Episode 1 Taong 1945
Ang World War II (WWII o WW2), sa Unyong Sobyet, ang Great Patriotic War, ay isang pandaigdigang giyera na kinasasangkutan ng mga nangunguna at makapangyarihan bansa. Nag-umpisa ang giyera noong mga taon 1939–1945 ngunit ang ilang mga bansa ay nagsimulang mag-giyera noong 1937. Kinasangkutan ito ng dalawang alyansang militar: Ang Allies ay binubuo ng France , Great Britain, Soviet Union at United States of America at Ang Axis Power ay binubuo naman ng Germany, Italy at Japan.
Ito na ang pinaka nakakatakot at pinakamalaking pinsala sa buong kasaysayan ng mundo. Maraming mga bansa ang dumaan sa gutom at paghihirap. Pumatay ng maraming tao ang nagdaang giyera. Naitala noon sa pagitan ng 50 hanggang 85 milyong katao ang namatay dahil sa giyerang pinagkagastusan ng wala namang kapakinabangan sa lahat. Ang mga sibilyan ang pinakamarami sa hanay ng mga nasawi, Kasama rito ang pag-m******e ni Adolf Hitler sa maraming tao sa Europa o ang tinatawag na h*******t, estratehikong pambobomba, gutom, sakit, at ang paggamit ng sandatang nukleyar laban sa mga sibilyan. Mistula itong bangungot para sa lahat ng mga namumuhay noong panahon iyon.
Samantala sa Pilipinas...
Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa kasyasayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikaliwang Digmaang Pandaigdig binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawai at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo umatras si Heneral Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan). papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Leyte. Naproklama bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bululubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.
Sa gitna ng kaguluhan isang kakaibang pangyayari ang naganap sa gitna nga labanan ng Hapon at Amerikano dito sa Pilipinas. Hindi ito batid ng lahat ng mga nakasaksi ng madugong giyera, hindi ito nasaksihan ng mga sundalong hapon at magkasanib na pwersa ng kasundaluhan ng Amerikano at Pilipino , hindi ito nakita ng mga walang malay na naging biktima ng karahasan ng digmaan ang pagtatagpo ng magkaibang nilalang. Isang batang paslit lamang ang nakasaksi sa mahiwagang naganap sa gitna ng giyera, Ang pag-iibigan ng isang tao at ng isang misteryosang babae na isa palang anghel.
Isang sundalo ang buong tapang na pinasok ang gitna ng Intramuros (Wall City). May mga iilang sibilyan ang naipit sa labanan ng mga Hapones at Amerikano na kailangan iligtas.
"Need back up, Need back up!" wika ng sundalong lalaki sa kanyang radyong nakasukbit sa kanyang dibdib.
Nag-iisa at walang takot na pinasok ng isang bente uno anyos na sundalo ang gusaling malapit nang gumuho. Mamamasdan sa buong kalapit lugar ng Intramuros na wasak na wasak ang mga gusali.
Binilisan pa ng pagtakbo ng sundalo nang makita niya ang isang panyo iwinawagayway ng isang bata sa bintana.
"Saklolo tulungan niyo kami!" sigaw ng bata.
Kaagad na tinungo ng magiting na sundalo ang ang batang nanghihingi ng tulong.
"Tulungan niyo kami, pawang awa niyo na." Isang tinig ng babae ang hihingalo ang kanyang narinig. Ito ang nagpasidhi sa sundalo na bagtasin ang gusaling malapit nang gumuho.
Mabilis na tumatakbo ang sundalo papalapit sa mag ina. Kapwa lumuluha ang mag ina sa tindi ng sakit at takot na nadarama.
"Huwag kayong matakot ililigtas ko kayo." binigyan ng pag-asa ng binatang sundalo ang kaawaang mag ina.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mag-ina na walang tigil sa paghagulgol. Naliligo sa dugo at alikabok ang mga katawan ng mag ina. Dugo dahil tinamaan ng mga tipak na semento ang mag-ina sa kanilang mga ulo at alikabok gawa ng pagpapasabog ng mga fighter jet ng mga Amerikano.
"Kaya niyo bang maglakad?" tanong ng sundalo.
"Ginoo ang anak ko na lamang ang iyong iligtas, nararamdaman ko na malapit na ang aking kamatayan." wika ng Ginang.
Sinilip ng sundalo ang mag ina sa sulok na kinabagsakan ng pader. Mistulang naging lungga ang kinasadlakan ng babaeng nakulong ng bumagsak na pader.
"Makinig kayong mabuti bilisan natin ang pagkilos, Kailangan natin makalabas dito sa gusali at baka mabaon tayo ng buhay." sabi ng sundalo.
"Bata lumabas ka na riyan, babalikan na lang natin ang iyong Ina." utos niya sa batang paslit.
"Hindi ko maiiwan ang Nanay ko." muling hagulgol ng bata.
"Bata makinig ka sakin ng mabuti, kung hindi ka sasama sakin mamatay tayong lahat." giit ng sundalo.
"Anak sumunod ka na lang, iligtas niyo na ang mga sarili niyo. Iwanan niyo na ako rito." wika ng Ginang na halos mawalan na ng pag-asa.
"Hindi ina!" tutol ng batang lalaki.
"Jet aircraft Henkel he 178 will be firing the parameters. I repeat, Jet aircraft Henkel he 178 will be firing a missile on Intramuros."
Ito ang naririnig ng sundalo at mag ina sa radyo. Nagbigay babala na ang Amerikanong kumander na inatasan labanan si Heneral Hammo ng bansang Hapon.
"Pasasabugin na ng mga Amerikano ang Intramuros umalis na tayo bata." mahigpit na utos ng binatang sundalo.
"Umalis na kayo pakiusap, iligtas niyo na ang mga sarili ninyo!" lumuluhang sabi ng Ina.
Kaagad na kumilos ang sundalo, pwersahan niyang hinatak ang batang lalaki nasa anim na taong gulang pa lamang. Bagamat nagpupumiglas pa ay kinarga na ito ng sundalo. Nagpapalahaw ng iyak ang bata nang iwan nila ang kanyang ina.
Tumahimik ang bata nang makita niya mula sa himpapawid ang pagronda ng mga lumilipad na fighter Jet sa buong Intramuros. Noon lamang niya naisip na delikado ang buhay nila at ano mang oras sila ay bobombahin.
Kinakapos man ng hininga at patuloy pa rin sa pagtakbo ang sundalo. Naiiwasan pa niya ang tipak ng mga semento mula sa pag-guho ng ilang gusali.
"All units should immediately leave the parameters." wika ng Amerikanong kumander sa radyo.
Aabot pa sana sundalo sa ligtas na lugar, nang bigla na lamang dumating ang tora tora plane ng bansang Hapon. Pinatamaan ng tora tora plane ng bansang Hapon at Fighter ng bansang Amerikano ang bawat isa. Sa hindi maintindihan na kaguluhan binomba ng magkatunggali ang Intramuros.
Sa lakas ng pagsabog ng mga bomba halos madurog at mabura sa mapa ang Intramuros. Kitang kita ng dalawang mata ng batang paslit ang mahimalang pagsalba sa kanila ng babaeng nakasuot ng puti.
Tila huminto ang oras sa paligid. Kasunod nun ay may liwanag na lumitaw ngunit nakapupuwing sa mata dahil may hatid ang liwanag ng maputing usok. Tinakpan ng mga pakpak ng Anghel ang sundalo at ang batang lalaki. Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawa. Mabuti na lamang at iniligtas sila ng Anghel kung hindi kasama na silang natusta kagaya ng mga gusali, mga sasakyan na naiwan sa Intramuros.
Kapwa nawalan ng malay ang sundalo at ang batang lalaki. Sumunod na nangyari ay namalayan na lang ng bata na nasa loob sila ng malaking tent.
Kitang kita niyang binobomba ang dibdib ng sundalo habang siya naman ay nilalapatan ng lunas. Agaw buhay ang sundalo tanging tunog ng flat rate lang ang kanyang naririnig sa paligid. Nagtataka ang bata sa namamalas niyang pangyayari, Sa gitna ng pagsigaw ng mga duktor na sundalo at patuloy na pagpapalitan ng putok ng baril ss Intramuros. Wala siyang naririnig na kung ano man.
Hindi rin pansin ng mga nakapalibot sa sundalo ang babaeng nakaputi. Tanging ang bata lamang ang nakakakita sa anghel, sabi niya sa sarili sino kaya ang babaeng ito. Bakit kanina ay naglabas ito ng mga pakpak? Bakit hindi siya nakikita ng mga sundalong umiiyak sa sinapit ng bayaning sundalo.
Nang wala nang magawa ang mga duktor na sundalo ay iniwan na nila ang namayapang sundalo. Saglit nila ito binigyan ng katahimikan para sa kanyang pagpanaw.
Dahan-dahang nilapitan ng mahiwagang babae ang walang buhay na sundalo. Pinagmasdan niya ang mukha ng sundalo, kumurba ng bahagya ang labi nito. Bagamat nakangiti ang napakagandang babae. Pumatak ang luha nito sa pisngi at pagkatapos ay tumingala nang nakapikit.
Inumang ng walang muwang na bata ang kanyang kamay, pilit niyang inaabot ang mahiwagang babae. Sa mura nitong isip ay tumitibok ng mabilis ang kanyang puso para Anghel.
Napatigil ang bata nang hawakan ng Anghel ang noo ng sundalo. Nanalangin pala ang Anghel sa Diyos na kaawaan ang sundalo na bigyan pa ito ng pagkakataong mabuhay.
Umangat ang katawan ng lalaking sundalo kasama ang ulo nito, isang malakas ng paghugot ng hininga ang ginawa ng sundalo. Isang himala ang muling pagkabuhay ng sundalo.
Tumambad sa sundalo ang napakagandang Anghel. Nanlaki ang mga mata ng Anghel nang mapansin niyang nakikita siya ng Sundalo. Tinangka niyang umalis ngunit huli na ang lahat dahil nahawakan siya ng sundalo. May bahid ng dugo ang kamay ng sundalo.
"Huwag mo kong hawakan!" babala ng Anghel.
Muli na naman nagliwanag ang paligid isang maling bagay ang dulot ng paghawak ng sundalo sa misteryosang babae. Paglaho ng liwanag nakita ng batang lalaki na nawalang ng malay ang babae, ganoon din ang lalaki.
Humingi ng saklolo ang batang lalaki. Isa-isa isang nagsipagdatingan ang mga duktor na sundalo at ilang sundalo ka tropa niya. Kaagad nilang nilapitang ang sundalo na muling nabuhay. Takang taka sila kung bakit at paanong muling nabuhay ang sundalo.
Napansin din nila ang babaeng nakabulagta sa sahig. Pinagtulungan nila itong buhatin at inihiga sa isa pang bakanteng higaan. Hindi pa nila lubos maisip kung paano nabuhay ang sundalong sugatan at heto may magandang babae silang natagpuan sa loob ng tent.
Nagsasalita ang bata ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Nahihirapan na rin siyang makahinga dulot ng mahiwagang pangyayari.
Napaiyak na lamang ang batang musmos. Sa mura niyang isip ay traumatized ito sa nangyari ngayon sa kanyang buhay. Ang karahasan ng giyera, pagkamatay ng kanyang ina at hiwagang nasaksihan niya sa misteryosang babae. Ang mga
Maya-maya ay nakita niya ang kaluluwa ng kanyang ina. Nakangiting kumakaway sa kanya ang kanyang ina bago kunin ng liwanag. Rumagasa ang mga luha sa kanyang mga mata, naninikip ang kanyang dibdib at nagsimula siyang mahirapan humihinga.Pagkatapos ng malupit na karanasan sa giyera at di maipaliwanag na pangyayari ay muli na naman siyang nawalan ng malay.
Ang huling nakita niya bago ipikit ang kanyang mga mata ay nirespondehan siya ng isa sa mga duktor na naroon.