Naging payapa ang paglalayag ng barko sa kalangitan. Mas naramdaman niya ang lamig ng pag-ihip ng hangin sa kaniyang mukha. Nanatili siya sa unahan ng barko na pinagmamasdan ang senaryo sa ibaba. Naisip niya pa kung nakaalis na rin sina Odeo sa isla ng Magayon dahil lampas kalahating oras na ang nakakalipas mula nang maglayag ang sinakyan niyang barko. Sa pananahimik niya ay hindi niya naiwasang balikan ang mga nangyari sa kaniya sa mundong iyon. Marami na ring dumaan sa kaniya na nang dati sa pinanggalingan niyang mundo'y hindi pinapangarap niya lamang. Naputol ang kaniyang pag-iisip sa paggapang ng ahas palabas sa kaniyang suot. Dumaan ito sa kaniyang braso paibaba ng kaniyang kamay hanggang makarating sa harang na matigas na kahoy ng barko. Nanatili rin itong tahimik sa pagtitig din ni

