chapter5

1746 Words
nang pauwi na ang kame ay sinabi ni tita na kay mang mando na daw sila sasakay ni tito dahil gusto na daw nilang mag pahinga mahaba rin ang binyahe nila kanina at ngayon ay 11pm na talagang kailangan na nilang mag pahinga dahil may trabaho pa sila bukas. kailangan pa naming ihatid si dom baranggay dahil nandon ang motor nitong ginamit kanina sumabay lang Ito sa van para masaya daw. hinatid pa namin sila tita jane sa sasakyan bago tinungo ang kotseng nakaparada na sa harap ng restaurant.nakatayo na doon si kuya habang naninigarilyo.nang lingonin kame nito ay napalunok ako.pano nako pag naihatid na si dom at grace?. hindi pa man pero abot abot na ang tahip ng dibdib ko.binuksan nito ang pinto sa bandang likod" hmm..gentleman i like it"nangingisay na namang bulong ni dom."tumahimik ka nga diyan dom baka mamaya marinig kapa ni kuya Gavin balita ko allergy sa mga bakla ang mga sundalo sige ka bukas nasa pasig river na ang beauty mo ikaw din".nandidilat sa takot naman si dom na napatakip pa sa bibig."hmp..hindi ko na siya type "nagtawanan kame ni grace sa turan nito.nauna nang pumasok si grace sa loob susunod na sana ako dito ng pigilan ako ni dom.nagtatakang napatingin ako dito."ako diyan ayoko katabi ang kuya mo baka masayang lang beauty ko"mahinang bulong nito."per.."hindi na niya natuloy ang pagprotesta dito ng isarado na nito ang pinto.nilingon ko si kuya humithit pa Ito. nang ilang beses bago nagbuga ng usok sa ere at nilaglag ang upos na sigarilyo sa semento tsaka inapakan para mamatay ang sindi non. bago nito binuksan ang pinto.hindi niya kasi magawang buksan iyon dahil nakahawak ang kamay nito doon.nasundan na lang niya Ito nang tingin habang papunta sa kabilang side ng pinto. ng makapasok ito ay tinignan niya muna ang dalawa sa likod.na agad namang napatuwid ng upo."seatbelt"saad nito sa baritonong boses. tinignan ko ang sarili ko at hindi ko pa pala naikabit iyon.dali dali ko iyong kinuha at ikinabit. tahimik lang kame sa byahe tinignan ko si grace busy ito sa cellphone nito habang si dom naman ay nakapikit at nakasandal ang ulo sa pinto. una naming nahatid si dom sa baranggay.bago pina andar ni kuya ang sasakyan sinigurado nitong naka alis muna si dom. mga fifteen minutes din ang binyahe bago kame nakarating sa malaking bahay nila grace. kumaway pa ito sakin bago pumasok sa loob. nang kameng dalawa na lang ni kuya pinikit ko kaagad ang mata ko at nag kunwaring tulog. para ignorahin ang puso kong nagririgodon. naging tahimik rin si kuya.makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ito"how old are you?"lumingon ako dito."seventeen po"mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya. "f*ck"mahinang usal nito at humigpit din ang hawak nito sa manibela.binalewala ko na lang ito.bakit parang bigla yata siyang nagalit?. hanggang sa makarating kame ng mansyon ay walang nagsalita samin. agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob nakasalubong ko pa si ate lanie. "bakit gising pa po kayo".tanong ko dito "hinintay talaga kita para ipagtimpla ng gatas". lalakad na sana ito papuntang kusina ng pigilin ko."ako na po ate mag pahinga na po kayo"sabi ko dito. "sigurado ka ganda?"tumango ako dito. at dumiretso na ako sa kusina para magtimpla at umakyat na sa kwarto ko. nilapag ko muna ang gatas sa table at pumasok sa banyo para sa madaliang shower dahil nanlalagkit ang buong katawan ko. nagpalit ako ng ternong cotton medyo maiksi ang short non na kulay yellow.nang maubos niya ang gatas ay tsaka siya humiga . sobrang pagod ay nakatulog agad siya kinaumagan ay nagising siya ng marinig ang katok sa labas ng pinto."pasok"namamaos niyang sigaw."ganda hinihintay kana sa hapag"bungad ni ate lanie.nag inat muna siya ng katawan at tsaka pumunta ng banyo para mag hilamos at mag sepilyo.nag suot siya ng bra bago lumabas."good morning po"matamis siyang ngumiti ng pumasok siya sa kusina. ngunit nauwi sa ngiwi ang pinaka maganda niyang. ngiti nang magtama ang tingin nila ng kuya Gavin niya.ang gwapo gwapo nito naka suot lang ito ng sandong puti na hapit na hapit sa mabukol nitong ab's at naka pajama Ito siguro ay kagagaling lang nito sa jogging napalunok siya ng laway niya.and oh parang ipinagmamalaki pa nito ang katawan kahit malaki naman talaga. sa kahit sinong gustong bumangga dito na hindi Ito basta basta maigugupo ng ganon ganon lang. dahan dahan niyang ibinaling ang mata sa mag asawa dahil nakakaramdam siya ng init alam din niyang pinamumulahan na siya ng mukha"uhm tita tito good morning po" lumapit na lang siya at hinalikan ang mga ito sa pisngi. "good morning sweety"bati din ni tita at nginitian naman ako ni tito. "g-good morning po kuya.."bati ko kay kuya nang hindi ito nililingon dahil baka mapako na naman ang mata niya dito matiim pa naman Ito kung tumitig.nag timpla muna siya ng kape niya bago dumulog sa hapag. "anak bakit kape ang tinimpla mo"napalingon siya kay tita jane."pampawala po ng antok"sabi niya dito dahil talagang inaantok pa siya. "iha anak mauuna na kame sa inyo"paalam ni tita jane pagkatapos kumain."mag iingat po kayo ni tito"lumapit sila sakin at hinalikan ako sa gilid ng nuo hinatid ko na sila ng tanaw. nang kameng dalawa na lang ni kuya ay parang hindi naman ako mapakali sa kina uupoan ko. alam kong nakatitig parin ito sakin.nag concentrate na lang ako sa pagkain. nang matapos ay dinala ko Ito sa lababo at hinugasan."mauna na po ako kuya. tsaka pa lang ako tumingin sa kanya. napatda ako dahil huling huli ko kung paano nito hagurin ng tingin ang buong katawan ko particular na sa aking hita na nakabanlandra sa mga mata nito.binundol ng malakas na kaba ang dibdib ko parang may dumaan na malabong eksena sa isip pagkakita ko sa mga mata nito na parang pamilyar sa kanya. dahil doon ay dali dali siyang umalis sa harap nito at tinungo ang kanyang kwarto at nag lock. napasandal siya sa pinto habang hawak ang dibdib.'bakit parang pamilyar ang mga matang yun?''ipinilig niya ang ulo impossible alam niyang matagal ng nangyari yon.bakit sa isang iglap ay bumabalik na naman sa kanyang isipan. hindi na muna siya lumabas ng kwarto niya buong mag haponan kahit kinakatok na siya ni ate lanie ay sinabi niyang hindi pa siya nagugutom.hindi lang naman ito ang unang beses na hindi siya kumakain sa buong mag hapon.sanay na rin ang mga ito lalo na pag dumating na ang buwang dalaw niya ay mas gusto niya ang nasa kwarto lang at magbasa. sumapit ang alas sais ay nag handa na siya.para pumunta sa school nila dahil ngayon magsi celebrate ang university. nag suot siya ng silky dress na lagpas hita kulay peach iyon at hapit na hapit ang bandang bewang non sa katawan niya. nag hairband lang siya ng buhok at nag suot ng sandals.nag lagay lang siya ng liptint at sinuot ang poborito niyang jewelry. nang lumabas siya nang kwarto niya ay nakita niya si ate lanie na papunta sana sa kanyang kwarto para hatiran siya ng pagkain. "ganda aalis ka hindi ka na ba kakain?"tanong nito sa kanya."hindi na po ate lanie papunta na po kasi rito si dom sabay kameng pupunta na school"nakangiting sabi niya dito. "ikaw bahala ito talagang batang Ito hindi na naman kumain lunch at nag meryenda kaya ka mas lalong pumapayat eh"litanya nito sa kanya. hinalikan niya na lang Ito sa pisngi at tsaka nag wave dito dahil nag message na si dom na nasa labas na ito.pero nasa sala si Gavin at prenteng naka upo habang may hawak na wine. hindi niya tuloy alam kung kailangan pa niyang mag paalam dito.dahil baka maulit na naman ang ginawang pag hagod nito sa kanyang katawan tulad kaninang umaga. 'gosh I don't know what to do' para na rin mag pakitang galang dito ay magpapaalam na lang siya total ay mas matanda naman Ito sa kanya at sila ang may ari nitong mansyon kung saan nakikitira Siya ngayon.dahan dahan siyang lumapit dito. "uhm k-kuya..p-punta po muna ako ng school. ngayon po kasi ise celebrate ang pagkakapanalo ng school namin."napakagat labi siya at napayuko dahil ayaw niyang masalubong ang mata nito.ilang sandali ding hindi ito sumagot kaya ng marinig niya ang busina ng kotse ni dom ay umalis na lang din siya sa harapan nito kahit ang lakas ng pintig ng puso niya ay nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad. tutal ay wala naman itong balak magsalita. at dahil nakayuko ay hindi na nakita ni Ericka Kung paano siya titigan ni Gavin at pagkuyom ng kamao nito. kahit napuyat siya kagabi ay maaga pa rin siyang gumising.dahil linggo ngayon at mag sisimba siya mula nang ipanganak pa lang siya ay iyon na ang itinuro sa kanya na butihing nanay niya na kahit anong mangyari ay huwag na huwag daw niyang kakalimutan ang mag dasal sa panginoon.kaya kahit mag isa na lang siya at ulilang lubos. ay kailangan pa rin niyang mag patuloy dahil iyon ang ipinangako niya sa puntod ng nanay at tatay niya na kahit anong mangyari ay hindi siya bibitiw sa pananalig sa puong maykapal. minsan ay sinasamahan siya ng mag asawang miller at kung minsan din ay si nanay soledad.pero madalas ay ako lang mag isa.pag out of town ang pupuntahan nila tita jane naiintindihan ko kung hindi sila nakakapagsimba.nakikita ko rin ang pagod sa kanilang mukha.kung may magagawa lang ako para tulungan sila ay ginawa ko na.para makabawi man lang sa lahat ng kabutihang ginawa nila sakin. pero sa ngayun kailangan ko munang mag aral at pinapangako kong ako naman ang magsisilbi sa kanila.hindi na siya nag masyadong nag ayos nang matapos ay agad na siya lumabas para kumain.pero binundol na naman ng kaba ang dibdib niya ng si kuya Gavin lang ang nandoon at nagtama ang kanilang mata agad siyang umiwas ng tingin dito.dahil hindi maganda ang nararamdaman niya sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mata. "nanay nasan po sila tito at tita".nagtataka niyang tanong dahil madalas ang mag asawa ang nauuna sa hapag. "anak mukhang mahimbing pa ang tulog nila dahil anong oras na rin sila naka uwi kagabi" saad nito habang naghahanda ng pinggan para sa kanya."nay sa labas na po ako kakain hindi pa naman po ako nagugutom"pigil niyang Sabi dito."aalis na po ako kuya"mahinang ani niya Kay gavin.agad siyang tumalikod dito at dire diretso palabas ng mansyon.nadatnan niya si kuya larry na naghihintay sa kanya. alam nito na nagsisimba siya tuwing linggo kaya Ito ang naghahatid sundo sa kanya. nginitian niya Ito tsaka sumakay ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD