relax lang self..pilit niyang pina pakalma ang sarili sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya
ay parang manlalambot pa at ang tuhod niya dito.
pasimple na lang akong lumingon sa pwesto nila tita para mawala ang tension saming dalawa ni kuya.saming dalawa ba o ako lang?
kinuwestiyon niya sa sarili.
nang makita niya ang mga Ito na nakangiti sa kanya ay lumakas na agad ang loob ko.
matamis ko rin silang nginitian sabay hawak nang mahigpit sa kamay ni dom para ipabatid dito na gawin natin ang lahat ng makakaya
natin para manalo.
"nasubukan niyo na bang
sumayaw nang cha cha
ika'y matutuwa tulad
ni aling linda habang
naglalaba sumasayaw
ang lola nakangiti pa siya
habang nag cha cha cha.
"pumailanlang ang kanta.
itinaas ko ang kamay habang hawak ni dom ang isang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa tiyan ko nagsimula akong gumiling dun.
naghiyawan na ang mga tao at nagpalakpakan Kaya mas lalo kameng ginanahan
humarap ako kay dom at nag bending habang naka alalay sa likod ko ang isang kamay niya.
itinaas ko rin ang isang paa.
at mas lalong nag hiyawan ang mga tao.
pagkatapos ay umikot ikot ako palayo kay dom
at tumakbo palapit dito sabay karga sakin pataas at pinaikot ako sa likod nito sabay
lusot sa ilalim ng hita niya at sabay kaming umikot ng tatlong beses sabay ring huminto
nang mag kaharap nakangiti kame sa isat isa at kinindatan ako nito.
"dahil ang cha cha pang
patanggal ng problema
lagi ka pang nakatawa
habang nag cha cha cha, ha,
cha cha cha'...
naghiyawan ng malakas ang manonood.
gumiling ako pababa habang dumadaos dos ang kamay ko sa dibdib ni dom umikot ako dito habang hindi ko tinatanggal ang kamay ko sa katawan niya.
"kaliwa't kanan niyo lang
ang inyong hakbang
pakendeng kendeng
lang mga manang
ipihit ang tadyang
pati baywang mag
sha la la la la la la la lang......'
nagpatuloy kame ni dom sa pagsasayaw habang patuloy din ang malakas na palakpakan ng mga taong manonood.
hindi nga kame nagkamali sa pagpili ng kantang
sasayawin dahil pati ang matatanda ay nag eenjoy din.
hinila ako ni dom habang nagtaas baba ang kamay ko ginigiya ako nito papunta sa audience
habang hindi tumitigil sa pag sayaw.
pero madadaanan pa namin ang mga hurado
nang malapit na kame sa mesang kinauupoan nila ay napasulyap pa ako kay kuya.
prenting naka upo Ito na parang isang hari at matiim na nakatitig sakin at sa bawat galaw ko kung hindi ako nagkakamali basi na rin sa pagkakabasa ko sa mata nito.
'wow ha marunong na rin akong mag judge'sa isip isip niya.
agad siyang nag bawi nang tingin dito
dahil nararamdaman na naman niya ang pusong nagwawala sa lakas ng pintig.
nang makababa ay doon kame humataw ni dom Ng sayaw dahil ang mga tao ay nakikisayaw na rin pati ang matatanda.
natawa siya nang makita niya sila ate loren at ate Minda na nakikisayaw na rin sa mga katabi nitong matatanda. habang walang patid naman ang pagtawa nila nanay soledad.
sinulyapan niya ang tito at tita niya at nakikisaya Ito sa mga tauhan nila habang nagpapalakpakan.
nang matatapos na ang kanta ay iginiya ako ni dom paakyat.
magkahawak kamay kameng nag layo nang ilang pulgada at nag lapit nagkatinginan kame ng nakangiti sabay baling sa audience naka patong ang kamay niya sa balikat nito at nakapatong din ang kamay nito sa bewang ko.
itinodo ko na ang lahat ng lambot ng katawan ko sa pag giling doon nang mag bitaw ang mag kabilang kamay namin ay umikot ako.
iniliyad ko ang binti yumuko ako at dahan dahan Kong hinaplos pataas ang legs ko.
nang mag lapit kame ni dom ay hinawakan ako nito sa bewang sabay liyad ko.
hingal na hingal kame nang matapos ang sayaw
pinaikot ako Ng isang beses ni dom at sabay kameng nag vow.
ang lakas lakas ng palakpakan nang mga tao naghihiyawan at nagsisigawan.
lahat sila sa natutuwa sa performance namin.
nilingon ko sila tita.
nakita kong nagpupunas Ito nang luha habang naka akbay naman si tito sa asawa.
nang makita ni tita na nakatingin ako sa kanila ay pumalakpak Ito..
habang sila nanay soledad ay naiiyak rin sa tuwa.ito kasi ang unang beses na ipinakita ko ang talent ko sa harap ng maraming tao.
bukod sa pagkanta..
araw araw naman nila akong naririnig kumanta sa mansyon.
niyakap ko si dom nagulat ako ng lumapit at yumakap samin si grace mahigpit kameng nagyakapan.
"I'm so proud of you guys ang galing galing niyo talaga"naiiyak na saad nito.
"congratulations to us"sabi naman ni Dom
"tayong tatlo ang magaling dahil tayo ang nag isip at nag plano ng lahat"saad ko naman.
"hooooo grabe ang mindanao state university
ang intense non kayo lang nagpa indak sa ating mga mahal na manonood"nasisiyahang hiyaw emcee.
at naghiyawan ulit ang mga tao lalong lalo na ang buong university namin na talaga namang ang lalakas ng hiyawan at sigawan nangingibabaw sa lahat.
"class mate namin yan"sigaw ng mga kaklase nila.. sabay kaming kumaway sa kanila
na mas lalong nagpalakpakan.
tumahimik ang lahat nang umakyat ang mayor nila kinon gratulate ang bawat pambato nang university "again congratulations sa inyong lahat'
natutuwa ako pati na rin ang mga taong nandito
dahil lahat ng contestant natin ay magagaling"ilang minuto pang nagpahayag ang mayor bago nito pinasa ang mic sa emcee.
"ladies and gentlemen it's time for us to know
whose universities will win ang lahat po nang mananalo ay makakatanggap ng cash assistant na galing po sa ating mga mahal na sponsored"anunsiyo nang emcee"our second place makakatanggap sila
twenty thousand pesos"mahigpit silang naghawak ng kamay ni dom.
"our second place is...... university of santo tomas"nagpalakpakan ang mga tao
"let's proceed to our first place"tumahimik ang paligid habang hinihintay ang ang susunod na mananalo.
"ang first place ay makakatanggap naman ng thirty thousand pesos ang first place ay walang iba kundi ang.....Notre dame university"naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan.
nagkatinginan kame ni dom at pinisil nito ang kamay ko.
'kung hindi ang Notre dame ang nag champion eh sino?ibig bang sabihin nito may pag asa kame?.
napatingin ako kila tita na mukhang kinakabahan din si nanay soledad ay nag rorosaryo at may hawak pa itong maliit na bible.
"and now our new champion of this year ay wala na pong iba kungdi ang mindanao state university"agad nagpalakpakan ang mga manonood at naghiyawan nang malakas
napatulala ako at hindi agad nakapag react sa pagkabigla.
'na..nanalo kame? nanalo kame?'
Hindi pa nag sink in sa utak niya ang sinabi ng emcee.
nang napasulyap siya sa tita niya ay umiiyak na Ito "congratulations"sigaw ng mga kaklase nila
"nanalo tayo dom,nanalo tayo"paulit ulit sa Sabi niya dito napatango naman ito habang malapad ang pagkakangiti sa labi.
napatalon talon sila sa sobrang saya.
niyakap ako nito nang mahigpit sabay karga sakin at inikot ikot ako sa ere "congratulations sa inyo mindanao state university makakatanggap ang skwelahan niyo ng fifty thousand pesos"nakangiting saad nito.
"bigyan po natin nang masigabong palakpakan ang ating bagong kampion"malakas na saad ng emcee.
"tinatawag ko po ang lahat nang nanalo na tumayo sa gitna ng stage dahil oras na po para kayo ay batiin at kamayan nang ating mga mahal na hurado"anunsiyo ulit ng emcee.
tumalima silang lahat doon niya lang din naalala ang kuya niya.
makakadaupang palad na niya Ito sa unang pagkakataon at masisilalayan nang malapitan
sa naisip ay parang pagpapawisan pa yata siya nang malapot.isa isa silang kinamayan"congratulations"nakangiting saad ni mayor.
nang pag angat niya ng mukha ay nagulat na lang siya nang kamay na ni Gavin ang nakalahad
sa kanya biglang nagwala ang kanyang puso
at parang may naghahabulang daga sa loob non sa lakas nang t***k ng puso niya ay nangangamba siyang baka may ibang makarinig.
kailangan pa niyang tumingala upang mabistahan ang kabuoan nito.
mabalbas pero walang bigote matangos na ilong
makapal na kilay at ang hazel nut na kulay ng mata na bumagay sa pangahang mukha nito.
halos hindi na ako kumukurap sa pagkakatitig dito seryoso at pailalim akong pinagmasdan ni kuya hindi ko alam Kung bakit mas nag fucos ito sa mukha ko na parang kinakabisado.
ang bango bango pa nito na nanunuot sa kanyang ilong ang sarap amoyin.
ang laki laki ng katawan na talagang banat na banat sa uri nang trabahong meron ito.
nabalik siya sa katinoan ng sikohin siya ni dom
napatingin siya sa kamay nitong nakalahad.
literal na nanlaki ang kanyang mata ng
mapagmasdan niya ang kamay nito.
malaki rin iyon na kayang kaya bumali ng buto
sa isang maling kilos mo lang
ano paba ang malaki dito?agad niyang naipilig ang ulo sa naisip.nakakahiya ka Ericka..
nang inabot niya ang kamay dito ay nanigas siya bolta boltahing kuryente ang dumaloy doon nanlamig ang buong katawan ko sakop na sakop nito ang kabuoan ng akin.
"done eyeing on me?"sabay pisil ng bahagya sa kamay ko.'s**t ang bango nang hininga ni kuya''napalunok ako sa baritonong boses nito lalaking lalaki nanghina ako Kaya hindi sinasadya na napisil ko din ang kamay nito para kumapit at kumuha ng lakas doon.napahiya naman ako sa naging asal Kaya pasimple kong hinila nang dahan dahan ang palad ko mula dito.
agad akong napatingin sa katabi ko kung narinig ba nito iyon or nakita ang pagpisil na ginawa ko.
pero busy pa Ito sa pakikipag kamay sa iba
sinigurado talaga ni kuya Gavin na ako lang ang makakarinig non.
nang umabante na ito ay naiwan pa ang amoy nito na ang sarap sundan.
natawa naman ako kay dom nang inabot nito ang palad ni kuya ay parang maiihi
sa sobrang kilig kinurot ko Ito sa tagiliran
tumikhim siya para mawala ang nakabara
sa lalamunan niya at umaktong parang walang nangyari pero sa loob nito ay abot langit
ang nararamdamang landi sa katawan.
nang mag pipicture taking na ay naamoy ko na naman si kuya.
nilingon ko ang likod ko para lang tumama SA isang matigas na pader este katawan.
'katawan?'tumingala ako at nagulat nang nasa mismong likod ko Ito.
bigla siyang humarap ulit pero dahil sa ginawa niya ay nauntog siya sa braso nitong bahagyang nakaangat para tanggapin ang pakikipag kamay ng isang hurado.
napahawahak siya sa nuo niya 'ang tigas non'