chapter 7

2039 Words
napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung anong oras na.twenty five minutes na lang at malalate na siya sa klase nila. 'mali talaga ang desisyon sa buhay na tumunog na nga ang alarm ay pinatay mo lang at pumikit ulit.' hirit niya sa kanyang isip. hindi agad siya naka tulog kagabi dahil sa kuya Gavin niya.bakit parang may nag iba parang nag bago siya.kahit wala akong mabasang emosyon dito.pero ramdam ko na parang nag alala siya sakin kagabi dahil sa nangyari.sa kakaisip ko ay hindi agad ako dinalaw ng antok hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog at nagawa pa niyang patayin ang alarm niya ng tumunog iyon.madaliang ligo at wala na siyang ibang ginawang serimonya sa katawan niya dahil masakit ang paso niya at kumikirot pa iyon kaya ayaw niyang magbabad sa tubig ng matagal pagkatapos mag toothbrush at gargle. basta na lang din niya hinila ang kanyang bag at binitbit ang suklay sa sasakyan na lang siya magsusuklay.ngumiti agad siya ng bumungad siya sa kusina."good morning po"sabay halik sa pisngi ng mag asawang miller"g-good morning po kuya"hindi siya makatingin ng diretso dito. "iha hindi kana ba kakain?"nagtatakang tanong ni tito ng hindi ako umupo sa hapag. "tito hindi na po malalate na po ako sa school." "tita aalis na po ako bye-bye po."tumango Ito "mag iingat ka sweety."pahabol saka ngumiti ng matamis.nagmamadali na siyang lumabas ng kusina kulang na lang ay takbuhin niya ang sasakyan para maka alis agad papuntang school.'pahamak kasi ang kagwapohan ni kuya gavin eh.' nang makita niya si kuya larry ay tumakbo na siya palapit dito."good morning po kuya larry"nakangiti niyang saad ng malapit dito. "good morning din po ma'am.dahan dahan lang po baka madapa po kayo"alerto naman itong naka alalay sa kanya."malalate na po ako kuya"agad itong kumilos at saka pinaandar ang kotse. pag dating sa school ay agad siyang bumaba"bye-bye kuya larry ingat po kayo pauwi."sabay kaway dito. at lakad takbo ang ginawa niya para maka habol sa first subject niya.and thanks god dahil wala pa ang teacher nila masungit pa naman yon. agad niyang nilapitan ang dalawang kaibigan niya na naghihintay sa kanya. "anyari te para kang hinabol ng horse sa itsura mo."mahinang sabi ni dom. "na late ako nang gising mga sis." inabutan siya ng sandwich at tubig ni grace. "bilisan mo mukhang hindi ka rin kumain eh." alam talaga nito na hindi pa siya kumakain. ngumiti siya dito ng tanggapin iyon. "thank you"at nilantakan agad niya dahil baka maabotan pa siyang kumakain ng teacher nila. natapos ang buong araw ng klase nila ng walang pumasok na lesson sa kanyang utak.mag hapon siyang lutang.minsan ay kinakalabit pa siya ni grace pag natutulala siya. "oy gurl anyari sayo bakit lutang ang peg." usisa ni dom."naku hindi maganda yan sis"segunda naman ni grace. ipinakita niya sa mga ito ang paso niya at sabay napasinghap ang dalawa. idinahilan niyang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil kumikirot Ito paggagalaw siya ng higa.buti at agad naniwala sa kanya ang mga ito.dahil hindi niya kayang sabihin ang totoong dahilan kung bakit muntikan na siyang ma late at lutang sa klase. "grabe ang laki ng paso mo gurl ayos ka lang ba? dapat hindi mo na pinilit pumasok ngayon"? sa totoo lang ay ngayon niya ramdam ang sakit ng paso niya at hindi rin siya makakilos ng maayos.lumubo na kasi iyon at parang may tubig pa."pinatingin mo na ba yan sa tita mo."nag aalalang tanong ni grace. umiling lang siya dito.at wala din siyang balak sabihin sa mga kasama niya sa mansyon dahil ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yong nakaka istorbo siya."gurl naman hindi biro yan ang laki niyan oh.may sariling hospital ang tita mo kayang niyang gamotin agad yan."huminga siya malalim."alam niyo naman di ba.?ayoko ng nakaka istorbo sa iba. saka kaya ko naman sarili ko papahiran ko na lang Ito ng ointment mamaya."Sabi niya sa mga ito para hindi na sila mag alala ay ngumiti na lang ako ng matamis."sige na nga tigas talaga ng ulo mo."sumusukong sabi ni dom. "basta sis kung hindi mo kaya ay huwag kana lang pumasok bukas ha..kame ng bahalang mag paliwanag ni dom sa adviser natin."nang palabas na sila ng school ay si dom na ang nagbitbit ng kanyang bag. agad naman niyang nakita si kuya larry ng makasakay sa kotse ay pinikit niya ang mga mata.dahil pakiramdam niya ay mainit ang buong katawan niya.'iinom na lang ako ng gamot mamaya." salamat po kuya larry."sabi niya dito ng huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon."walang anuman po ma'am." nang makababa siya ay hindi niya pinahalata na may iniinda siyang sakit.ayaw niya kasing mag alala ang mga Ito sa kanya. naka hinga siya ng maluwag nang wala siyang naka salubong hanggang sa makarating siya ng kanyang kwarto.basta na lang niya inilapag ang kanyang bag sa kung saan binuksan niya ang drawer ng kanyang tukador at kinuha ang inhaler niya dahil nahihirapan rin siyang huminga.nagdalawang isip pa siya kung bababa sa kusina para kumuha ng tubig dahil kailangan niyang uminom ng gamot.sa huli ay nagpasya na lang siyang mag pahinga baka napagod lang siya nitong mga nakaraang araw. baka pag gising niya mamaya ay ma ayos na ulit ang pakiramdam niya.nang makahiga siya ay tuluyan na siyang nakatulog hindi na niya nagawang mag tanggal ng sapatos at mag bihis ng pambahay. "ma'am Ericka kakain na ng haponan hinihintay kana nila sa ibaba."tawag ni lanie sa kanyang alaga pero hindi ito sumasagot."is there a problem.?" bubuksan na sana niya ang pinto para i check kung nasa kwarto ba si ericka.nang magsalita si sir Gavin."ay sir titignan ko po sana si ma'am ericka kung natutulog pa po gigisingin ko sana para kumain na."paliwanag niya sa amo. "let me."Ito na ang nagbukas ng pinto at sumunod na lang siya dito. nandito nga ang alaga niya at tulog na tulog ni hindi na ito nakapag bihis. hinawakan niya ito sa pisngi para gisingin pero nagulat siya. nang sa pagdantay ng kamay niya dito ay mainit Ito sinalat niya ang nuo nito inaapoy nga ito ng lagnat."s-ser nilalagnat po si ma'am ericka. agad naman itong lumapit at sinalat din nito ang nuo ng kanyang alaga."f*ck."inayos pa nito ng higa si ericka tatalikod na sana siya para tawagin ang señora ng makita niyang tinatanggal ni sir Gavin ang butones ng uniform ng kanyang alaga sasawayin niya sana ito ng tuluyan na nitong maalis ang huling butones at tumambad sa kanila ang namamagang malaking sugat ni ericka sa parteng gitna ng dibdib hanggang pababa sa tiyan nito. "s-ser napano po iyan." nag aalala niyang tanong patungkol sa kanyang alaga. "call my aunt now."agad siyang tumalima at napatakbo na pababa para tawagin ang tiyahin nito.humahangos namang sumunod ang mga Ito pasunod sa kanya matapos niyang sabihin na nilalagnat ang kanyang alaga si ate soledad naman ay natatarantang dumiretso sa kwarto ng mag asawa at pag balik nito ay dala na ang gamit ni señora jane para suriin si ericka."napatakip pa Ito ng bibig ng makita nito kung gaano kalaki ang sugat ng kanyang alaga."iho anong nangyari saan niya nakuha iyan."tanong nito sa pamangkin. "hot soup poured over her last night" nanahimik ang lahat habang sinusuri ang kanyang alaga. nagising si Ericka na mabigat ang pakiramdam tatayo sana siya pero nanghihina pa siya. pinakiramdaman niya ang sarili kinapa niya ang tiyan kung san nandon ang kanyang paso. pero napatingin agad siya ng iba na ang kanyang suot itinaas niya ang damit hanggang dibdib at nakita niyang naka benda na iyon.ibinalik niya ulit sa dating ayos ang suot. "s-sinong may gawa nalaman naba nila" tinignan niya ang oras at nanlaki ang mata niya ng 2am na yon."ganon ba ako kalalim ang tulig ko at wala man lang akong naramdaman" mamaya pagsumikat na ang araw na lang siya magpapaliwanag kay tita jane. pipikit na sana siya ulit ng dahan dahan bumukas ang pinto at iniluwa non si kuya Gavin at may dala itong isang tray ng pagkain. "k-kuya"wala siyang mahagilap na salita. "you have to eat.like you have no intention to eat again."natulala siya dito.totoo ba itong nakikita niya?.oo matigas ang awra nito sa panlabas na anyo.pero hindi lang siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon at dinalhan pa siya ng pagkain.and take note nag sasalita na rin ito sa kanya ng mahaba."k-kuya"wala pa rin sa sariling sambit niya."tsk"napa iling ito. "wala kabang ibang sasabihin kundi kuya?." nanlalaki ang matang hindi siya maka paniwala sa turan nito."nagtatagalog ka po.?"parang tangang tanong niya dito. tumaas ang gilid ng labi nito.'ang gwapo talaga." "what do you think?."lumapit Ito at inilapag ang dalang pagkain sa ibabaw ng bedside table. "s-salamat po kuya hindi mo na dapat ako dinalhan ng pagkain dito kaya ko naman pong bumababa."nahihiyang turan niya dito. ayaw niya kasi ng inaasikaso pa siya.sobrang nahihiya na siya ng ganon. "yeah.when you think about eating you will eat. but often you don't eat."sabi nito sa seryosong tinig. "now tell me..are you eating well?." parang bata pa siyang tinatanong nito. "k-kuya kumakain naman po ako sa school pag hindi ako nakaka kain dito."naka yukong Sabi niya dito."tsk"tahimik lang siyang naka yuko alam niyang pinagmamasdan pa rin siya nito."eat that you,so you can take medicine." pagtatapos nito.napatingin naman siya sa dinala nitong pagkain.napangiwi siya ng makita ang ampalaya doon.hindi naman siya maarte sa pagkain pero hindi lang niya talaga gusto ang lasa ng ampalaya ayaw niya rin ng mga pagkaing madudulas like okra and saluyot. kinuha niya ang tray.ampalaya,kanin at egg soup dalawang saging at tubig lang ang nandoon. wala na bang laman ang ref?kaya Ito ang niluto ni nanay soledad?siguro nga pero imposibleng maubusan ng laman ang ref dahil sinisiguro ni tita jane na hindi sila mauubusan ng luluto-in. nag umpisa siyang kumain dinampot niya ang kutsara at inumpisahang kumuha ng egg soup napangiti siya ng masayaran ang kanyang sikmura ng mainit init na sabaw. binalatan din niya ang saging at inumpisahang kainin iyon.nangangalahati na siya sa egg soup ng lumapit at umupo sa tabi niya si kuya Gavin sabay kuha sa kutsarang hawak niya.nagulat siya sa sunod na ginawa nito.ng lagay Ito ng kanin at ampalaya sa kutsara saka iniumang sa kanyang bibig."because you don't like vegetables I will feed you so you can eat it all.."napipilan siya. bakit lahat napapansin nito sa kanya?. "if you think.that you are sexy in that shape. You're wrong.young woman.?her jaw literally dropped because of his taunt,why is he paying so much attention to him. she has no intention of being sexy. because her body has a natural shape. and she doesn't eat ampalaya. "what the earth is happening to him?. "k-kuya hindi po ako kumakain ng ampalaya" tanggi niya dito.pero para yatang wala itong balak mag patalo sa kanya. kaya napilitan na lang siyang ibuka ang bibig. napapangiwi siya at parang masusuka habang ngininguya iyon napatakip pa siya ng bibig niya dahil parang mailalabas niya iyon. sibayan na lang niya ng pagkain ng saging at sabay lunok parang maluluha naman siya ng sumandok ulit Ito ng kanin at ampala. ng isubo nito iyon ay tinignan niya ito. pinagmamasdan pala siya nito habang kumakain at parang kinakabisado ang bawat parte ng kanyang mukha hindi na rin niya maalis ang mga mata dito."parang may something sa eye contact namin ni kuya" bumilis ang t***k ng puso niya at mas lalo siyang nanghihina sa mga titig nito.inaamin niya nang unang beses na makita pa lang niya Ito ay nagka crush na siya dito. at hindi niya talaga mapigilan ang mabilis na t***k ng puso niya pag na susulyapan ang gwapong mukha nito.mas lalo na ngayon na nasa harapan niya ito at sinusubuan pa siya. para na siyang hihimatayin sa kilig"ang bango". Hindi niya namalayang natapos at naubos na pala niya ang pagkaing nasa tray.ginulo nito ang buhok niya na parang isang masunuring bata. "good girl"napasimangot naman siya sa turan nito.nakita niyang dinampot nito ang gamot at Ito na rin ang ng bukas non saka binigay sa kanya. inabot din nito ang baso ng tubig. "rest now goodnight."Hindi na siya nakapag salita hanggang sa marinig niya ang pag sarado ng pinto.nayakap niya ng mahigpit ang unan at mahinang tumili dahil sa sobrang kilig. hinawakan niya ang dibdib at napakagat labi dahil naalala niya ang ginawang pag aalaga sa kanya ng kuya Gavin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD