“Magandang ideya ‘yan,” sang-ayon ni Javier kay Esperanza. “Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yan? May libangan na’y magkakaroon pa ng pagkakataong maghuntahan ang mga tao.” “Payag kang magkaroon ng zarzuela sa Plaza tuwing huling Sabado ng buwan?” Kumikislap ang mga mata ng dalaga sa tuwa. “Bakit hindi? Tingin ko’y mahahasa pa niyan ang talento ng mga tagarito.” “At tiyak magugustuhan ng mga kababayan natin ‘yan, Mayor. Dagdag puntos pa sa inyo ‘yan sa susunod na eleksiyon,” sabat ng alalay ni Javier. Malimit itong mapagkamalang bata. Maliit kasi ito at payat pa. “Ikaw talaga, Bien, wala kang bukambibig kundi eleksiyon. Basta tapat ka lang sa paninilbihan mo sa bayan, iboboto’t iboboto ka nila. At ‘yan nama’y ginagawa ko sa abot ng makakaya ko,” sabi ni Javier. “Talagang di-matatawaran
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


