Maririnig mula sa labas ng pinto ang paggalaw ni Odeo sa loob ng silid. Sa sunod-sunod na pag-irit ng mga bagaheng ginagalaw ng lalaki, tatagal pa iyon nang marami pang sandali. Huminga si Greyson nang malalim upang magkaroon siya ulit ng ganang magpanggap sa harapan nito na walang problema na madalas niya itong makakasama. Gumuhit ang manipis na ngiti sa kaniyang labi't inalis ang kunot sa kaniyang noo. Binibigyan siya nang makahulugang tingin ng mga mag-aaral na napapadaan sa kaniyang likuran. Laman ng isipan ng mga ito ang katotohanang iisa ang silid nila ni Odeo. Madagdagan niyon ang akala ng lahat na alalay siya ng lalaki. Hindi siya nagtagal pa sa labas sa pangangalay ng kaniyang kamay dala ang bagahe. Binuksan niya ang pinto na walang pag-aalinlangan. Ngunit hindi siya kaagad nakap

