up. pero tumanggi talaga Siya dahil ayaw na ayaw niya Ang na eexpose lalo na sa social media Ito pa nga lang pag sayaw niya sa harap Ng maraming tao ay abot na ang kaba niya kung hindi lang dahil sa pakiusap ng kaibigan niya ay Hindi talaga Siya sasali Kaya wala Siyang nagawa total ay kasama niya naman si Dominic at suportado Naman Siya ni Ericka silang dalawa ni Dominic Ang matalik Kong kaibigan sumasaya Ang buong araw ko sa school pag kasama ko sila. napatingin ako Kay ate Lanie Ng pumasok Ito sa kwarto ko"wow Ang ganda talaga Ng alaga ko Kahit siguro basahan pa Ang ipasuot sayo babagay pa rin sa ganda mong Yan"nakangiting Sabi nito"ikaw talaga ate binobola mo na Naman ako eh"natatawang saad niya dito ay naku Hindi Kita binobola para Ka kasing artista sa ganda mong Yan mas maganda kapa nga sa mga artistang Chinese eh"na touch Naman ako sa sinabi nito nilapitan ko Ito at niyakap"pero mas maganda po si grace"totoo Naman Kasi na maganda talaga Ang kaibigan niyang iyon at mahinhin pa Kung kumilos"alam mo ganda pareho kayong maganda ni grace wala akong masabi sa inyong dalawa sa panlabas na itsura pero syempre mas maganda kapa rin para sakin para sa lahat ng Tao na nandito Kaya nga napamahal kana rin sakin eh"malambing na saad nito sa kanya niyakap niya Ito Ng mahigpit "salamat po ate" "o sige na lumakad kana at Baka mainip pa Ang mga kaibigan mo kakahintay sayo"nakangiting Sabi nito sakin. sabay sila lumabas ni ate Lanie at pagdating nila sa baba ay kausap na ni nanay soledad si kuya Larry Ang anak ni mang Mando. "andiyan kana pala anak ericka hinihintay kana ni Larry"Sabi nito tara napo kuya Larry yaya niya dito"hi Loren kompleto na Naman Ang araw ko Kasi nakita na Kita"kinikilig na turan nito at napatingin kame sa kalalabas lang na si loren galing sa kabilang kwarto na kinuha Ang mga kurtina para labahan"tse lumayas Ka nga sa harapan ko Larry at naaalibadbaran ako sayo ke aga aga eh"namumulang saad nito Kay kuya Larry na halatang may gusto rin sa huli nag tawanan silang lahat dahil dito"nanay soledad mauuna na po kame"paalam niya dito"mag iingat kayo ha sige na lumarga na kayo" "kuya mukang mainit na Naman Ang ulo sayo ni ate loren"natatawang saad niya dito pagkapasok nila sa kotse"oo nga ma'am hayaan mo at pagbubutihan ko pa Ang panliligaw sa Loren ko pasasaan ba't sasagutin din ako non"malaki Ang pagkakangiti nito pag si ate loren na Ang usapan "ako na po Ang singer niyo pag kinasal na po kayo" "wow talaga po ma'am sige po aasahan ko po yan ha"natutuwang saad nito sa kanya at tumango naman Siya Ng nakangiti. fifty minutes din ang byahe bago makarating sa university na pinapasukan ko agad akong nag paalam kay kuya Larry at tumakbo agad papunta sa gym wala silang klase dahil gusto Ng buong faculty na mag enjoy muna sila ngayung araw kahit Friday ngayun. para tuloy tuloy Ang pahinga nila hanggang Sunday at talagang pinag hahandaan Ng buong university Ang pagsali nilasa amateur dance contest Sana ay Ang Mindanao state university naman daw ang manalo sa pagkakataong Ito dahil public school Ito kaya mas nalalamangan sila Ng mga private universities mas pinili niya na mag aral sa public kesa sa private school. mas nag eenjoy Siya dito kasama Ng mga kaibigan niya. pagdating niya gym may mga studyante rin Doon na naglalaro ng basketball at Ang iba Naman ay nanonood lang agad niya nakita Ang mga kaibigan niya ng kawayan Siya Ng mga Ito. nag papatogtog na sila sa dala nilang speaker. "sissy buti Naman dumating kana"maarting kunwari na turan ni Dom at natatawa talaga Siya dahil Ang gwapo gwapo nito. "Ang Arte talaga Ng baklang to sambunotan Kita diyan eh" "aray Ang harsh Naman ni grasya ngayun"kunway nasasaktan na arte ni Dom. hindi niya napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa asaran nilang dalawa. "wow ha Kung makatawa Naman Ang isang to akala mo wala Ng bukas"maarting saad pa Rin ni Dom"halika na nga mag practice na tayo"at hinila ko Ito sabay hawak ko balikat nito. "ay ano ba yan hindi tayo talo te lalaki rin ang gusto ko"nandidiring saad nito sa kanya dahil sa pagkakahawak niya hindi na talaga niya napigilan Ang humagalpak Ng tawa habang si grace ay natatawa na naiiling. "tama na yan bakla Ito talaga Kahit kailan pabida arte arte mo halikan kita diyan eh"agad tinakpan ni Dom Ang bibig niya dahil aktong lalapitan na Siya ni grace sabay hila sakin"halika na nga beshy baka mamaya totohanin pa ni grasya banta niya virgin pa naman labi ko at iaalay ko Ito sa taong mahal ko"nangangarap na saad nito natawa na Lang Kaming tatlo sa mga kalokohan namin. nang matapos kame mag practice ni Dom ay hingal na hingal kaming napaupo sa tabi ni grace"Ang galing niyo talaga Sana Ang university Naman natin Ang manalo"inabutan niya kame Ng malamig na tubig at bimpo nginitian ko si grace "Sana nga"habang nagpupunas ako Ng pawis ay lumingon ako sa gilid ko pero wala na si Dom Doon.kaya pala nanahimik ginala ko ang paningin ko at nakita ko Ito na nakikinood na rin sa mga naglalaro Ng basketball halatado talaga ang lolo niyo sa isip isip ko. tinignan ko si grace at nakatingin din ito kay Dom"sissy"agaw pansin ko sa kanya lumingon naman Ito sakin"sissy may problema ba?"nag aalalang tanong ko dito umupo Ito katabi ko at hinawakan ko Ang mga kamay nito"sissy alam Kong may problema Ka at napapansin namin iyon ni Dom sayo Kahit hindi ka mag Sabi hinihintay Ka Lang namin mag salita dahil ayaw Ka namin pangunahan"pinisil niya Ang kamay nito. "Ericka sissy pasensya na pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa Inyo ni Dom kayong dalawa lang ang kaibigan ko ayoko naman na pati kayo magalit sakin dahil sa paglilihim ko"hindi naman nito napigilan ang umiyak.nakita kame ni Dom na masinsinang nag uusap ni grace kaya agad itong lumapit sa samin. "anong nangyayari dito bakit umiiyak si grasya?" nagpalipat lipat Ang mata nito sa Amin habang may pagtatanong sa mata nito. inilahad Naman ni grace Ang kamay kay Dom na agad Naman nitong tinanggap umupo rin sa tabi namin si Dom habang magkakahawak kamay kameng tatlo"intindihin niyo muna ako ngayun please pangako sasabihin ko rin sa Inyo"at niyakap niya kame ni Dom niyakap rin namin Siya pabalik"basta beshy alam mo Kung ano ginagawa mo ha Hindi Ka namin pipilitin mag salita pero nandito lang kame ni Ericka handa Ka namin tulongan at ipagtanggol tandaan mo yan mahal na mahal ko kayong dalawa ni Ericka ganito Lang ako pero handa ko kayong ipagtanggol ganyan ko kayo kamahal"mahabang turan ni Dom habang mangiyak ngiyak. na touch ako Ng Sobra sa sinabi at hindi ko napigilan ang umiyak ako rin naman handa ko silang ipagtanggol at walang pwedeng manakit sa mga kaibigan ko. "ano ba Yan pareho na tayong nag iiyakan dito papangit tayo nito eh Ang gaganda pa Naman natin"si Dom habang nag pupunas Ng luha"tama magaganda tayong tatlo"saad ni grace at napangiti na rin. "umuwi na Tayo kailangan natin magpahinga para mamayang gabi"si Dom "magkita Tayo sa baranggay gym mamaya"saad Naman ni grace agad Naman akong sumang ayon sa kanila at sabay na kameng naglakad palabas Ng school at nakita ko kaagad si kuya Larry"mga sissy mauna na ako dumating agad sundo ko eh"paalam niya sa mga Ito. si Dom ay may sariling sasakyan at si grace Naman ay hatid sundo Ng daddy nito. kumaway pa ako sa kanila bago pinaandar ni kuya Larry Ang kotse. "kamusta po kuya Larry"tanong niya dito "okay naman po ma'am"nakangiti niyang saad Naman nito. "ma'am nandito na po Tayo"mahina siyang ginising ni kuya Larry pag mulat niya ay nginitian agad niya Ito"nakatulog po pala ako kuya pasensya na po" "ay walang ano po ma'am alam ko pong pagod kayo"bumaba na Ito at pinagbuksan Siya nito Ng pinto"salamat kuya" "welcome po ma'am"bitbit Ang maliit na bag ay naglakad ako papasok sa loob Ng mansyon sinalubong ako ni ate Lanie"pagod na pagod Ang alaga ko ah"sabi nito sakin at agad ko itong niyakap inihilig ko ang mukha sa dibdib nito at pumikit doon kinuha nito Ang dala kong bag at sinuklay nito ang buhok ko gamit Ang malga daliri nito"gusto mo timplahan kita ng gatas para makapaghinga kana sa kwarto mo"tanong nito sa kanya "yakap niyo lang po ate Lanie sapat na malambing na Sabi niya dito at niyakap Siya pabalik. "naku naglalambing na naman si ganda ah pano naman si nanay soledad niyan"nakingiting Sabi naman nito sa kanya. dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niy Kay ate Lanie at nilapitan niya si nanay soledad at niyakap din ito Nang mahigpit. humilig Siya sa dibdib nito at pumikit mahigpit siyang niyakap nito at hinalikan sa ulo "nanay napagod po ako kanina"kunway sumbong niya habang nakapikit. nangingiti Naman si Lanie Nang tignan Ito ni soledad dahil sobrang lambing talaga Ng alaga nila na si Ericka at sobrang bait pa nito kahit kanino Kaya mahal na mahal nila Ito Ng mga kasama niya dito sa bahay. "Tara ihatid Kana namin ni ate Lanie mo sa kwarto mo. Lanie ipagtimpla mo muna Ng gatas Ang batang Ito at mukang pagod na pagod talaga"utos nito kay ate Lanie na agad namang sumunod. pagkabalik ni ate Lanie ay bitbit na nito Ang timimplang gatas para sa kanya hinatid naman Siya Ng mga Ito sa kwarto niya Hindi na nga Siya nakapag bihis Ng damit sa sobrang pagod pag kaubos sa ininom niyang gatas ay agad Naman Siyang humiga 2pm pa naman Kaya makakapagpahinga pa Siya. sinigurado muna ni ate Lanie at nanay soledad na okay na Siya bago lumabas Ang mga Ito. nagising Siya Nang 6:30pm tamang tama Lang para makapag ayos at makakain pa Siya Ng dinner dumiretso Siya sa banyo at naligo nag suot na Siya Ng high waist jeans at pinaresan niya Ng baby pink na croptop hapit na hapit sa katawan niya iyon Ng makontento siya sa suot niya ay lumabas Siya Ng kwarto para mag dinner"good evening ganda halika kakain na Tayo. nga pala hindi makakasabay sa dinner ngayung gabi si ma'am Jane dahil sasamahan na lang daw niya si sir Bernard sa pagsundo Kay sir Gavin"saad nito sa kanya. "okay lang po kasabay ko Naman po Kayo nila nanay soledad eh"nakangiti niyang ani dito. pagdating nila sa kusina ay naabutan nilang naghahanda na Nang makakain si nanay soledad at nakakaalalay Naman dito si ate loren at minda. "good evening ganda"sabay sabay na bati Ng mga Ito Nang Makita Siya"good evening din po"balik niyang bati sa mga Ito. habang kumakain ay tampulan na naman Ng tukso si ate loren dahil Ito na lng Ang dalaga sa mga kasambahay ay hindi maiwasan ang tuksohan at pagrereto Ng mga Ito Kay kuya Larry natatawa Siya at nakikisali sa tuksohan nila.nang matapos siyang kumain ay agad akong nagpalaam sa mga Ito dahil kailangan na niyang mag ayos..agad niyang niligpit Ang dapat niyang dalhin at nilagay sa totebag niya. nagpahid Siya Nang favourite magic liptint niya na sa tingin niya ay babagay sa magiging ayos niya mamaya hindi na siya magdadala Ng make up dahil si grace na Ang bahala don at si Dominic Naman Ang mag mamake up sa kanya . mas magaling pa itong mag make up at mag ayos Nang buhok kesa sa kanila ni grace kaya ipinapaubaya na namin Ito kay dominic at tiwala talaga kame sa taste nito pag dating sa pag mamake up at pag aayos ng buhok. Ng matapos ay bumababa na agad ako nag paalam muna ako kila nanay soledad bago umalis. pagdating niya sa baranggay gym ay kokonti pa Lang Ang mga tao nag chat Siya kay grace Kung dumating naba Ito doon ang sabi naman nito ay malapit na daw Ito at si Dom Naman ang chinat niya na agad naman Ng reply"on the way"reply nito saglit lang siyang naghintay at magkasabay na dumating si grace at Dom. nakita sila Ng butihing mayor na si mayor fausto Reyes at agad silang nilapitan at binati. "magandang gabi sa Inyo Ericka,grace at Dom"nakangiting bati sa kanila ni mayor"salamat at pinaulakan niyo ako"dagdag pa nito sabay lahad Nang kamay nito para sa pagbati na agad naman naming tinanggap na tatlo"magandang gabi rin po sa Inyo mayor"magalang na bati namin dito. at sinamahan pa kame ni mayor kung saan kame pwedeng mag ayos. siniguro muna ni mayor na maayos na kame bago kame iwan nito. nag palit muna kame ni Dom Ng susuotin namin pina una na akong gumamit ni Dom sa maliit na kwarto na natatabingan lang lg kurtina para makapag bihis Ang mga contestant agad akong naghubad at sinuot Ang kulay yellow na maikling dress na lagpas hita ang tabas nakasuot naman ako ng cycling kaya hindi ako masisilipan Nang kahit sino. kitang kita ang maputi ong bewang sa suot ko dahil butas ang magkabilang gilid non pinasadya at pinasukat sa kanya ng designer na kinuha pa ng school nila para masigurong gusto niya talaga Ang susuotin niya. nag suot na rin Siya ng one inches na hills na kapartner na kulay ng dress niya. Ang ganda pala Ng hubog Ng katawan ko napapangiting ani niya sa sarili. paglabas ko ay nakaabang na si dom sa pinto napatulala pa Ito sakin nang makita ang suot ko dom ayos ka Lang?"nagtatakang tanong ko dito "tse ako dapat magsusuot niyan eh"her jaw dropped literal na napangaga ako dahil sa turan nito. nasundan ko na Lang Ito Ng tingin habang papasok sa nilabasan kong kwarto"antribida talaga"Sabi ni grace na ang tukoy ay si dom nagtawanan kaming dalawa"Ang sexy mo kasi masyado at Ang ganda pa Kaya peeling niya na lamangan mo siya" at sabay kameng natawa ulit"halika umupo kana dito"itinuro nito ang silyang kaharap nang salamin at nakalatag na doon Ang mga make up nito. nang lumabas si dom ay napatingin kame dito. "wow ang gwapo pa kiss naman"nang aasar na saad ni grace Kay Dom. Ang gwapo gwapo ni Dom sa suot nitong long sleeve na yellow na pinatungan nito Ng coat na black. Hindi iyon nakabatones Kasi partner iyon Ng suot niyang dress na kapag gagalaw si Dom ay kitang kita Ang long sleeve nito sa loob. "eww yuck ka grasya ha"umaktong nasusuka pa Ito habang nakahawak sa dibdib. "ayosan mo na si Ericka Dom para hindi tayo magahol sa oras"saad ni grace kay dom. na agad naman tumalima sinipat sipat siya nito"hmmm okay sayo Ang lite make up hindi mo kailangan nang marameng kolorete sa mukha dahil maganda kana talaga. nakangiting saad nito sakin na nginitian ko naman pabalik. inabot din kame Ng Forty-five minutes bago natapos sa pag aayos. "perfect"nasisiyahang saad ni Dom habang pinagmamasdan nito ang mukha niya. lumapit sa kanila si grace at natutuwa Ito sa naging resulta. "wow Ang galing mo talaga Dom mas nag mukang dyosa si Ericka Ng encantadia"humahangang saad nito habang nakatingin sakin"maganda talaga si Ericka kaya wag mo na akong bolahin lite make up lang yan sa buhok niya lang ako nag concentrate"itinali kasi ni Dom ang buhok ko pataas at nilagyan niya tikwas tikwas tulad ng ayos ng buhok nang mga ikakasal pinatayo ako Ng mga Ito at sinipat Ang kabuoan ko. kinuha ko sa bag ko Ang isang set Ng jewelry ko na binigay pa sakin ni kuya William Sabi nito ay galing daw iyon Kay kuya Gavin dahil nabanggit daw nito sa huli na kailangan ay may pasalubong daw siya sakin nung minsan na bumisita Ito sa America pero si kuya Gavin na daw Ang bumili at pumili nito kahit hindi pa daw ako nito nakikita ay siguradong magugustohan ko daw Ito. at hindi nga nagkamali si kuya Gavin sa pagpili dahil gustong gusto ko Ito. isa itong white gold na design ay tear drops tinulongan na ako ni grace at Dom na maikabit iyon si Dom ay kinuha Ang pares Ng hikaw at si grace naman ay kwentas at bracelet. nang matapos ay matamis ako ngumiti sa kanila "salamat mga sissy" "wow Ang ganda ganda mo talaga beshy"saad ni Dom at agad namang sumang ayon si grace"at syempre Hindi rin papakabog Ang ganda ni grasya"napatingin kame kay grace. maamo Ang mukha nito may pagka red Ang labi matangos na ilong at makapal eyebrow na Hindi na kailangan pang lagyan Ng kulay dahil natural na may korte at itim na itim iyon"halika na nga kayo sa labas ako na Naman nakita niyo eh"nahihiyang Sabi nito. nagpatianod na Lang kame Ng hilahin kame nito sa kamay ni Dom. nang paglabas namin ay marami nang tao ang nanonood habang nagsasalita si mayor. nang mag uumpisa na ay pinaakyat ang mga contestant bali walo kameng mag lalaban laban may ibang nag dala Ng gitara at ang iba Naman ay sasayaw nagsikohan kame ni dom ng makita namin na sumali ulit ang nanalo nang grupo ng university nung nakaraang taon grupo Ito na binobuo ng anim na members na puro babae at talagang magagaling sila dahil napanood nila ang performance ng mga Ito. Kahit natalo ang university nila noon ay nagpalakpakan pa rin silang lahat. "please all welcome our contestants to the different universities at nandito po sila para I represent ang kani kanilang school"huling Sabi Ng mayor at kinamayan sila isa isa bago Ito bumababa at pinasa ang mic sa emcee.tinatawag Ng emcee ang mga kalahok ng bawat school para pormal na ipakilala sa manonood.ang lakas ng palakpakan ng mga audience nang tawagin na ang Notre dame dadiangas university karamihan ay mga lalaki Ang mas malalakas pumalakpak. magkakahawak silang nag taas ng kamay at sabay yuko. "Mindanao state university"tawag sa amin Nang emcee agad kameng pumunta sa gitna ng stage biglang nagpalakpakan nang malakas Ang mag tao nang tignan namin ni dom ay nakita namin ang lahat ng teachers at studyante kasama Ang principal ng university namin nakita ko sa unahan si grace habang kumakaway samin ni Dom kasama nito sila nanay soledad ate Lanie ate loren at ate Minda nandoon din ang driver nila na si mang Mando at kuya Larry"sweety nandito kame"napatingin siya sa sumigaw ang kanyang tita at tito na todo ang pagpalakpak gusto niyang maiyak SA supporta ng mga Ito sa kanya kumaway siya sa mga Ito at binigyan ng pinakamatamis na ngiti niya mas lalong nagpalakpakan ang mga Ito. nang tignan niya si dom ay kinindatan siya nito binigyan nang oras ng magpasikat look agad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin. itinaas ni dom ang isang kamay at ang isang kamay naman ay inilahad sa kanya habang nakaliyad Ang dibdib nito.agad niyang tinanggap iyon at sabay nilang itinaas Ang kamay ta umikot ikot siya doon at sabay baluktot nang liyad sa kanyang likod na agad Sinalo ni Dom. at umikot pa ulit siya ng isang beses sabay taas ng kamay nila at tsaka yumuko. agad na nagpalakpakan ng malakas ang mga manonood at napangiti kame ni Dom sa isat isa. bumalik kame sa pwesto namin kanina. isa isang pinakilala ang mga judge tumatayo naman sila pag nabanggit ang pangalan nila "and last our guest and special hurado he is from America at kadarating lang niya at dumiretso dito para makisaya satin. please all welcome mr.gavin miller"agad siyang napatingin sa mga hurado ng banggitin ng emcee ang huling pangalan nang judge at napasinghap ako nang tignan ko siya habang tumatayo at ang tangkad nito my god hindi niya akalain na ganito Ito kagwapo ang laki ng katawan nito. seryoso lang itong yumukod sa mga taong nagpapalakpakan at sumisigaw. parang na hypnotized na ako at sinusandan ko bawat galaw nito hindi niya maalis ang mga mata dito Ang lakas lakas ng t***k Ng puso ko. napilitan akong alisin ang tingin dito nang akayin na ako ni dom pababa dahil mag sisimula ng mag perform Ang unang contestant. bumalik kame sa back stage at kinalma ang sarili"hmmm gurl kapatid mo yun huwag kang ganyan"patuya nito sa kanya"pero in fairness ang gwapo ni papa Gavin"mahinang natitilihan Ito napakagat labi pa. napatingin na lang ako dito dahil umaandar na Naman Ang babaeng puso nito. "hoy Dom umayos ka baka hindi tayo maka pag perform dahil sa sobrang kilig mo kay kuya para kanang mangingisay diyan"babala niya dito at pinanlakihan Ito ng mata. "ikaw ang umayos beshy noh dahil kung hindi pa kita inakay pababa ay talagang hindi mo aalisin Ang malagkit na titig mo sa kuya mo"agad akong namula sa turan nito masyado ba akong obvious kanina tanong niya sa isip"pero okay lang yan hindi mo naman siya kadugo eh"bawi nito sa kanya napangiti Siya dito. "Dom, Ericka good luck sa Inyo ha"bit bit nito ang mga bag nila ni Dom."malapit na kayong mag perform mauna na ako sa Inyo sa labas at kukunan ko pa kayo ng video"hinalikan muna kame nito bago Ito lumabas sa back stage. nang tawagin na Ang ika pitong contestant ay pinanood namin ang performance ng mga Ito. nagsimulang kumanta ang isa hanggang sa sinabayan na Ito nang mga kasama nito. acapella ang tema ng kanta nila at talaga namang ang sarap pakinggan. "beshy hindi pa tapos ang laban pero parang kinakabahan kana diyan"hinawakan ni Dom ang kamay ko para pa kalmahin"kaya natin yan manalo o matalo eenjoy pa rin natin ang gabing ito"napatango siya sa sinabi nito tama Ito dapat mag enjoy lang sila ngayung gabi. ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na rin ang performance nang ika pitong contestant agad nagpalakpakan ang mga tao. "maraming salamat sa Inyo Notre Dame of dadiangas university bigyan pa po natin sila ng isang masigabong palakpakan"sigaw Ng emcee at agad nagpalakpakan ang mga manonood. "and last but not the least please all welcome Ang pambato nang Mindanao state university na si mr.dominic gamboa at miss.ericka ocampo"nagpalakpakan ang mga manonood pag labas namin ni Dom agad napako ang tingin ko kay kuya na isa mga hurado nakatitig din Ito sakin hindi ko mabasa ang mukha nito dahil blanko lang Ito at walang emosyon na mababakas. tumahip ng mabilis at dibdib ko naramdaman ko naman ang pagpisil ni dom sa kamay ko kaya napabaling ako dito. nang umire ang kanta ni vhong navarro na cha cha ay nilagay na ni dom ang kamay nito sa maliit kong tiyan habang naka pwesto Ito sa likod ko at magkadikit ang katawan naming dalawa.. sinulyapan ko ulit si kuya at nakatitig pa rin ito sakin.relax self
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD