Kabanata 33

3298 Words

“May hinihintay ka?” Mababa ang tono ng boses ng lalaking nagtanong. Sumabay iyon sa tunog ng sasakyan at ingay ng mga taong namamasyal sa Plaza. “Dumidilim na. Wala ka bang kasama?” Kumabog ang dibdib ni Esperanza. Marinig niya lang ang boses ni Lucas ay lumulundag agad ang kaniyang puso, nagiging eratiko ang pintig niyon. Sumulyap siya sa binata. “Pinauna ko nang umuwi si Conchita. May usapan kami ni Salvino na magkikita rito.” Tumayo ito sa tabi niya. “Sasamahan na muna kita habang wala pa siya.” “Hindi ko kailangan ng bantay.” “Siguro’y hindi masama kung may kausap ka habang naghihintay. Saka, ang tagal na rin nating hindi nagkita. Parang gusto ko na ngang isiping iniiwasan mo ako.” “Bakit ko naman gagawin ’yon?” pagsisinungaling niya pero ang totoo’y iniiwasan niya talaga ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD