Sa paglipas ng mga sandali nanghihina na ang kaniyang katawan. Tumigil na rin sa paggalaw si Odeo sa kaniyang kaliwa. Kapag nanatili silang walang ginagawa pihadong hindi na nga sila makakatakas pa sa lugar na iyon. Pinagmasdan niya ang ahas sa kaniyang balikat at binigyan niya ito nang makahulugang tingin. Naintindihan ng makamagandag na ahas ang nais niyang iparating dito. Kung kaya nga gumapang ito sa kamay niya patungo sa kinalalagyan ni Odeo. Sumama ang tingin ng lalaki sa paggapang ng ahas sa balikat nito. Binalewala ng ahas ang tingin nito't tinuklaw nito ang lalaki sa gilid ng leeg nito na nagpawalang malay-tao rito. Matapos masiguradong nakatulog nga ang lalaki sa pagbagsak ng ulo nito, sinubukan niyang palabasin ang kaniyang kapangyarihan. Nagawa niya naman ngunit hindi sapat iy

