chapter 6

2150 Words
nakikinig lang si ericka habang nagsasalita ang pari.hindi niya namamalayang tumulo na pala ang luha niya.nang makakita siya ng isang buong pamilya na umupo sa unahan ng kinauupoan niya.pinagmasdan niya ang mga ito. lumingon sa likod nito ang bata at nginitian siya. pinunasan niya muna ang luha at saka ngumiti dito pabalik.nang matapos ang misa ay ilang minuto pa siyang nanatili doon para hamigin ang sarili may mga bagay at pangyayari siyang gusto ng kalimutan sa nakaraan. pero hanggang ngayon ay nasa isip at pabalik balik pa rin sa kanyang panaginip. 'gusto ko ng kalimutan ang nakaraang yon'. nagpasya na lng siyang pumunta sa park di kalayuan sa simbahan.gusto niya pag umuwi siya sa mansyon ay okay na siya. ayaw niyang ipakita sa iba na mahina siya ayaw na niyang kaawaan ang sarili tulad noon. hindi rin niya pinapakita sa ibang tao na umiiyak siya.kung iiyak man siya ay sisiguraduhin niyang hindi tungkol sa sarili niya ang dahilan.mula ng mawala si william. ay binago niya ang sarili tumayo siya sa sariling mga paa niya pinilit niyang bumangon at dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan niya at pagmamahal na ipinaramdam sa kaniya ng pamilyang miller ay nakalimutan niyang nag iisa na siya sa buhay.hindi niya namalayan ang oras alas kwatro na ng hapon tsaka lang kumalam ang sikmura niya.nakita niya ang ale na nagbebenta ng bananacue nilapitan niya Ito. "nanay mag kano po iyan,"tanong habang turo ang bananacue"tag limang piso lang ang isang stick ineng"bumili siya ng isa at isang plastic cup ng palamig."ang ganda ganda mo naman ineng para kang artista ang puti puti mo pa."inabot naman niya ang binili niya mula dito"thank you po nanay"nahihiyang saad niya. napatingin siya nang may batang lumapit sa kanya sabay lahad ng maliit na kamay nito. hindi ito nag iisa dahil may makasama pa itong mas bata pa dito habang magkahawak kamay. "ate pasensya na po pero nagugutom na po kame ng kapatid ko"mahinang sabi ng batang lalaki na nasa siyam na taong gulang ang tingin niya sa edad nito. habang akay naman nitong kapatid ay nasa apat na taong gulang siguro .nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang bata."kawawa naman ang dalawang batang ito asan ba ang mga magulang niyo"napatingin ako sa ale nag magsalita ito."umalis po kame sa bahay namin dahil sinasaktan po kame ng bagong kinakasama ni nanay"tila maiiyak nang paliwanag ng batang lalaki.parang kinurot ang puso ko dahil sa narinig.bumaling ako agad sa ale."nanay pabili pa po para sa kanila," "huwag na ineng bibigyan ko na lang sila" nginitian ko ang ale dahil sa turan nito. may mga tao talaga na kahit hirap sa buhay ay nakukuha pang tumulong sa kapwa.na touch ako dahil sa kabaitan ng ale. hindi niya lang basta pinakain ang mga bata pinaupo niya pa ang mga ito.awang awa siya sa mga batang ito.para lang hindi pagbuhatan ng kamay ng stepfather ay mas pinili nilang lumayo kesa masaktan."kuya antok napo ako san tayo tutulog"inosenteng tanong ng batang babae. "huwag ka mag alala bunso hahanap si kuya ng paraan hindi na tayo babalik sa bahay para hindi kana palo-in ni nanay pag hihinge ka ng pagkain."doon na tumulo ang luha niya na agad niyang pinunasan ang babata pa nila para pagbuhatan ng kamay ng mismong mga magulang kung may magagawa lang talaga siya para sa mga batang ito.napatingin siya sa ale na nagpupunas ng luha."mga bata san na kayo tutuloy niyan?"naawang tanong ng ale. matapos kumain ay nagpakarga ang batang babae sa kuya nito dahil napagod ito sa maghapong palaboy laboy agad pumikit ang batang babae ng kargahin Ito ng nakakatandang kapatid kahit payat at nanghihina pa ang pangagatawan nito ay walang reklamo na maririnig mula dito ng kargahin nito ang kapatid.agad akong lumapit sa mga Ito at kinuha ang batang babae. ako na ang kumarga dito.dahil nakita kong nahihirapan din ito kahit hindi nagrereklamo."ate baka marumihan po kayo"nginitian ko ito."walang problema sige kain ka lang diyan ako muna bahala sa kapatid mo." "salamat po. hindi lang po kayo maganda ang bait bait niyo rin po ate,"sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain."ano pangalan mo?'tanong ng ale sa bata."james po at joylyn naman po ang kapatid ko,"magalang namang sagot ng bata. "james saan naman kayo tutuloy ng kapatid mo ngayon dilikado dito sa lansangan lalo na't ang babata niyo pa."nag aalalang tanong ng ale. "huwag po kayo mag alala sa amin ni joylyn na'y pupunta po kame doon,"sabay turo nito sa kaliwang side ng kalsada.sabay kameng lumingon ng ale.'the house of angel's,' kung hindi ako nagkakamali ay bahay ampunan iyon. hindi niya maiwasan ang makaramdam ng galit para sa nanay ng mga inosenteng bata.pano nila natitiis na saktan ang kanyang sariling anak na umabot pa sa ganitong desisyon na mas gugustuhin na lang ng mga Ito ang tumira sa bahay ampunan."sigurado kana ba na ayaw mo ng umuwi sa bahay ng nanay niyo,"naawang tanong niya kay james.umiling lang ito sa sinabi niya."hindi na po ate ganda maliit pa lang po ako sinaksaktan na ako ni nanay pag hindi ko lang po agad nasunod ang utos niya,"lumapit Ito sa kanya at yumakap ang maliit na braso nito sa kanya at doon sinubsob ang mukha sa hita niya. "p-pati si joylyn po sinasaktan na nila h-hindi ko po kayang makita ang kapatid ko na m-may mga pasa sa katawan at m-minsan po ay hindi kame pinapakain ni nanay kaya po namamalimos po ako para makabili ng pagkain namin pero kagabi po kinuha ni tito ang perang kinita ko mula sa paglilimos at binugbog po niya ako umiyak lang po si joylyn kagabi dahil nakita po niyang sinasaktan ako ni tito pero pati siya ay sinaktan din ni nanay,"sabi nito habang umiiyak agad naman itong dinaluhan ng ale at hinamas himas ang likod nito para patahanin. pinunasan niya ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.walang awa ang mga magulang nito. paano nito naaatim na saktan ang mga batang walang kamuwang muwang. "paki usap huwag niyo na po kame ibabalik sa kanila,"pakiusap nito."hindi..hindi na huwag ka mag alala hindi namin kayo ibabalik sa nanay niyo."ngumiti siya dito at iniyakap niya ang isang braso dito habang karga si joylyn. "gusto mo samahan ko kayo diyan sa the house of angel's para masiguro kong ligtas kayo," "talaga po ate?"tumango siya dito. "sasama na rin ako sa inyo ipapatingin ko na lang itong mga paninda ko sa kasama ko,"nagbilin lang ito saglit at inakay na nito si james.habang karga ko pa rin si joylyn. nang matapos naming kausapin ang mga madre at ikwento ang pananakit sa mga bata mula sa sariling magulang at nakita na may mga pasa pa sa maliliit na katawan ng mga ito.ay agad nilang pinatuloy sa kanilang tanggapan.kung sakaling hanapin at kunin man daw sila ng magulang nila ay ang dswd na daw ang bahala. nangako naman siya sa dalawang bata na madalas niya itong dadalawin at isasama niya si dom at grace.nag abot siya sa mga madre ng donation at laking pasalamat naman ng mga ito dahil minsan lang daw silang naaabutan ng tulong ng gobyerno. binigyan niya rin si aling remedios ng isang libo para ipambayad sa kinain niya kanina at ng mga bata. ayaw pa sana nitong tanggapin ang pera dahil bigay daw niya iyon sa mga bata pero ako ang nag pumilit dahil mahirap ang buhay at alam kong konti lang ang kinikita nito sa buong mag hapon.tinignan niya ang oras at mag aalas sais na ng gabi. bumalik siya sa park kung saan siya nakaupo kanina. huminga siya ng malalim at inilibot ang paningin sa paligid.maya maya ay nagpasya na siyang umuwi.hindi na siya nagpasundo kay kuya larry dahil ayaw niyang masyadong maka istorbo sa mga tao lalona't kaya naman na niyang umuwi mag isa.pag dating sa mansyon ay naabutan niyang nasa sala at nanonood ng Hollywood movie ang mag asawa masigla siyang lumapit kahit hindi pa siya napapansin ng mga ito. niyakap niyang ng mahigpit si tita jane mula sa likod"tita nandito na po ako,"malambing niyang Sabi dito.hinawakan nito ang kamay niya na nakayap dito at ang isa naman ay inihawak sa pisngi niya."bakit ngayon ka lang anak kagabi pa kita hindi nakita na miss kita agad"kunway tampo nito sa kanya."sorry po tita ginabi na po kasi kame sa school pero hinatid naman po ako ni dom kagabi,"paliwanag niya.tumikhim si tito bernard kaya napalingon kameng dalawa dito. lumapit siya at niyakap din Ito. hinalikan naman siya nito sa gilid ng nuo. "kamusta naman ang lakad mo iha?" usisa nito sa kanya "okay naman po tito"at ngumiti. "Sabi ni larry hindi ka daw nag pasundo sa kanya why?"auncle Bernard asked. "I'm sorry tito may dinaanan lang po ako saglit." pagdadahilan niya.tinapik lang nito ang likod niya."magpahinga ka muna kakain na tayo maya maya.tumango siya dito humalik muna siya sa pisngi ni tita jane bago pumanhik sa kanyang kwarto.nag pahinga muna siya saglit bago pumasok sa banyo at naglinis ng katawan. bumaba na rin siya ng kusina at tumulong sa paghahanda ng hapunan. nang pinuntahan ni nanay soledad ang mag asawa para yayaing kumain.ay hindi niya napansin ang pagpasok ni Gavin sa kusina may hawak siyang mainit na sabaw sa malaking bowl nang sa pagpihit niya ay di sinasadyang mabangga niya Ito.eksaktong nakabig niya ang bowl para hindi matapon dito dahil sa ginawa niya ay sa kanya natapon iyon.konti lang naman ang natapon pero mainit iyon at bagong salin niya mula sa kumukulong kaldero.naipikit niya ng mariin ang mata ng humaplos sa gitna ng dibdib niya pababa ang mainit na sabaw. maagap na nahawakan ng nasagi niya ang bowl para hindi iyon matapon lahat.nang lumingon siya dito para malaman niya kung sino nabangga niya pero nagulat siya Ito ay walang iba kundi ang kuya Gavin niya."k-kuya o-okay lng po ba?"nag aalala niyang tanong at napapikit ulit sabay hawak sa laylayan ng tshirt para mailayo iyon sa balat ko dahil mahapdi talaga.napatingin si kuya doon pero hindi nag salita"s-sorry po kuya hindi ko po sinasadya,"hinging paumanhin niya dito. dahil kasalanan ko naman talaga.nakatigtig lang Ito sa kanya blanko ang ekspresyon ng mukha nito kaya hindi niya alam kung nag aalala ba ito sa kanya o hindi.nang akma nitong hahawakan ang kamay niya ay nagpaalam na agad siya dito. "m-magbibihis lang po ako kuya," nakangiwi niyang paalam dito.bago pa sila maabotan ng mag asawa dahil natitigilan na naman siya pag tumitingin sa mga mata nito na para siyang hinihigop kung makatitig. dali dali akong umakyat sa kwarto ko bago pa ako mapansin ni nanay soledad na pabalik na ng kusina.nang makapasok siya sa kanyang kwarto ay agad na niyang hinubad ang kanyang maninpis na tshirt.nag hanap siya ng face towel "ouchhh"daing niya ng dahan dahan niyang ipunas doon ang basang bimpo. pero nagulat siya ng may humawak sa kamay niya at kunin ang pamunas."k-kuya"agad niyang iniyakap ang mga braso sa nakahantad niyang dibdib bagama't naka bra pa siya. napakagat labi siya ng magtagpo ang kanilang mata at maghinang. para talaga siyang nanghihina sa mga titig nito. "k-kuya please paki sabi na lang po kila tita jane na susunod na ako,"at mariin niyang nakagat ang pang ibang labi dahil sa kahihiyan dito. akala naman niya ay lalabas na Ito. "let me"lumapit pa Ito na ikinaatras niya."k-kuya kaya ko naman po".mahinhin protesta dito. dahil titig pa lang nito ay nanlalambot na siya pano pa kaya kung madampian ng malaking kamay nito ang manipis na tiyan ko. "we need to treat your burn"napilitan siyang lumapit dito.at dahan dahan niyang inalis ang mga braso napapikit na lang siya dahil ayaw niyang makita kung paano titigan ni kuya Gavin ang nakahantad niyang katawan. naramdaman niyang dahan dahan nitong idinampi ang bimpo sa paso niya.napadilat siya nang mismong daliri na nito ang naramdaman niya sa balat niya.nahigit niya ang hininga ng dahan nitong pinahidan ng ointment cream ang paso niya.hindi ko alam pero sa tingin ko ay rinig na rinig na nito ang t***k ng puso niya. naitukod niya ang kamay sa salamin. dahil nanghihina siya sa haplos ng daliri nito. pababa sa manipis niyang tiyan at pataas sa gitna ng dibdib niya. nag iinit na rin ang buong katawan niya.dahil sa haplos nito."k-kuya"nasambit niya. bigla na lang din itong tumayo ng tuwid at lumabas.napasandal siya sa pader ng matauhan at napahawak sa kanyang dibdib na ang lakas ng pintig.'my god anong nangyari?'. naiusal niya bakit siya nakaramdam ng ganon samantalang nilalapatan lang naman ng lunas ang paso niya. lalabas na sana siya para lang magulat na nandoon pa pala Ito sa kwarto niya. at ang ikinabigla niya ay lumapit ito at isinuot ang tshirt niya na malamang ay kinuha nito sa closet ko.natitigilan naman akong pinag masdan Ito lalo na't ang lapit lapit ng mukha nito.sa kanya bigla siyang yumuko ng sa tantiya niya ay lilingon na Ito sa kanya.umatras Ito Ng ilang pulgada at saka siya pinagmasdang maigi. "s-salamat po kuya"alanganing saad niya. "let's go downstairs they are waiting for us. nagpatiuna na ito.habang siya ay natitigilan pa ring sumunod dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD