Namula ang paligid sa nasaksihan ni Esperanza. Saglit na lumabo ang kaniyang paningin. Lumipas ang ilang sandali bago rumehistro sa kaniyang utak na ang lahat ng atensiyon ng tao ay sa kaniya pala nakapako. Gumapang ang init mula sa dibdib paakyat sa kaniyang mukha. Bakit kailangang lingunin siya ng mga ito? Inaalam ba nila ang magiging reaksiyon niya sa pagyakap at sa madamdaming salubong ni Anita kay Lucas? O narinig nila ang impit na pagtutol na lumabas sa kaniyang lalamunan? Sinikap niyang huwag magpakita ng kahit na anong emosyon kahit ang totoo'y nginangatngat ng selos ang dibdib niya. Wala na sila sa bundok. Iba na ang sitwasyon ngayon. May nobyo na siya. Si Lucas naman ay malaya ring pumasok sa isang relasyon. "Maiiwan na kita, Lucas," sabi niya. "Tingin ko, marami pa kayong pag

