Kabanata 36

2031 Words

Ang bulwagan sa dormitoryo na iyon ay nagsisilbi na ring silid-aklatan. Matataas ang mga estante na nasa dalawang sulok at humugis ng bilog. Mayroong mga mahahabang mesa kung saan nakaupo ang mga mag-aaral na pinaghalong babae at lalaki. Pagkarating niya roon ay naghanap siya ng puwede niyang upuan. Wala naman siyang makita kundi ang mesa lang na kinauupuan ni Odeo. Nakaupo ang lalaki sa pinakagitna ng mesa na nakatalikod sa estante kaya sa dulo siya ng mesa pumuwesto. Binigyan niya ito ng pekeng ngiti nang mapalingon ito sa kaniya na siyang dahilan kaya sinamaan siya nito nang tingin. Nabaling niya ang kaniyang tingin sa mesang nasa kanilang unahan dahil sa babaeng pinsan ni Odeo. Napapalingon ito sa kanila ng lalaki na nakaguhit ang pagtataka sa mukha nito. Tinaas niya ang kamay dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD