Prologue
Prologue
ANNIVERSARY ngayon ng pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko ang araw na pinaka kinamumuhian ko sa buong buhay ko. Sa tuwing dumarating ang gabing ito, para akong ibinabalik sa impyerno na ayaw ko nang balikan, ngunit hindi ko kailanman nakakalimutan.
Nasa madilim aking silid-aklatan, nakaupo sa lumang upuan habang hawak ang isang basong puno ng whisky. Tanging tunog ng orasan at mabigat kong paghinga ang pumupuno sa katahimikan. Lagok ako ng lagok, umaasang malulunod ko sa alak ang mga sigaw at iyak na patuloy na bumabalik sa isip ko.
Hindi ko makalimutan ang gabing iyon ang pagtili ng gulong, ang biglang pagliyad ng sasakyan, at ang tunog ng bakal na nagkadurug-durog. Nakita ko silang lahat ang mga kamay nilang humihingi ng saklolo, ang mga mata nilang puno ng takot at ako, wala man lang nagawa.
Sukdulan ang galit ko sa sarili ko. Dapat kasama nila akong nawala. Dapat ako ang nagligtas sa kanila. Pero heto ako… buhay, humihinga, at araw-araw na tinutuligsa ng alaala na hindi ko sila na protektahan ang mahal ko sa buhay.
Sa gabi ng anibersaryo nila, tanging alak at dilim ang kaakbay ko. At sa bawat pag lagok ko, mas lalo kong naririnig ang sigaw nila. Mas lalo kong nakikita ang dugo, ang apoy, ang gabing iyon na patuloy akong sinusunog.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin dalhin ang bigat nito. Ang alam ko lang hinding-hindi ako bibitaw sa galit na ito. At hinding-hindi ko makakalimutan ang taong dahilan ng lahat.
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko mukhang naparami na nga ang nainom ko. Mabigat ang ulo, pero mas mabigat ang dibdib. Kailangan ko nang magpahinga. Bumalik ako sa kwarto, hinubad ang damit ko, at dumiretso sa banyo. Pinadaan ko sa ilalim ng malamig na tubig ang pagod at galit sa katawan ko, pero kahit anong lamig, hindi nito kayang patahimikin ang apoy sa loob ko.
Pagbuhos ng huling patak ng tubig sa mukha ko, agad akong nakatapis ng tuwalya at lumabas ng banyo gusto ko nang humiga at kalimutan ang lahat.
Pero paglabas ko—..
“What the f**k… Who the hell are you?”
Mataas, matalim, at punong-puno ng pagkairita ang boses ko.
Nakatayo sa gitna ng kwarto ko ang isang babae, hawak ang feather duster na parang espada, nakadilat ang mga mata na parang nakita ako bilang.
“Ah! Butiking malaki!”
Sigaw niya na halos ikinataas ng kilay ko.
Napadiin ang hawak ko sa tuwalya.
Hindi ako natuwa. Hindi ako natuwa kahit kaunti.
“Sino ka? At bakit ka basta-basta pumasok sa kwarto ko nang wala kong pahintulot?”
Mariin, malamig, at mapanganib ang bawat salita ko. Ramdam kong nanginginig siya.
“Sorry po, sir,” mabilis niyang sagot. “Ako po ‘yung bagong katulong dito sa bahay. Akala ko po walang tao. Maglilinis lang sana ako. Hindi ko po alam kung saan magsisimula kasi ang dami pong kwarto, kaya ito po ang unang napasukan ko.”
Napakunot ang noo ko.
Hindi ko nagustuhan ang paliwanag niya. Hindi ko nagustuhan kahit ano sa nangyayaring ito.
“Hindi ka pa pinakikilala sa’kin ni Mang Danilo…”
Mapanganib kong sabi habang mabagal akong lumalapit sa kanya hakbang na bigat sa sahig, hakbang na parang humahamon.
“ At may lakas ka ng loob pasukin ang kwarto ko?”
Napalunok siya. Ramdam ko ang kaba niya.
At ramdam niya ang galit ko galit na matagal nang nakatagong handang sumabog sa kahit sinong matatakot.
Mabagal akong lumapit sa kanya, ramdam ang unti-unting pag-init ng galit ko.
Humakbang ako.
Isa pa.
Isa pa.
At bawat hakbang ko, napapaatras siya parang awtomatiko. Parang hinihigop siya ng takot.
Hanggang sa likod na lang ng tuhod niya ang kama ko.
“Si_sir, pasensya na po talaga,” nanginginig niyang sambit.
Napansin ko kung paano nanginig ang kamay niya habang hawak ang feather duster.
Napansin ko kung paano lumakas ang hingal niya.
At kung paano tumalon ang tingin niya sa tuwalya ko, sabay mabilis na pag-iwas pero huli ang lahat, nakita ko.
Mas lalo kong pinagdiinan ang panga ko.
“Hindi ka marunong kumatok?” tanong ko sa mababang boses, halos garalgal sa inis.
Lumapit pa ako. Sapat para makita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib niya sa kaba.
“Po… p-po? Akala ko po kasi wala tao at bukas po ang pinto..
“Hindi mo trabaho ang umasa.”
Pinigilan ko ang sariling sumigaw, pero bumaon ang bawat salita ko.
“Bago ka pa lang dito. Wala ka pang kilala. Pero unang araw mo kwarto ko agad ang pinasok mo.”
Napatakip siya sa bibig niya, natataranta.
“Hindi ko po sinasadya.”
“Hindi ko tinatanong kung sinasadya mo.”
Tumikom ang labi ko, mas mapanganib ang boses ko habang nakatingin ako diretso sa mata niya.
“Tinanong ko kung bakit ka nandito.”
Lalong lumaki ang mata niya.
Hindi niya alam kung sasagot ba siya o tatakbo.
Pero alam kong wala siyang lakas para tumakbo.
Ramdam ko ang panginginig niya.
Yung kaba na halos marinig ko ang t***k ng puso niya mula sa distansya namin.
Napalunok siya.
Tumaas ang balikat niya nagtangkang huminga ng maayos pero hindi makuha ang hangin.
At nang mas lumapit ako, tinamaan ko ng anino ko ang buong katawan niya.
“Sa dami ng kwartong pwede mong simulan…”
Bumaba ang tono ko, malamig, matalim.
“dito pa talaga pumasok?”
Hindi siya nakaimik.
Halos hindi siya makagalaw.
Si–sir… sori po talaga. Hindi ko po sinasadya lalabas na lang po ako,”
halos maiyak na bulong niya, nanginginig ang kamay habang humakbang na pilit humahawak sa doorknob.
Pero bago pa siya makagalaw,
binagsak ko ang kamay ko sa pinto, eksaktong sa likuran niya.
Parang naputol ang hininga niya.
Napakislot siya, napakapit sa sarili, at napapikit na tila inaasahan ang pinakamasama.
“Bakit ka natatakot?” mariin kong sabi, halos dumidikit ang labi ko sa gilid ng kanyang tenga.
“Hindi pa nga ako masyadong galit sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, puno ng takot at kaba.
Nagtagpo ang mga mata namin at doon ko nakita ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
hindi lang takot kundi malinaw na pagkalito at hindi maipaliwanag na paghila sa presensya ko.
Mas lalo akong napakunot-noo.
“Hindi ka basta-basta dapat pumapasok sa kwarto ko,” madiin kong ulit,
pero may ibang tono na sa boses ko galit na nakahalo sa isang bagay na mas delikado pa.
Lumapit ako ng bahagya.
Isang hakbang lang, pero sapat para maramdaman niya ang init ng katawan ko kahit bagong mula sa malamig na shower.
Napatingala siya sa akin, hindi makagalaw.
Nag-angat siya ng kamay na parang gusto akong itulak, pero hindi tumuloy.
Para bang takot siyang hipuin ako o takot siyang may maramdaman kapag ginawa niya.
Napataas ako ng kilay na may pang-aasar,
habang nakatitig sa kanya.
“Tatakbo ka ba?” mababa kong tanong,
isang tunog na may halong galit, pagdaramdam, at hindi ko maipaliwanag na pagnanasa na kontrolin ang sitwasyon.
Napalunok siya, halos hindi makasagot.
“Hi–hindi po… ay oo ah-aalis na sana ako.”
Lumapit ako nang mas malapit pa hanggang halos mawala ang pagitan naming dalawa.
“Alin ba talaga?”
bulong ko, mababa, malamig, pero may init na nilalabanan ko.
“Tatakas? O hihintayin mo kung ano ang gagawin ko?”
Nanigas ang katawan niya.
Hindi makapili.
Hindi makapagsalita.
Sa loob ng ilang segundo,
tanging ang hininga namin ang maririnig
galit at kaba, init at lamig, nagtatagpo sa gitna ng tensiyong kahit ako hindi ko inaasahang maramdaman mula sa isang estranghera.
Sa gitna ng aking desperadong halik, inilapit ko ang aking mukha sa kanya, hinihila ang kanyang mukha upang mas maging matindi ang pagdampi ng aming labi. Nais kong lunurin siya, at ang sarili ko, sa init na matagal nang hindi ko naramdaman.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makulong sa pagnanasa, naramdaman ko ang pagpigil niya at pagkatapos...
Sapak!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Ang lakas nito ay halos nagpatalsik sa akin. Ang tunog ay umalingawngaw sa loob ng kwarto at sa aking tenga. Ang kirot ay biglang nagpabalik sa akin. Parang isang batya ng malamig na may yelo na tubig na ibinuhos sa aking ulo, nagpagising sa akin mula sa bangungot ng alak at kalasingan.
"Bastos! Wala kang galang!" Ang boses niya ay matalas at nanginginig, hindi sa takot, kundi sa galit. Ang mga mata niya, na kanina'y nag-aalala, ay ngayon ay nag-aapoy. Para siyang isang mandirigma na handang makipaglaban.
Napahawak ako sa aking panga. Ang hapdi ay sumasagot sa bawat pulso. Ang kanyang palad ay nag-iwan ng nagbabagang marka sa aking pisngi. Nakatitig ako sa kanya. Sa loob ng higit sampung taon ng pagdurusa at galit, ngayon lang ako nakaranas na masampal ng isang babae. Ang shock ay mas matindi kaysa sa sakit.
"Umalis ka," bulong ko, ang aking boses ay garalgal at halos hindi marinig. Ngunit mabilis itong lumakas at naging dagundong sa aking dibdib: "Labas na! Ngayon din!"
Hindi na siya nag-atubili. Ang galit sa kanyang mukha ay naging matinding pagkasuklam. Mabilis siyang tumalikod at lumabas sa pinto.
Malakas at madiin na pagsara ng pinto, at muli, ako ay nag-iisa. Napalakad ako at hinayaan kong dumaloy ang init ng sampal sa aking panga. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klaseng paghamon.
Sa loob ng maraming taon, ako ang nagtatago, ako ang nagdurusa. Ngunit ang babaeng iyon, sa isang matinding sampal, ay ginising ang isang bagay na matagal nang natutulog sa loob ko.
"Ibang klase kang babae," bulong ko, ang boses ko'y garalgal at puno ng pangako. Hindi na ito ang malungkot at lasing na Machete. Nilingon ko ang pinto na sinarhan niya, ang ngiti ko ay mapanganib at matigas, tulad ng whisky na ininom ko.
"Sige,Tingnan natin kung hanggang kailan ka mananatili at kung hanggang kailan mo kayang makipaglaro dito sa pamamahay ko," banta ko.
Mayroon siyang katapangan. Mayroon siyang tapang na sampalin ang demonyo sa kanyang harapan. Ito ay hindi lamang tungkol sa sampal, ito ay tungkol sa paglaban niya sa aking kapangyarihan at pag-iisa.
"Humanda ka. Hindi ko ito palalampasin." Ang galit ko ay mas malalim na ngayon kaysa sa guilt ko. "Hindi ako natutulog na lalaki, at hindi ako kailanman nagpapatalo. Pahirapan talaga kita, kung sinong babae ka man."