Kabanata 32

1968 Words

Huwag mo lang hahayaang bumaba 'yan. Bumalik sa alaala ni Lucas ang tagpong iyon nang sinadya niya kanina si Javier sa munisipyo. "Pasok!" Narinig niyang sabi nito pagkatapos niyang kumatok. "Mayor," bati niya. "A... Lucas"—ngumisi ito, isinandal ang likod sa silya at ipinatong ang dalawang paa sa lamesa. Relaks ang pustura nito na karaniwang makikita sa mga taong ipinanganak na mayaman at lumaki sa luho. Sa kabila ng estado nito, sanay itong magbanat ng buto. Mabait din ito kung sa mabait. Pero alam ni Lucas na may itinatago rin itong kalupitan sa katawan kung kinanti ang sinumang mahal nito sa buhay. "Inaasahan ko talaga ang pagdating mo," patuloy nito. Nagmuwestra itong umupo siya. Umiling siya at saka pinag-ekis ang braso sa kaniyang dibdib. Nawala ang ngiti sa labi ni Javier.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD