Tumayo siya sa harang sa tabi ng daan pagkarating niya sa kalagitnaan ng mga panatalan. Pinagmasdan niya ang mga nakadaong na barko kung saan umaakyat ang mga mangangalakal sa paghahanap niya nang maaari niyang sakyan. Naalis niya lang ang tingin dito sa pagliparan ng mga ibon na maputi ang mga balahibo mula sa kabundukan sa kaniyang kaliwa. Patungo ang mga ito sa karagatan na nakahanay sa kalangitan. Nang balak na niyang maglakad upang makarating sa malapit na barko, dumating sa kaniyang likuran ang lalaking malaki ang pangagatawan na nakausap niya. Sinundan siya nito matapos niyang umalis sa bahay nito. Napatigil na lamang siya't nilingon ang lalaki. "Ano ang mayroon sa inyo ni Odeo?" ang nasabi nito sa kaniya. Pinagmasdan niya ito na naguguluhan. "Ano ang ibig mong sabihin diyan?" "

