"okay ka lang"tanong ni dom tumango lang ako dito.hindi mawala wala ang kabang naramdaman ko sa kaalamang nasa malapit lang si kuya and worst nasa likod ko pa.
hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng ganito baka nadala lang ako sa sobrang gwapo nito..'pero gwapo rin si kuya William'
"smile"sabi nung magkukuha ng litrato samin.
ano ba yan kung saan saan na lumilipad ang utak ko.para mawala ang kaba ko ay ngumiti ako nang matamis sa camera.
napatulala naman sakin ang lalaking kumukuha nang picture.
ilang beses pa silang kinunan ng litrato bago natapos.
inalalayan ako ni dominic para makababa
at salubungin ang mga mahal ko sa buhay.lumapit agad ako kay tita na nakalahad na ang braso at niyakap ko Ito ng mahigpit.
"I'm so proud of you anak natutuwa talaga kame
dahil ginagawa mo na ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo at nakukuha mo na ring
makisalamuha sa ibang tao kahit wala ang kuya william mo"naluluhang saad nito.
"sweety"inilahad din ni tito ang braso sa kanya
para yakapin siya.
"mag celebrate tayo kumain tayong lahat sa labas" "naku po tito huwag na nakakahiya na po.
sapat na hong nandito kayong lahat para sakin at supportahan ako sa mga achievement ko".
madamdaming saad dito.
"no iha hindi ako papayag na hindi natin I celebrate Ito nagpa reserve na ako sa restaurant
para sa ating lahat"at tumingin Ito kila nanay soledad na agad namang sumang ayon.
wala na siyang nagawa.
lumapit si grace para batiin siya.
"iha sumama na kayo sa amin ni dominic mag celebrate"yaya ni tita jane dito
"ay game kame diyan ni grasya tita" si dom iyon ang lakas talaga ng radar nito.
"Ito talaga basta pagkain ang lakas nang pandinig"nagtawanan silang lahat.
nagpaalam muna siya sa mga Ito.
para puntahan ang head nila at ipa alam na mauuna na sila.
sabi naman ng principal kailangan din daw I celebrate nang buong school ang pakakapanalo ng university pero bukas na daw ng gabi.
para hindi daw kame masyadong mapagod.
nakangiti naman akong bumalik sa pwesto nila tita pero kausap pa ng mga Ito si mayor.
pati si grace at dom ay busy rin sa mga class mate namin habang nakikipagtawan.
"eherm"nanigas siya at tila natuod nang lingonin niya ang tumikhim sa bandang gilid na halos
magkadaiti na ang balat namin.
tumingala ako dito hindi man lang ako umabot
sa dibdib nito.siguro kailangan ko pang lumaklak ng vitamins para madagdagan kahit papano ang hight kong five and four inches.
ang bango niya talaga bahagya siyang pumikit
para samyohin ang amoy nito.
pero nang pagdilat ko ay nakatitig nato sakin
as in titig na titig hindi Ito kumukurap na parang ayaw akong mawala sa paningin niya.
o nag iilusyon na naman ako?.
wala namang mababakas na emosyon sa mukha nito. pero iba ang naramdaman ko
sa mga titig niya.
'gosh ang gwapo talaga' bumuka ang bibig ko dahil gusto ko itong kamustahin pero ayaw lumabas ng boses ko
kaya napaawang na lang ang labi ko
lumipat ang mata nito doon at kitang kita ko kung paanong gumalaw ang adam's apple ni kuya habang umiigting ang panga.
natulos ako at napalunok ng laway dahil sa ginawa nitong iyon.
ayaw na talagang tumigil ng puso ko sa lakas nang pintig para na akong kakapusin ng hininga dahil sa presensya nito.
'gosh tumigil kana heart baka mahalata tayo ni kuya' saway niya sa sariling puso.
"Gavin iho buti na lang at nandito kana"nakahinga ako nang maluwag ng tawagin ito ni tito.pasimple kong hinawakan ang dibdib ko para pakalmahin hindi maganda ang nararamdaman niyang iyon.
huminga muna ako ng malalim.
"tita magpapalit lang po ako"tumango naman ito.kinuha ko ang bagpack na naglalaman ng damit na sinuot ko kanina.
at isinukbit iyon doon na lang ako mag papalit sa dressing room kung saan kame mag bihis ni dom.magpapasama sana ako kay grace o dom pero masaya pa rin silang nakikipagtawan.
at ayaw ko naman silang istorbohin kaya no choice kundi ang mag isang pomunta sa dressing room.
habang naglalakad papunta sa back stage
may naramdaman akong sumusunod sakin
kaya lumingon ako pero laking gulat ko ng si kuya ang sumusunod na iyon.
nanlaki ang mata ko dito.
"k....kuya bakit..anu pong ..g..ginagawa niyo dito"?
kandautal na saad ko.agad binundol ng kaba ang dibdib na kakakalma pa lang dahil para akong hinihigop sa paraan ng pagkakatitig nito sakin.
"faster"mariing nito sakin?lumingon lingon pako sa paligid baka may kausap Ito na hindi ko nakikita.'wala naman' "move".her jaw dropped para itong nagdidiklara ng world war two sapagkakabigkas ng bawat kataga.
na kailangan sundin agad. kung ayaw mong paulanan ng bala or hagisan ng bomba.
'faster,move' daw ano to pati ba ako gusto niyang isabak sa training nang sundalo pasalamat siya gwapong gwapo ako sa kanya.kaya handa akong maging taga sunod niya hehe,,,joke.
"move" napatalon pa ako sa pagkabigla binigyan diin na nito ang pagkakasabi non.at mukhang nawawalan na ito ng pasensya.
mas domoble pa ang kabang naramdaman ko ngayun dahil dito.dahil sa kaalamang naka sunod nga Ito sakin.pero bakit?gosh nangangatog ang tuhod ko bakit ba kasi Ito sumusunod.
nang makarating kame sa dressing room ay bubuksan ko na sana ang pinto pero inunahan ako nito sa paghawak sa door knob kaya nasagi nito ang kamay ko"stay"nanigas ang buong katawan ko pati ang kalamnan ko ng malanghap ko ang mabangong hininga nito ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko nag tama pa ang mata namin bago Ito pumasok sa loob.
'magbibihis rin bato'?agad din itong lumabas after ng two minutes yata.
"it's clear go"literal na nalaglag ang panga niya.
iyon na yata ang pinaka mahabang nasabi nito simula pa kanina.
sumunod Ito sa kanya para samahan talaga siya.nabasa niya siguro ang isip ko kanina na wala akong kasama papunta dito sa dressing room kaya Ito nakasunod.
naguguluhan akong pumasok sa loob habang abot abot ang kaba sa dibdib.
ano bang nangyayari sa earth bakit may ,it's clear go, pang nalalaman si kuya.
nagmadali akong pumasok sa maliit na kwarto non para makapagbihis na.
dahil baka makarinig na naman ako ng faster,move mula dito.
nang matapos akong mag bihis ay nag pahid ako ng paborito kong liptint.
hinayaan ko nalang na nakalugay ang hanggang balikat kong buhok.naglagay ako ng hair clip sa kabilang gilid non.nang matapos ay nag spray ako ng cologne pinaligo ko na sa buong katawan ko nang mapantayan man lang kahit papano ang amoy ni kuya.napangiti ako ng makita ko ang sarili sa salamin'ganda mo gurl'.isinukbit na niya ang bag sa likod niya at lumabas na ng dressing room.napatitig naman sakanya si kuya nang paglabas niya hindi Ito kumukurap hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito dahil blanko naman iyon.bigla akong na conscious may dumi ba sa mukha ko?.
maya maya lang ay nagpatiuna na itong lumakad.nakasunod lang siya dito habang pinagmamasdan niya kung paano Ito lumakad
ang tindig at kilos nito ay hindi maipagkakailang sundalo malapad ang likod namumukol ang mga braso mahahaba din ang biyas at matambok na puwet siguro ay six and one inches ang hight niyo.naka suot ito ng fitted jeans na pinaresan ng white tshirt at pinatungan ng leather jacket.
para itong action star sa pormahan nito na sa Hollywood niya lang nakikita.ang buhok nitong medyo mahaba sa harapan ay bumagay talaga parang bagets lang kung titignan kesa sa edad nito.kung hindi ako nagkakamali ay nasa thirty six or thirty seven.ayun kay kuya william ay matanda daw Ito ng apat na taon sa huli.
nang makarating sila sa mga kasamahan nila
ay naghahanda na ang mga Ito.
"mando ikaw na ang bahala sa mga bata ha"bilin ni tito kay mang mando na ang tinutukoy ay sila dom at grace.sa van kasi sila sasakay samantalang kame nila tita ay sa kotseng ginamit nila sa pagsundo kay kuya Gavin.
na makarating kame kung saan naka park ang sasakyan agad binuksan ni kuya larry ang van at
pina una ng papasukin si nanay soledad
kasunod na sila ate lanie.mag katabi sa harapan ang mag ama at si kuya larry ang mag dadrive niyon.tinawag na ako ni tita para pumasok na sa kotse nasa likod kame ni tita habang si tito ay nasa passenger seat at si kuya ang nag drive.
nasa likod ako nito naka pwesto kaya tuwing susulyap ako sa rearview mirror ay mukha agad nito ang makikita ko kaya iiwasan kong mapalingon sa harap."sweety hindi ko akalain na ang galing galing mo pa lang sumayaw at ballroom pa talaga na favourite namin ng tito mo"humangang sabi ni tita namola naman ako sa papuri nito."you need to teach us sweety kame ng tita mo"natatawang saad naman ni tito "ang galing din ni dominic mag dala ng partner at kayang kaya kang buhatin at paikotin sa katawan niya"dagdag pa nito.
"anyway sweety nililigawan kaba ni dominic abay bagay na bagay kayong dalawa pareho pang talented"tanong ni tita napasulyap ako rearview mirror at nahuli niyang nakatingin ang kuya niya sa kanya.agad naman siyang nag bawi ng tingin dito."uhm t..tita best friend ko po si dom at hindi niya po ako liligawan"nahihiyang saad ko dito.hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa hita ko."hon huwag mo naman madaliin c ericka hayaan mong siya ang pumili kung sino ang magugustuhan niya and beside mga bata pa naman sila".mahabang salaysay ni tito."sabagay dapat pag aaral muna ang unahin niyo".sang ayon agad ni tita.
nang makarating kame sa restaurant ay nandun na sila mang mando kame lang ang tao doon dahil sinadya talaga ni tito iyon.
nang mai serve na ang mga pagkain ay nag paputok pa ng competi si tita "congratulations" sigaw ng lahat pati na rin ng staff na nag assist samin."maraming pong salamat. magkapanabay na saad namin ni dom ng nakangiti.
si tito ay nasa harapan habang nasa kabilang gilid nito ang asawa sa kabilang side ay si kuya kasunod ako. in short magkatabi kameng dalawa habang katabi naman ni tita si nanay soledad.
sa kabilang gilid ko ay si dom kaharap ni dom si grace."iha ano ba yan nakalimutan kong pormal na ipakilala sayo ang kuya Gavin mo dahil Ito ang unang pagkakataon na nagkita kayo".si tita
"Gavin iho siya nga pala si Ericka ang palaging kinukwento sayo ni william".nakita niyang humigpit ang hawak nito sa kubyertos.
'ayaw niya ba sakin?'.
mukhang walang balak na magsalita si kuya. kaya inunahan ko na lang Ito."kamusta po kuya"sabi ko nang nakangiti dito bahala siya kung sasagutin niya pabalik o hindi."I'm fine"seryosong sabi niya ang lalim at makapal ang boses nito talagang malaking tao ang nagmamay ari.hindi man lang siya kinumusta kaya nanahimik na ako.masayang kumakain ang lahat. habang nag uusap sila tito about sa negosyo nila.pagkatapos kumain ay may nag serve na ng wine para sa matatanda pero tig kalahating baso lang iyon.at soft drinks naman sa aming tatlo nila grace.napataas ang kilay ko ng ingoso ni dom ang wine dahil gusto rin nitong uminom.
at dahil hindi allowed ang mga minor na uminom ng alcohol sa restaurant na ito ay walang nagawa ang lola niyo kundi ang bumusangot na lang. natawa kame ni grace sa inasal ni dom.